Chapter 57

17.4K 287 24
                                    

Chapter 57

Ilang minutong binalot ng katahimikan ang paligid. Nanatili lamang ang namimilog kong mga mata sa pamilyar na lalaki sa aking harapan.

Malungkot lamang siyang ngumiti sa akin.

Napakurap ako nang lumapit sa akin si Chester at pinulot ang folder sa lamesa sa aking harapan.

"A-ano 'to?" Tanong ko kay Chester nang iabot niya ang folder sa'kin.

"Everything you need to know about your mother and father."

Kumalabog ang dibdib ko. Binalot ng lamig ang aking mga kamay habang unti-unting tinatanggap ang folder.

"We hired our best men to investigate everything that had happened in the past years between your parents. It's all included in that folder."

Mariin akong napalunok bago tumango. Unti-unti kong binuksan ang folder at nagsimulang magbasa. Habang nagbabasa ako ay ipinaliwanag iyon sa akin ni Chester. Hinayaan nila ako hanggang sa mapagtagpi-tagpi ko na ang lahat.

My father, Gregorio Regon De Luca Marchesi, fell in love with my mother, Katarina Cecilia Ambrose, the daughter of the woman my grandmother despises.

Magkaaway ang pamilya ng mga De Luca Marchesi at Ambrose dahil sa mga lola ko. Diana Volpen Ambrose and
Georgia Vivian De Luca Marchesi.

Pareho raw silang hindi tanggap ang relasyon ni nanay at tatay. Ilang beses daw na sinubukang paghiwalayin si nanay at tatay, pero hindi sila nakinig. Ang tanging paraan daw na naisip ni Diana Volpen Ambrose upang matigil na ang relasyon ni nanay at tatay ay ang ipakasal si nanay sa isa sa mga pinaka-mayayamang tycoon sa Italy. Nang araw daw ng kasal ay tumakas si nanay at tatay patungo sa Pilipinas.

Galit na galit daw ang dalawang pamilya, lalo na ang mga lola ko kaya itinakwil silang dalawa at inanonsyong hindi na sila parte ng pamilya. Sinigurado raw nilang maghihirap at magsisisi sila nanay sa desisyong kanilang ginawa. Walang may tumanggap kay tatay at nanay sa kahit anong trabaho sa Pilipinas. Kaya nang may taga-probinsya na nag-alok kay nanay at tatay na mag trabaho sa kanilang farm, wala ng nagawa si nanay at tatay kun'di ang pumayag, lalo pa't wala na silang pagpipilian. Kaya kami napunta sa probinsya.

Pero kahit na parehong may trabaho na si nanay at tatay bilang magsasaka ay lubhang naghirap pa rin sila. Nagsimula raw ang paghihirap nila nanay at tatay nang magkaanak sila. Nang ipanganak kaming dalawa ni ate. Ayon daw sa mga kaibigan ni nanay at tatay noon, dahil sa sobrang kahirapan ay nakapagpasya si nanay at tatay na babalik si tatay sa Italy upang kausapin ang kaniyang pamilya. Kaya siya umalis noon at hindi na nakabalik pa.

Humigpit ang hawak ko sa folder nang makita ang ilan sa mga larawan ni nanay at tatay roon nang mga bata pa sila.

Malapad ang ngiti ni nanay at tatay habang yakap-yakap ang isat-isa. Mukhang nasa isang party sila. Kuha rin sa malayo ang picture na tila nakaw na litrato lamang ito.

"Your father didn't abandon you, Meona. He was killed by Diana's men. It was her revenge to your father for taking her daughter away." Sambit ni Chester sa blangkong mukha.

Napahinto ang mga mata ko sa isang litrato ng burol ni tatay.

Nagkalat ang mga papel sa sahig nang mabitawan ko ang folder. Kaagad na lumapit sa'kin ang isa sa mga maid at inabutan ako ng malamig tubig.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon