Chapter 49

18.5K 254 42
                                    

Chapter 49

6:05 PM na nang hayaan kami ni madame na umalis. Hindi ko lubos akalain na nakayanan kong umupo roon ng ilang oras, napapaligiran ng mga mahahalagang tao sa pamilya ni Rafael nang hindi binabawian ng buhay!

Habang kinakausap nila ako kanina, ang sunod-sunod nilang katanungan ay nagpapahilo sa'kin. Ngunit walang papantay sa pagkahilo at kahihiyan na naramdaman ko nang magsimulang magbihay ng advice si madame at ang kaniyang mga kumari tungkol sa pagha-handle ng isang relationship upang tumatagal daw kami!

Nagkaroon pa ng kaunting sagutan sa lamesa 'yong babaeng kasama nung Ciel at si Ma'am Cheska. Katabi ko si Ma'am Cheska kaya naman pakiramdam ko'y sa akin direkta ang galit nung babae.

Mabuti na lamang at kaagad na nagpaalam si Rafael kay madame na kung pwede raw ay aalis na kami sa lamesa. Pumayag naman kaagad si madame.

"Uh, Rafael, sigurado ka bang...hindi mo na gusto roon?" Tanong ko, bahagyang nagui-guilty dahil pakiramdam ko'y tinatanggalan ko siya ng kalayaan na makihalubilo sa iba.

Huminto siya sa paglalakad at binalingan ako. Marahan siyang ngumiti, ang kaniyang mga mata ay sinigurado sa'kin na ayos lang, na wala akong kasalanan.

Tumango siya, "I just want to be with you, Meona," marahan niyang sambit, ang kaniyang kamay ay nasa aking pisngi.

Binalot ng init ang mukha ko. "Baka lang kasi...napipilitan ka lang na sumama sa'kin."

Kumunot ang kaniyang noo kasabay ng pagkakasalubong ng kaniyang mga kilay.

"That's not true..." aniya na tila inaalo ako. Hinawakan niya ang isang kamay ko at marahan iyong pinatakan ng halik, "Remember this," marahan niyang inabot ang kaliwang pisngi ko, "I can survive every lifetime as long as I'm with you," he gently said before planting a soft kiss on the top of my head.

Isang marahang ngiti ang nabuo sa aking mga labi. Marahan din siyang ngumiti sa'kin. Ni minsan, hindi siya nabigong iparamdam sa'kin na ayos lang ang lahat, na wala akong kasalanan. Sa t'wing nasa tabi ko siya, pakiramdam ko'y kaya kong lampasan ang kahit na ano... pakiramdam ko'y ang lakas-lakas ko kapag narito siya. Pakiramdam ko'y wala akong problema kapag narito siya. Napakapayapa kapag kasama ko siya.

Dumiretso kami sa kaniyang kwarto, sa harap ng pinto ng library.

"May trabaho ka ngayon?" Tanong ko dahil gabi na at nagkasundo kaming hindi na siya magpupuyat.

Marahan siyang tumawa at umiling.

"Bawal na magpuyat..." ulit niya sa bilin ko sa kaniya, tila ba pinapaalala niya sa'kin na nangako siya.

Marahan akong ngumiti at tumango.

"Open the door," marahan niyang utos.

Nanliit ang mga mata ko sa kaniya. Isang beses niya lang akong inutusan na buksan ang pinto sa library, 'yon ay noong unang beses pa lamang akong papasok. Simula noon, sa t'wing papasok ako sa library gamit ang pinto sa kaniyang kwarto, lagi niya akong pinagbubuksan. Ngayon niya lang ulit ako inutusan.

Ganoon pa man, inabot ko ang sekretong pindutan sa pader at itinulak iyon.

Napasingap ako nang bumukas ang pintuan at tumambad sa'kin ang tila isang...mahiwagang mundo sa loob ng library.

May libo-libong mga petals ng pulang rosas sa sahig. Sinundan ko iyon ng tingin at napagtantong patungo iyon sa isang bilugang lamesa sa pinaka-gitna ng library.

Nakaawang ang mga labi ay nag-angat ako ng tingin kay Rafael, ang mga mata ko'y bahagyang nanlalabo dahil sa mga luhang namumuo.

"Let's go?" Kaswal niyang sambit na para bang wala lang sa kaniya ang nasa aming harapan ngayon!

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon