Chapter 30
Bakit kaya ganito ang buhay ko? Bawat saya na nararanasan ko ay laging may kalungkutan na kaakibat. Magiging masaya ako ngayon, tapos maya-maya ay may mangyayari para malungkot ako. Habang tumatagal ay unti-unti akong natatakot sa konsepto ng kasiyahan.
Yakap-yakap ko ngayon ang nanginginig kong sarili dahil sa takot. Tumawag muli si nanay—at sa pagkakataong ito ay hinihiling niyang umuwi ako sa linggo para ibigay ang sweldo ko. Bagay na nakalimutan ko hanggang sa pinaalala niya.
Limang araw na simula nang magsimula akong magtrabaho. Limang araw na nakakatanggap ng mga lunchboxes sa harapan ng pinto ng aking silid. Limang araw simula nang magkausap kami ni Rafael. Limang araw din akong pagod na pagod. Limang araw din akong gabi-gabing umiiyak dahil napapanaginipan ko lagi ang mga alaalang ibinalik ni nanay.
In those five days, I felt like I was trapped in a loop hole. Paulit-ulit lamang ang nangyayari. Paulit-ulit ang sakit.
Ang akala ko noong una ay magiging maayos ako rito. Pero ang lungkot-lungkot pala. Nami-miss ko na sila Summer. Iyong ingay ni Jack at Jake sa restaurant. Iyong pagsusungit ni Sir William. Iyong masarap na luto ni Chef Luis. Iyong... hindi pa nakatutok ang mga mata ni nanay sa akin.
Nagsimula akong maglagay ng pagkain sa napakahabang lamesa. Si madame at Rafael lamang ang aming amo ngunit punong-puno ng pagkain ang lamesa. May mga panauhin kasi sila madame kagaya noong nakaraang limang araw.
Ayon kay Aleng Ariella ay marami raw talagang bisita sila madame araw-araw. Minsan ay mga kumare mula sa malalayong lugar na iniimbitahan nila madame at minsa'y business partners na rito gustong gawin ang mga business meetings.
Sa dami raw ng mga negosyo nila madame ay hindi na raw nakakapagtaka kung napakarami nilang koneksyon.
“Oh, Rafael, hijo...” Sambit ni madame at masayang niyakap ang anak.
Ito ang unang beses na nakita ko si Rafael sa hapagkainan. Sa limang araw kasi na 'yon ay lagi kaming abala sa kusina kaya hindi na kami nakakatulong sa paghahatid ng mga pagkain sa lamesa.
“Mama, I've been here for six days...” Natatawang sambit ni Rafael kasabay ng pagyakap sa kaniyang mama.
“Oh, hijo, you can't blame me!” Pinaupo na ni madame si Rafael sa kaniyang tabi.
“Oo nga po, sir. Minsan lang kayong umuuwi rito noon. Ngayon lagi na kayong nandito! Parang himala!” Si Aleng Ariella habang itinuturo sa amin kung saan ilalagay ang pagkain.
“Ariella is right, hijo. Six days isn't enough for me to get used to this behavior.” Mapagbirong sambit ni madame.
Natatawang tunango si Rafael.
“Oh, by the way hijo, this is Cheska.” Pakilala ni madame sa babaeng kaharap ni Rafael sa lamesa. “Your tito Antonio's daughter.”
Sa magkabilang dulo ng lamesa nauupo si madame at ang asawa nito. Kagaya ni Rafael, ngayon ko lamang din nakita ang asawa nito sa hapagkainan. Nakita ko na siya sa isang malaking picture sa gallery hall nila noong itinour ako ni Rafael.
Ngayong nakikita ko na siya sa personal, kumpara sa kaniyang picture masasabi kong kamukhang-kamukha niya si Rafael! Si Leon at Atlas ay may parte lamang na nakuha mula sa kaniya. Si Leon ay ang mga mata nito, si Atlas ay ang kilay at ilong nito, ngunit si Rafael! Parang photocopy siya ng kaniyang ama! Siguro ay kung kasing edad niya ngayon ang kaniyang tatay sigurado akong magmumukha silang identical twins!
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...