Chapter 13
“M-may trabaho pa ako, Rafael...” Sambit ko nang mapansing hindi patungo sa restaurant ang pagmamaneho niya.
“I know but we need to take care of something first.” Aniya at inihinto ang kaniyang sasakyan sa tapat ng isang drug store. “Stay here. I'll be quick, okay?” Aniya habang nakatingin sa'kin—ang mga mata'y nangungusap.
Tumango na lamang ako. Tumango rin siya at dali-daling lumabas.
Niyakap ko ang sarili nang makalabas siya. Isinandal ko ang sarili sa pinto ng kaniyang sasakyan—ang aking ulo'y nakahilig sa bintana.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang sistema ko matapos ang nangyari. Ramdam ko pa rin ang mahigpit na hawak ng mga pulis sa'kin. Dinig ko pa rin ang pagsisigaw ng babae. Ramdam ko pa rin ang posas sa aking mga pulso.
Marahas kong ipinikit ang aking mga mata dahil kapag nakadilat ay pilit na bumabalik sa'kin ang nangyari kanina. Ngunit kapag nakapikit—pilit ding bumabalik ang mga alaala na matagal ko ng sinusubukang ibaon sa limot—mga alaalang akala ko'y nakalimutan ko na—mga alaalang akala ko'y hindi na masakit.
“Ano?! Aalis pa kayo!?”
Nakapikit man o hindi—tila nagre-replay sa harap ko ang mga masasakit na alaala. Tila wala akong takas kahit na ano'ng gawin ko.
Kailangan ko ng bumalik sa trabaho. Sigurado akong doon... makakalimutan ko kung ano man ang mga alaalang bumabagabag sa'kin ngayon. Sigurado akong hindi ko na iyon mapapansin dahil marami ang gagawin.
Unti-unti akong napamulat nang makaramdam ako ng kamay na marahang humawak sa aking mukha.
Si Rafael... ang kaniyang kanang kamay ay hawak ang aking pisngi at marahang pinapahid ang mga luhang hindi ko napansing tumutulo mula sa aking mga mata.
“How dare they hurt you.” Bulong niya habang pinupunas ang mga luha ko.
Tiningnan niya ako—tila sinusubukan akong basahin. Humikbi ako at doon nagtiim ang kaniyang bagang bago tuluyang umikot ang kaniyang palad patungo sa likod ng aking leeg at marahan akong hinila patungo sa kaniya. Kusa akong sumunod hanggang sa nakasubsob na ako dibdib niya. Nang naroon na ako—tila tuluyang natibag ang lalagyan ng mga luha ko kaya sabay-sabay silang nakawala at nag-unahang lumabas sa aking mga mata.
“Fuck!” Aniya na tila may nakitang hindi gusto.
“H-hindi ko ninakaw 'y-'yon 'di ba? B-binigay mo 'yon. S-sabihin mo sa kanila, Rafael...” Humihikbi kong pagmamakaawa. “Sabihin m-mo sa kanila... H-hindi ako n-nagsisinungaling...” Sambit ko kahit na nanginginig ang mga labi.
“I know, baby. I know... I gave it to you. It's my fault. I'm sorry.” Marahang niyang hinaplos ang buhok ko habang patuloy ang paghagulhol ko sa kaniyang dibdib.
Naramdaman ko ang marahang pagdampi ng kaniyang noo sa aking ulo—tila ba nakikiramay siya sa naramdaman ko. Humagulhol ako lalo. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa... kung dumiretso ako sa trabaho—iiyak pa rin ba ako ngayon?
Hindi ko alam kung gaano katagal akong umiyak sa kaniyang dibdib. Basta ang alan ko'y habang umiiyak ako'y may mga salita siyang binubulong na mas lalong nagpapaiyak sa'kin. Umiyak ako habang nasa dibdib niya ang mukha ko—ang kaniyang kamay ay nasa aking buhok at ang kaniyang noo ay nakapatong sa aking ulo.
Basang-basa ang kaniyang puting t-shirt nang matapos ako. Hindi ko naisip na maaaring mangyari iyon noong umiiyak ako kanina. Hiyang-hiya tuloy ako ngayon.
Maayos na akong nakaupo ngayon sa passenger seat ng kaniyang sasakyan.
Nakayuko habang unti-unting napagtatanto kung gaano kanakakahiya ang ginawa.“How are you feeling, Meona?” Tanong niya habang nakaharap sa'kin.
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...