Chapter 44

19K 271 9
                                    

Chapter 44

"Does it hurt?" Marahang tanong ni Rafael habang ginagamot ang maliit na sugat ko.

Pareho kaming nakaupo sa mahabang couch sa aking silid. Nasa hita niya ang kamay kong ginagamot niya.

"Hindi na masyado," tugon ko.

He sighed in relief. "Do you want to change your work department?" Nag-angat siya ng tingin sa'kin.

Namilog ang mga mata ko.

"Huh? Uh, hindi! Gusto ko ang trabaho ko sa pagluluto."

Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi, ang kaniyang mga mata'y puno ng pag-aalala, bago tumango.

"I hope this wouldn't leave a scar..." Bulong niya habang nilalagyan ng bandage ang daliri ko.

"Hindi naman siguro," tanging nasabi ko.

Napasingap ako nang halikan niya ang may bandage ko ng sugat na para bang gagaling iyon dahil sa ginawa niya!

"We should consult a professional. This might get an infection," aniya at kinuha ang cellphone mula sa kaniyang bulsa.

"Huh?! 'Wag na, Rafael!" Inabot ko ang kaniyang kamay upang pigilan siya sa gagawin.

Natigilan siya, namimilog ang mga mata habang nakatitig sa'kin. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kaniyang bisig.

Gumapang ang marahang ngiti sa mga labi niya.

Inilapag niya ang cellphone sa couch bago inabot ang kamay ko. He brought it up to his lips before giving it a gentle kiss.

"Are you sure?" Tanong niya, marahan akong pinagmamasdan, bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha.

Tumango ako.

"Ayos lang talaga ako, Rafael."

Bumuntong hininga siya at tumango. Muli niyang pinatakan ng halik ang mga kamay ko.

"Payo ko sa'yo na linawin mo muna sa lalaking 'yan kung ano ang intensyon niya sa'yo. Linawin mo kung ano ba talaga kayo. Walang masama sa pagtatanong, Meona."

Nag-echo sa aking utak ang mga sinabi ni Nathaira kanina.

Magtatanong na ba ako? Paano kung... nagbago na ang isip niya? Paano kung hindi niya na ako gusto? Paano kung... ipapakilala niya lang ako sa mga magulang niya pero wala siyang balak na... gawin akong girlfriend niya?

"I already told mama about the dinner... She said we can have it this Wednesday." Bulong niya habang abala sa pagdamdam ng mga kamay ko sa kaniyang mukha.

Tumalon ang puso ko sa kaba.

"A-agad?" Napalunok ako.

"Hm? Are you nervous?" Tanong niya habang paulit-ulit na pinapatakan ng halik ang mga kamay ko.

"Uh, baka lang... may gagawin sila? O-o ikaw? Kasi 'di ba, may trabaho ka... Baka hindi mo magawa ang trabaho mo d-dahil lang sa dinner." Nag-iwas ako ng tingin.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon