Chapter 15

23.7K 384 42
                                    

Chapter 15

“How are you feeling?” Tanong ni Rafael mula sa kabilang linya.

Marahan kong kinagat ang aking ibabang labi. Ang... sarap pakinggan ng boses niya. Ang lalim at ang hinhin. Napakahinahon.

Niyakap ko ang aking mga tuhod habang ang isa kong kamay ay hawak ang cellphone.

“Okay... naman na,” sagot ko.

“Hm? You don't seem like you're okay? Do you want something to make you feel better?” Tanong niya—ramdam ko ang tono ng pag-aalala sa kaniyang boses.

Bakit gano'n? Tunog 'yong boses niya kaya bakit naramdaman kong nag-aalala siya? Bakit umiinit ang puso ko kapag naiisip ko na... nag-aalala siya para sa'kin?

“Meona?”

Napakurap ako nang mapagtantong masyado na akong nag-iisip. “H-huh? Hindi, ayos lang ako!”

“Hm...” Aniya na parang pinag-iisipan kung maniniwala ba siya o hindi.

“Ayos na ako... Salamat sa tulong mo kanina.” Sambit ko para mapigil siya sa pag-iisip pa ng iba.

“It's my responsibility, Meona. It was my fault for not thinking that that might happen. I'm sorry again and... they already paid for what they did.”

“Huh? Hindi mo naman 'yon kasalanan! Ginagawa lang naman nila ang trabaho nila.” Pagkukumbinsi ko sa kaniya dahil mukhang tinotoo niya iyong sinabi niyang pagbabayarin niya sila.

“Disrespecting, accusing, and arresting you without evidence isn't their job, Meona.”

“Pero... ano'ng ginawa mo sa kanila? Kawawa naman...” Nako-konsensya kong sabi.

“Don't be guilty for what I did, Meona. I'm the one who punished them not you, okay? And stop letting people step on you. You don't deserve that.”

“Hindi naman siguro nila 'yon sinasadya...” Nakayuko kong sambit—bahagyang nagui-guilty.

Marahan siyang tumawa—mukhang pinagtatawanan ang sinabi ko. “They're not kids, Meona. They have their free will. They did that themselves—no one forced them to do what they did. They chose to disrespect you and that's enough for me to take action.”

Kagaya ba noong pinasisante niya ako dahil aksidente ko siyang nabuhusan ng juice?

Napanguso ako dahil sa naalala.

“Binigyan mo rin dapat sila ng pangalawang pagkakataon.” Sambit ko at sumandal sa pader sa aking likuran. “Siguro'y sa susunod ay hindi na nila 'yon uulitin? Lalo pa't siguro'y naging ganoon ang reaksyon nila kasi natatakot sila na baka sisantehin mo sila kapag pinag-withdraw nila ako gamit ang card na hindi naman nakapangalan sa'kin. Lalo pa't pagmamay-ari talaga iyon ng isang Dela Vega. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa inyo 'di ba?”

Hala! Napasobra ata ang sinabi ko!

“Is there something you really want to say, Meona?” Ani Rafael sa kabilang linya na tila nagdududa sa mga sinabi ko.

Napalunok ako bago nagsalita. “Wala naman... Ano lang, naalala ko lang na ano...”

“Hm? Na ano?”

Nakakahiya naman pala ito! Mabuti na lang at sa tawag namin ito napag-usapan! Kung hindi ay baka tumakbo ako sa takot na baka masisante na naman.

Nilunok kong muli ang kung anong bukol sa aking lalamunan bago nagsalita.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon