Chapter 17

21.7K 359 29
                                    

Chapter 17

Tinakpan ko ang mga pasa sa mukha gamit ang make up ni ate. Hindi matakpan ang maliit na sugat sa gilid ng aking labi kaya sa huli ay nagsuot ako ng face mask. Dali-dali akong naglakad patungo sa restaurant.

Nang makarating ako roon ay namataan ko ang nakaparadang kotse ng mga Dela Vega. Hindi mahirap kilalanin ang kanilang kotse dahil iyon ang pinaka-kakaiba sa lahat ng mga kotseng nakita ko sa parking lot sa i tray sa kamay.

“Jack, t-tulungan na kita.” Sambit ko at sinubukang kunin ang tray sa kaniya ngunit natigil nang may humawak sa braso ko at marahas akong hinila.

“Hindi ba't sinabi ko sa'yong sisante ka na?!” Si Sir William na nag-aalab ang mga mata sa'kin.

“S-sir, last na po ito pasensya na po talaga. Hindi na po mauulit.” Pagmamakaawa ko.

“Bakit ka naka-mask?” Nagtataka niyang tanong.

“M-may u-ubo po kasi ako.” Pagsisinungaling ko.

“William, pagbigyan mo na. Mamaya mo na pagpaliwanagin. The restaurant's very busy. Let her help.” Nakatalikod na saway ni Chef Luis habang nagluluto.

Marahas na binitawan ni Sir William ang braso ko. Huminga siya ng malalim saka bumuntong hininga. “Meona, hindi pwedeng papasok ka lang kung kelan mo gusto naiintindihan mo? Isa pang kapalpakan Meona at hindi na ako magtitimpi pa sa'yo.” Banta ni sir bago tuluyan akong tinalikuran.

Pinigil ko ang mga luhang nagbabantang mamuo sa aking mga mata. Huminga ako ng lalim bago tinulungan sila Jack sa pagse-serve.

Pagkalabas ko mula sa kusina ay napahinto ako dahil sa pagkamangha sa dami ng tao. Sa isang table ay may tatlo o higit pang nakaupo kaya naman pala sobrang nagmamadali sila Jack! May ibang customers na nagrereklamo na dahil mabagal daw ang serving kaya dali-dali kong hinanap ang mga table kung saan ihahatid ang orders. Hindi ako pwedeng masisante.

“Hay sa wakas!” Saad ng babaeng customer nang sa wakas ay maihatid ko sa kanila ang kanilang order.

“Enjoy po,” sambit ko bago nagmamadaling hinanap ang kasunod na table.

Sa mga Dela Vega.

Dali-dali akong lumapit sa kanilang table. Kumalabog ang dibdib ko nang mamataan doon si Rafael na diretso ang tingin sa'kin.

“Thanks,” ani Leon at kaagad na pinulot ang kutsara, “we've been waiting for I think 30 minutes.” Aniya at kaagad na humigop sa kaniyang soup nang mai-serve ko.

“Thanks,” ani Atlas nang mailapag ko rin ang marahil kaniyang order.

“Why are you wearing a mask?” Si Rafael nang mailapag ko ang marahil kaniyang order. “Are you sick?” Tanong niya—ang nga mata'y diretso sa'kin—binalbalewala ang kaniyang pagkain.

“O-oo eh.” Muli kong pagsisinungaling.

“Why? Naulanan ka?” Muli niyang tanong.

Marahan akong umiling dahil masakit pa ang aking leeg dahil sa mga sampal na natanggap kanina. “Babalik na po ako sa trabaho.” Sambit ko bago nagmamadaling bumalik sa kusina.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon