Chapter 62
"Sorry talaga, Summer..." Hinaplos ko ang kaniyang kamay habang nasa hospital bed pa siya, hinihintay nalang namin si Jake.
"Ano ka ba, Meona... Bakit ka ba nagso-sorry? Wala ka namang kasalanan. Kahit nga kami na nurse rin hindi napansin." Tumawa siya at marahang ngumiti.
"Kahit na... Noong nasa restaurant tayo, nagkahinala na ako, p-pero hindi ko lang sinabi kasi akala ko, ano..." Nag-iwas ako ng tingin.
Unang beses kong naisip na baka buntis siya ay noong nasa restaurant kami at bigla siyang naduwal sa mango float. I didn't entertain the idea kasi hindi ko naman akalain na ginawa na pala nila 'yong ano.
"Ayos lang talaga, Meona. 'Wag mo ng isipin 'yon." Marahan siyang ngumiti kaya ganoon din ako.
"Salamat, Summer. Masaya ako para sa inyo..." Sambit ko, namumuo ang mga luha sa mga mata.
Ang bilis ng panahon! Dati ay magkasama lamang kami sa restaurant, naghahatid ng mga order, tapos sabay kaming uuwi. Hindi ko akalain na magiging nanay na siya at magiging tita na ako!
"Salamat din, Meona. Salamat, dahil napakabuti mong kaibigan. Kung hindi dahil sa tulong mo, hindi sana kami nurse ni Jake ngayon..."
"Salamat din, Summer, dahil napakabuti mo ring kaibigan. Salamat dahil hindi mo ako iniwan no'ng mga panahong akala ko mag-isa ako. Salamat dahil kung hindi dahil sa'yo, hindi pa sana ako magiging tita." Sambit ko na nagpatawa naman sa aming dalawa.
Mahigpit naming niyakap ang isat-isa hanggang sa dumating na sila Jake dahil pwede na raw silang umuwi.
ᝰ.
Kinabukasan ay tumungo ako sa isang restaurant para mag dinner kasama si Rica at ang kaniyang mga magulang.
"Ate Meona!" Tumalon siya patungo sa akin.
Umupo ako at mahigpit siyang niyakap.
"Kamusta ka na?" Tanong ko at marahang hinaplos ang kaniyang buhok. "Ang laki-laki mo na!"
Humagikhik siya at hinila ako patungo sa table nila ng kaniyang mga natatawang magulang.
Matapos ang unang session ng therapy ko kay Doktora Alliah noon, bigla kong naalala si Rica at kung paanong hindi ko siya nagawang balikan dahil sa nangyari ng gabing iyon. Kaya kaagad kong sinabi kay Chester na kunin si Rica at dalhin sa Italy.
Pumunta sa tulay si Chester at ang kaniyang mga tauhan, ngunit ayaw sumama ni Rica. Kahit na tinawagan ko na siya, ayaw niya pa ring sumama patungong Italy. Iyon pala ay dahil naghihintay siyang mahanap siya ng mga magulang niya. Ang kaniyang kinilalang ina raw kasi ay hindi ang tunay niyang nanay.
Ayokong maiwan na ganoon si Rica. Napakabuti niyang bata, hindi nararapat sa kaniyang maghirap ng ganoon. Kaya pinahanap ko kay Chester at sa mga tauhan niya ang mga magulang ni Rica, habang si Rica ay pinanatili muna sa hotel. Sa loob lamang ng dalawang araw ay nahanap agad nila ang mga magulang ni Rica dahil matagal na pala silang naghahanapan.
Ninakaw daw kasi si Rica ng kasambahay nila noong sanggol pa lamang siya. Iyong kasambahay na nagnakaw sa kaniya ay ang kinilala niyang ina, hanggang sa tuluyan siyang umalis sa kanilang bahay dahil sinasaktan siya nito. Nalaman niyang hindi ito ang tunay niyang ina dahil bago raw siya umalis ay nagpakalasing daw ang nanay-nanayan niya at sinabing hindi siya ang tunay niyang ina.
Nang mahanap nila Chester ang tunay na mga magulang ni Rica ay kaagad nilang ipinakilala si Rica. Kaagad namang na-kumpirma ng mga magulang ni Rica na siya ang anak nila dahil sa maliit na balat ni Rica sa kaniyang baywang. 99.9% din ang result ng kanilang DNA test, kaya mas lalo nilang na-kumpirma na si Rica nga ang anak nila.
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...