Chapter 60

19.4K 301 37
                                    

Chapter 60

I became silent the whole flight. I felt like I was cornered!

Mabuti na lamang at matapos iyon ay dumating ang isang flight attendant para bigyan kami ng snack! Kung hindi ay baka nanatili lamang akong nakatuod doon, hindi alam kung ano ang sasabihin.

Nang bigyan kami ng bottled water at pancakes ay kaagad kong inuna ang inumin. Pakiramdam ko'y natuyo ako dahil sa banta ni Rafael!

Pero 'yong banta niya parang hindi naman ako natakot. Siguro dahil alam kong hindi niya ako magagawang saktan.

Pero ano kayang gagawin niya kapag nalaman niyang nagsinungaling ako 'no?

"Do you want more pancakes?" Bigla siyang bumaling sa akin.

Muntik pa akong mabilaukan dahil sa pagkabigla! Kaagad akong umiling-iling. 

Tumango siya at muling bumaling sa babae, may naglalarong ngiti sa mga labi niya.

Ano'ng tinatawa-tawa mo riyan?!

"Give her more drinks, please, thank you." Bilin ni Rafael sa babae bago ito tuluyang umalis.

Namilog ang mga mata ko. Hindi niya kailangang gawin iyon! Napansin niya sigurong naubos ko kaagad 'yong isang bottled water!

He just looked at me and gently smiled. "Kain ka na," he said at hindi na ako ginambala pa habang kumakain.

Iyon ang huli naming pag-uusap sa buong flight. Kahit nang dumating ang drinks na pinadagdag niya ay hindi pa rin ako nagsalita. Tinanggap ko lang iyon.

Nakakatakot na at baka ano pa ang masabi ko! I missed him so much na kahit na mag-away nalang kami ay ayos lang, nakalimutan ko bigla na delekado kapag nati-trigger ang mga alaala niya!

Mabuti nalang talaga at hindi kami madalas mag-away noon. Lagi kasi siyang kalmado kapag may hindi kami pagkakaunawaan kaya pati tuloy ako kumakalma na rin.

Nagtatalo lang din naman kasi kami noon kapag binibilhan niya ako ng napakaraming mga libro na para bang barya lang sa kaniya ang ipinangbabayad niya.

Sinubukan niya pa akong kausapin ulit tungkol sa kung ano raw ang paborito kong ginagawa sa hospital, pero nagpanggap lang ako na matutulog na. Bakit niya naman iyon biglang itatanong? Nagpapapansin na naman kasi siguro.

Nang lumalalim na ang gabi at nakatulog din siya sa wakas ay palihim ko siyang pinagmasdan, naghahanap ng senyales kung may masakit ba sa kaniya.

Ilang minuto ang nakalipas ngunit hindi naman kumunot ang kaniyang noo. Hindi rin namumutla. Hindi rin nagtiim ang bagang. Hindi rin naman siya dumadaing. Marahil ay mas bumuti na ang pakiramdam niya ngayon kaysa noong una naming pagkikita.

Ang gwapo-gwapo niya talaga. Sana pala sinabi ko iyon nang maraming beses sa kaniya noon. Na-miss ko tuloy siyang i-kiss.

After making sure that he's okay ay tuluyan na rin akong nakatulog.

"Ugh! My back hurts!" Stressed na reklamo ni Mira nang tuluyan kaming makababa mula sa eroplano.

She gently massaged the back of her neck, habang nakahawak ang isang kamay sa kaniyang baywang.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon