Chapter 33

21.1K 315 4
                                    

Chapter 33

Tahimik kaming lumabas ni Rafael mula sa elevator. Nanatili siya sa gilid ko habang iginigiya ako patungo sa aking silid. Marahan kong minasahe ang aking leeg dahil sa pangangalay nun.

“Let's talk later. You should rest first.” He said and smiled reassuringly.

Napayuko ako sa sinabi niya. “Lagi na lang ‘later’...” Nanlulumo kong bulong sa sarili.

“Hey...” Mahinang tawag ni Rafael—mukhang narinig ang sinabi ko.

Hinawakan niya ang siko ko at marahan akong hinila palapit sa kaniya.

“I just want you to rest first. I know you're still tired from work.” Aniya sa nangungusap na mga mata.

Tumango ako.

Naiintindihan ko naman ang kaniyang punto. Napapansin ko naman na lagi niya akong iniisip. Lagi niyang iniisip kung ano ba ang mararamdaman ko kapag ginawa niya ang isang bagay. Kagaya na lamang ng palagi niyang pagtatanong kung kumportable ba ako sa t'wing may gusto siyang gawin. Ngayon naman, ipinagpapaliban niya ang pag-uusap namin dahil alam niyang pagod ako sa trabaho.

Naiintindihan ko naman na nag-aalala lang siya sa'kin pero bakit parang hindi ko gusto ang pakiramdam nun? Kumikirot ang puso ko dahil lang sa hindi kami mag-uusap ngayon.

“Sige... magpapahinga na lang muna ako.” Labag sa kalooban kong sambit bago tuluyang pumasok sa aking silid.

Wala naman akong narinig mula sa kaniya.

Dumiretso ako sa kwarto ko.

Naligo ako at nagbihis sa aking pink na pajamas. Naglagay ako ng soothing gel na bigay ni Rafael sa aking leeg upang maibsan ang pagkirot doon. Bumuntong hininga ako bago gumapang sa kama at kaagad na ipinikit ang mga mata upang magpahinga—hindi sigurado kung mag-uusap pa ba kami ni Rafael.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang makarinig ng katok.

Binalingan ko ang maliit na orasan sa aking gilid.

7:30 PM

Namilog ang mga mata ko nang mapagtantong ilang oras akong nakatulog!

Inunat ko ang aking mga kamay habang tinititigan ang mga paa ko. Bahagyang hindi pa nakakabalik mula sa pagtulog.

Nang muling marinig ang katok sa pinto ay unti-unti akong bumangon.

Sino kaya iyon? Ang sabi naman ni Aleng Ariella ay sa labas na raw magdi-dinner sila madame. Hindi na rin naman kami magluluto para sa mga employado nila madame dahil ang sandamakmak na niluto namin kaninang alas tres para sa lunch ang siyang ipapang-dinner namin. Ang iba ring trabahador nila madame sa hacienda ay nagsiuwian na dahil day off naman na namin bukas.

Namilog ang mga mata ko kasabay ng malakas na pagkalabog ng aking dibdib nang makita si Rafael na nakatayo roon pagkabukas ko ng pinto.

Nakaputing sando siya at itim na fitted jeans. Ang mga muscles niya sa braso ay kaagad na nakaaagaw ng pansin!

“A-anong... ginagawa mo rito?” Tanong ko at pilit na iniiwas ang tingin sa kaniyang braso.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon