Chapter 59
“Meona, ikakasal na ako!”
“Huh?!”
Tatlong araw matapos ang unang session ng therapy ko kay Doc. Alliah ay tinawagan ko si Summer para kumustahin siya. Alalang-alala raw sila nila Jack sa akin na pumunta pala sila ng presinto para i-report na kinidnap daw ako! Galit na galit daw sila dahil hindi sila pinansin ng mga pulis kaya nagpa-print sila ng mga missing person poster para sa'kin! Mabuti na lamang at bago pa nila iyon maipamigay ay nakatawag na ako!
Simula noon ay halos araw-araw na kaming nag-uusap. Sobrang laking tulong nilang mga kaibigan ko sa'kin, lalo na noong mga panahon na pakiramdam ko'y wala na akong dahilan para mabuhay pa.
Doon din nila unti-unting naging kaibigan din si Mira at Nathaira. Dahil nagkasundo nga ang mga ito kaya gumawa si Jack ng group chat at in-add kami roon. Nagugulat na lamang ako na napakaraming notifications ng messenger ko. Iyon pala ay mga mensahe nila sa group chat.
“Nag-uusap palang tayo kahapon tapos engaged ka na agad ngayon? Ang bilis naman!” Hindi makapaniwala kong sambit.
“Eh, kasi...” she trailed off. “'Di ba may kinwento ako sa'yo na babaeng nurse rin na pinagseselosan ko?”
“Oo,” sagot ko.
Nurse na rin kasi sila Summer at Jake. Tinulungan ko silang makapag-aral matapos ang tawag ko kay Summer. Ngayon ay nagta-trabaho na rin sila sa hospital. May nurse raw kasi roon na laging tinutukso kay Jake. Ilang beses na raw napaaway si Jake sa kaniyang mga ka-trabaho dahil hindi raw marunong rumespeto ang mga ito, kahit na sinabi naman na ni Jake na mahal niya ang girlfriend niya, at alam pa nilang si Summer iyon.
Wala naman daw ginagawa si Jake na ikakaselos niya. Kapag may nangtutukso, hahalikan daw ni Jake si Summer sa harap mismo ng mga nangtutukso sabay sasabihing si Summer ang girlfriend niya at ang mahal niya. Kapag daw napapansin ni Jake na sinasadiya nung nurse na lumapit sa kaniya kahit na wala naman silang trabaho para matukso sila, si Jake raw mismo ang kaagad na lalapit kay Summer, halos tumakbo raw para makalayo sa babae. Kapag nagseselos siya dahil parang mas bagay raw si Jake nung tinutukso ng mga ka-trabaho nila, lagi raw itong gumagawa ng paraan para mawala ang kaniyang selos at laging sinigurado sa kaniya na siya lang ang mahal nito.
“Nag-away ulit kasi kami kahapon.” Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi na parang nahihiya pang sabihin. “Kasi nagseselos ako dahil tinutukso na naman silang dalawa. Tapos habang nagagalit ako—” nag-iwas siya ng tingin, namumula. “b-bigla niya akong hinalikan tapos nag-propose.”
Halos literal na malaglag ang panga ko sa narinig. Ano?!
“Gusto ko na rin kasing magpakasal kami noong unang taon pa lang namin bilang mag boyfriend at girlfriend. Hindi naman daw sa ayaw niya pero hindi pa raw kami handa para roon. Gusto niya kasi na kapag magpakasal kami, may sarili na kaming bahay at may ipon na kami para sa magiging pamilya namin.” Kinagat niyang muli ang kaniyang ibabang labi, hindi makatingin sa akin.
Nakinig lamang ako sa kwento niya.
“Tapos ayun... No'ng isang buwan pa pala siyang nakabili ng singsing at nagbabalak mag-propose, pero hindi raw siya makapag-propose dahil doon kami nagsimulang magtalo palagi, kaya nag-aantay raw siya ng tamang pagkakataon. Balak niya raw dapat mag-propose next month kasi nag-file pala siya ng application sa ibang hospital, para malayo na kami roon sa babae at sa mga ka-trabaho namin, pero hindi na raw siya makapag-antay dahil hindi na niya kayang palagi kaming nag-aaway.”
Napanguso naman ako.
“T-tapos naisip ko na siguro, kaya ako selos na selos kasi naisip ko na baka hindi sigurado si Jake sa'kin kasi ayaw niya pang magpakasal. Ngayon ko lang naintindihan 'yong punto niya. Kasi tingnan mo, nakapagpatayo na pala siya ng bahay para sa'ming dalawa. Tapos may mga lupa na rin siya na nabili para raw kung sakaling may gusto akong ipatayo ay may pwesto kami. May ipon na rin siya para sa kasal namin. Tapos nag-ipon na rin siya para sa future family raw namin. Sapat na lahat ng iyon para sa'min, hindi pa kasali ang naipon ko rin sa loob ng limang taon at sa pagta-trabaho namin sa restaurant. Matagal na niya palang pinaghahandaan ang kasal namin, Meona.”
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...