Chapter 12
Kinaumagahan ay kaagad akong bumangon nang mas maaga kumpara sa mga normal kong araw. Nang makauwi ako ay wala si mama—siguro’y sa hospital siya natulog kagaya ng laging ginagawa sa t'wing dadalaw siya kay ate.
Dumiretso ako sa bangko kung saan maaaring mag withdraw. Sinubukan ko kasi sa ATM na malapit sa'min pero hindi gumagana roon. Ang sabi sa akin ng bantay ay baka raw masyadong malaki ang iwi-withdraw ko at hindi sapat ang pera na naroon. Marahil may punto siya—isang daang piso nga pala kasi ang hinihiram ko.
Nang hiningi sa akin ang card, nanginginig ko iyong iniabot. Mabuti na lamang at mabait ang babaeng nag-a-assist sa'kin, habang ang katabi nito ay puno ng pagdududa ang tingin sa'kin lalo na nang i-swipe na iyong card sa isang machine.
“Okay na po, ma'am. Pakihintay na lang po roon at tatawagin nalang po namin kayo mamaya.” Sabi sa'kin ng babaeng nag-a-assist.
Ngumiti ako at tumango saka dumiretso sa gilid na upuan—ang pwestong itinuro nila kanina.
Pinagmasdan ko ang dalawang babae na nag-assist sa'kin at mukhang may mahalaga silang pinag-uusapan. Panay pa nag sulyap nila sa'kin kaya nag-iwas ako ng tingin dahil baka iniisip nilang nakikinig ako sa usapan nila.
Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at hinanap ang numero ni Rafael. Ibinigay niya iyon sa'kin kagabi at sinabing tawagan ko raw siya kung may problema. Wala namang problema kaya ite-text ko na lamang siya.
Ako:
hi, good morning! pasensya na kung masyadong maaga itong pagte-text ko ha? sasabihin ko lang na gagamitin ko na iyong card mo na pinahiram mo sa'kin kagabi. magwi-withdraw na kasi ako ngayon para makabayad na ako ng pangpa-chemotherapy ni ate. salamat ulit! ☺️Wala pang ilang minuto ay lumabas ang tatlong dots—senyales na nagtitipa na siya. Pero sa ilang sandali ay nawala iyon at muli ring bumalik. Pagkatapos ay nawala ulit at ngayo'y bumalik ulit.
Mahina ba ang signal niya?
Rafael:
Good morning, Meona. Did you sleep well?Naikiling ko ang aking ulo dahil sa kaniyang sagot. Iyon lang ba ang sasabihin niya? Magwi-withdraw na ako gamit ang card niya ah!
Ako:
oo, maayos naman ang tulog ko. magwi-withdraw na ako ngayon ☺️Sagot ko naman—muling binabanggit ang pagwi-withdraw.
Rafael:
That's good. Don't forget to take care of yourself as much as how you take care of others.Rafael:
Do you need my help with the card? I can meet you if you're having trouble.Dalawa iyong mensahe niya—pero ang nauna niyang mensahe ay parang niyayakap ang puso ko.
Alagaan ko raw ang sarili ko... kagaya ng kung paano ko alagaan ang iba.
Hindi ko naisip 'yon ah. Ilang taon na pala akong hindi nakakatulog nang maayos dahil sa trabaho. Noong nag-aaral pa kasi ako ay night shift ako restaurant dahil kailangan kong mag-aral sa umaga. At nang makapagtapos na ako ng senior high school—pinahinto na ako ni nanay. Kaya lumipat na ako ng shift dahil wala ng dahilan para magpuyat pa.
Ilang buwan pa lamang nang lumipat ako ng shift kaya ilang buwan pa lang din nang magkaroon ako ng medyo maayos na tulog.
Ako:
salamat! tsaka hindi na kailangan. may nag-a-assist naman na sa'kin.
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...