Chapter 34

19.8K 280 11
                                    

Chapter 34

Ang sabi nila'y kapag nagdududa ka raw kung nagsisinungaling ba o hindi ang isang tao, titigan mo lang daw sila sa kanilang mga mata.

Sinubukan ko iyong gawin kay Rafael, ngunit hindi ko matagalan ang pagtitig sa kaniyang mga mata nang hindi napapapikit. Nag-uumapaw ang emosyon sa kaniyang mga mata na hindi ko ito matagalan!

Ang dami kong gustong gawin... gustong sabihin... ngunit tila dahil sa pagwawala ng sistema ko ay hindi ito makabuo ng mga salita.

"Meona..." Tawag niya sa akin nang humagulhol ako.

Humihikbi akong gumapang palapit sa kaniya. Ipinalibot ko ang mga kamay sa kaniyang dibdib at ibinaon doon ang aking pisngi. Niyayakap siya ng mahigpit.

Ayokong lumayo siya dahil lang akala niya'y kasalanan niya kung bakit ako nagkaganoon! Nagkamali siya ng pagkakaintindi!

"H-hindi mo kasalanan iyon, Rafael... 'W-'wag kang lumayo sa'kin dahil lang... a-akala mo ay nasasaktan mo ako." Hagulhol ko.

Alam kong sobra ang nagiging reaksyon ko. Alam kong hindi dapat ganito... pero hindi ko mapigilan. Nanginginig ang sistema ko. Takot na takot.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko alam kung bakit takot na takot akong lumayo siya sa'kin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit sumasakit ang puso ko sa t'wing naiisip na lalayo siya sa'kin.

Humagulhol lalo ako nang maramdaman ang pagpalibot ng kaniyang mga kamay sa akin. Ang kaniyang isang kamay ay nasa ulo ko, tila pinapatahan ako.

"Baby, calm down please..." Pagmamakaawa niya habang patuloy ako sa paghagulhol.

"'W-'wag kang lumayo, Rafael..." Sambit ko—mahigpit ang pagkaka-kapit sa kaniya.

Kumikirot ang kaibuturan ng puso ko sa 'di malamang kadahilanan. Na para bang... may iba pang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

"I won't, baby. I won't... Hindi ako aalis. Dito lang ako..." Tugon niya na tila hirap na hirap.

Patuloy ako sa paghagulhol hanggang sa napagod na ang mga mata ko—unti-unting hinila ng pagod.

"Mga anak, dito lang kayo ha?"

Napamulat ako nang marinig ang pamilyar na boses. Luminga-linga ako sa paligid. Nanindig ang aking balahibo nang mapagtanto kung nasaan ako.

Nasa labas ako ng lumang bahay namin sa bukid!

"Bakit po? Saan ka po pupunta, 'tay?"

Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang pamilyar na boses. Ang... boses ni ate.

"Oo nga po! Ang dami-dami ninyong dala!" At ang sarili kong boses.

Namilog ang mga mata ko nang makita ang kasama ng batang ako at si ate.

"Magtatrabaho ang tatay, mga anak..." Paliwanag ni tatay at pilit na ngumiti.

"Eh bakit niyo po dala ang mga damit niyo?" Kuryosong tanong ng batang ako...

Tumulo ang mga luha ko nang mapagtanto kung ano ang susunod na mangyayari.

"Sa malayo kasi magta-trabaho ang tatay mga anak. Hindi ako basta-bastang makakauwi. Kaya kailangan ko ang mga damit ko."

"Po?!" Magkasabay naming reaksyon ni ate.

"Kailangan kasing magtrabaho ng tatay, mga anak. Tingnan niyo ang bahay natin. Parang bahay lang ng kalapati. Maliit na nga ay sira-sira pa."

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon