Chapter 31
“Hindi naman kita na-miss eh.”
Napanguso lalo si Rafael sa sinabi ko.
Bakit parang nagtampo siya lalo sa sinabi ko? Hindi ba dapat siyang maging masaya kasi inaway ko naman siya noong huli naming pag-uusap?
“So, you still don't miss me after 5 days of not seeing each other?” Tila na-offend niyang sabi.
Binitawan niya ang baba ko at unti-unting tumayo—ang kaniyang tangkad ay tinatabunan ako.
“Uh, h-hindi naman m-masyado.” Sambit ko at tinitigan na lamang ang libro sa aking kamay kaysa kay Rafael.
“Why are you here, then?”
Nag-angat ako ng tingin. “Ah, isusuli k-ko lang... itong libro.” Iniabot ko sa kaniya ang libro habang kagat-kagat ang ibabang labi.
Nag-taas siya ng kilay.
“Why are you giving it to me? Put it back in the shelves if that's the reason why you came.” Ma-awtoridad niyang sabi.
Dali-dali naman akong tumango at tinungo ang book shelf kung saan ko kinuha ang libro.
“N-nasauli ko na.” Nangungusap kong sabi.
Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago tumango. “You can get more books if you want. Feel free to do so.” Aniya at akmang aalis na.
Kaagad kong hinawakan ang sa may siko na parte ng kaniyang itim na suit para pigilan siya.
Kaagad naman siyang napabaling sa'kin—nakataas ang kilay.
“S-saan ka pupunta?” Tanong ko, hindi siya binibitawan.
Bumaba ang kaniyang tingin mula sa mga mata ko hanggang sa kamay kong nakahawak sa kaniyang suit. “I have some papers to take care of. Business papers.”
Napayuko naman ako—nanghihina dahil aalis na agad siya.
“Hindi ba pwedeng d-dito mo nalang gawin ang trabaho mo?” Tanong ko.
Nag-init ang buong pisngi ko nang mapagtanto ang ginagawa. Nagiging sabagal ako sa trabaho niya. Bumitaw ako mula sa pagkakahawak sa kaniyang suit.
“S-sorry,” nanlulumo kong sabi.
Napakurap-kurap siya na parang 'di makapaniwala.
Marahan siyang tumawa. “Dadalhin ko naman talaga rito, Meona... Kukunin ko lang, nasa kwarto.”
“Talaga?” Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa. “Sige! Dito na lang din ako magbabasa ng bagong libro!”
Ngumisi siya at tumango.
Nag-iwas ako ng tingin—nag-iinit lalo ang buong pisngi.
“I'll just get the papers, okay?” Aniya at hinaplos ang buhok.
“Sige!”
Pumili na kaagad ako ng bagong libro mula pa rin sa parehong manunulat. Umupo ako sa katabing lamesa ng inuupuan niya kanina.
Nakangiti kong tinitigan ang libro habang inaantay siyang bumalik.
Bumukas ang pintuan sa kwarto ni Rafael. Napaayos ang upo ko nang pumasok siya dala-dala ang makakapal na papel at ang kaniyang laptop. Ang kaninang kulay itim na suit na kaniyang suot ay napalitan ng kulay itim na T-shirt at itim na pants. At may... suot siyang eye glasses!
Napalunok ako.
Mas lalo tuloy siyang naging gwapo! Lalo na dahil sa salamin niya!
He looks handsome when he's wearing a suit, but he is definitely much more handsome wearing T-shirts!
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...