Chapter 21
Napalunok ako habang sinusubukang tanggalin ang mga putik sa aking puting damit. Inignora ko muna iyong mensahe ni Rafael.
Reminder: Keep your clothes clean. Even a small stain can lead to disqualification from this job opportunity.
Iyon ang nakasulat sa poster na ibinigay ni Leon. Nabasa ko iyon kanina bago ako pumasok ngunit nawala iyon sa isipan ko nang makita ang naiipit na tuta.
Napabuntong hininga ako habang pinupunasan gamit ang aking panyo ang mga putik sa damit.
"Mukhang hindi na ako matatanggap sa trabaho," sambit ko sa asong nakaupo sa harapan ko.
Napayuko ang aso at bilang nalungkot ang mga mata.
Marahan akong tumawa. "Ayos lang," sambit ko at hinaplos ang kaniyang ulo. "Susubukan ko pa rin naman. 'Wag ka ng malungkot," pag-aalo ko sa kaniya at ngumiti.
Malungkot siyang lumapit sa may paahan ko at dinilaan ang sapatos ko.
Mas natawa at naawa ako dahil sa kaniyang ginawa. "Bakit ka ba kasi nandoon?" Tanong ko sa kaniya nang matapos pahiran ang mga putik sa aking damit.
Bahagya akong nanlumo dahil may mga marka itong naiwan.
Tumahol ang aso at tumalon-talon.
Natawa lalo ako. "Ayos lang pala na hindi ako matanggap sa trabaho. Andiyan ka naman na." Sambit ko at hinaplos ang kaniyang ulo.
"Mamaya na tayo mag-usap ha? Magtatanong muna ako kung pwede pa akong mag-apply," saad ko at tumayo saka lumakas dala-dala ang kulay puting basket.
Maligaya naman siyang sumunod.
Marahan akong natawa dahil para siyang hambog na lalaking kung maglakad. Nasa unahan ko pa siya na para bang pino-protektahan ako. Akala mo naman ay ang laki-laki eh umiiyak naman kanina habang nadadaganan siya ng naglalakihang unan.
Nang makarating ako sa harap ng mansyon ay ipinalibot ko ang aking tingin upang mahanap ang babae kanina ngunit hindi ko siya matagpuan.
"Asan na kaya siya?" Tanong ko sa hangin.
"Psst!"
Napatalon ako sa gulat.
Kaagad akong lumingon sa aking likuran dahil biglang lumitaw ang mukhang istriktang babae.
Inayos ko ang aking tayo. "A-ah, n-nakakuha na po ako," sambit ko at ipinakita ang puting basket.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa—nang nakataas kilay.
"Hindi ka ba nagbabasa?" Disappointed na tanong sa akin ng babae sabay itinuro ang parte ng poster kung saan nakasulat ang reminder.
Napalunok ako. "P-pasensya na po, ma'am. M-may nakita po kasi akong tuta. Naiipit po siya nung malalaking unan sa l-likod. Naawa po a-ako k-kaya tinulungan ko siya k-kaso nagpagpag po siya kaya tumal—"
"I didn't asked for your explanation!" Sigaw niya dahilan para matahimik ako. "Get—"
"What's going on here?" Isang mas matandang babae ang dumating. Ganoon din ang ayos. Makapal na kilay, matulis na eyeliner, at pulang lipstick.
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...