Chapter 8
Hindi ko alam kung paano natapos ang gabing iyon. Ang tanging naiintindihan ko lang ay ang pagtango ko na lamang dahil sa pagod, ang pag-akyat sa kwarto, at ang buong gabing tahimik na pag-iyak.
Nagising ako kinaumagahan na halos hindi maibuklat ang mga mata dahil sa hapdi ngunit pilit akong bumangon para sa trabaho. Habang naliligo at nagbibihis ay ramdam ko ang hapdi sa aking mukha at braso.
Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Kaya pala masakit... may pasa roon.
Kinuha ko ang make-up kit ni ate saka pinili ang foundation na kasing kulay ng aking balat. Tinabunan ko ang mga pasa sa mukha gamit ang foundation. Ganoon din ang ginawa ko sa aking mga braso dahil hindi iyon natatakpan ng sleeve ng uniform ko sa restaurant.
Hindi naman talaga ako marunong mag make-up. Hindi rin ako interesado sa ganito noon. Natuto lang at nagkainteres nang ma-diagnose si ate ng cancer at ako ang naging buntungan ni nanay ng galit at stress.
"Anak, aalis na muna ako ha? Dadalawin ko kasi ang ate mo. Kailangan niyang malaman na may pag-asa na ulit kami para tuluyan siyang gumaling." Ani mama bago tuluyang umalis—na mas lalong nagpabigat sa loob ko.
Inaasahan talaga ni mama na tutulungan kami ng mga Dela Vega... kahit na ilang beses ko naman nang sinabi na hindi iyon sigurado.
Nang makarating ako sa restaurant ay saktong nagsisialisan na ang mga empleyadong night shift. Natanaw ko si Sir William na papasok sa backdoor ng restaurant habang minamasahe na naman ang kaniyang noo.
Ang makita si Sir William na kapatid ni Sir Welson ay biglang nagbigay ng lamig sa tiyan ko. Naalala na naman ang nangyari kagabi.
Pilit ko iyong iwinaksi sa isipan nang magsimula na ang trabaho.
"Meona," tawag ni Summer.
"Ano 'yon?" Sagot ko at lumapit sa kaniya. May dala-dala siyang tray na puno ng pagkain.
"P-pwede bang p-akibigay 'to sa table ng mga Dela Vega?" Aniya.
Kumunot ang noo ko habang nagtatakang nakatingin sa kaniya. "May problema ka ba sa kanila, Sum?" Tanong ko dahil noon ko pa ito napapansin.
Ayaw na ayaw niyang nakakahalubilo ang mga Dela Vega. Maging sa paghahatid ng order, madalas kay Jack o Jake siya nakikipalitan ng tray.
"H-huh?" Naging malikot ang kaniyang mga mata. Hindi makatingin. "W-wala naman... S-sige ako na lang ang maghahatid." Aniya at mukhang aalis na nang dumating si Jake.
"Meona, Summer, may problema ba?" Tanong nito na kababalik lang mula sa pagse-serve.
"Ah, wala wala!" Si Summer na dali-daling nilagpasan si Jake at lumabas ng kusina para ihatid ang order.
Kunot-noo naming pinagmasdan si Summer na nagmamadali ngunit halatang kinakabahan at napipilitan na hinatid ang order.
"Anyari don?" Tanong ni Jake.
"Pinapasuyo niya dapat 'yon sa'kin kaso siya na lang daw." Sagot ko naman.
Biglang pumasok si Jack na may ngisi sa mga labi. Tila ba pinipigilan ang malakas na pagtawa.
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...