Chapters 51
Sinamahan ako ni Rafael buong umaga. Nanatili siya habang patuloy ako sa paghagulhol dahil sa bigat ng nararamdaman. Nagising na lamang ako sa aking kama, madilim na ang labas ng aking bintana.
Nagluto muli siya ng tortang talong para sa'kin. Pilit akong ngumiti.
Gusto kong maging masaya, gusto kong ipakita sa kaniya kung gaano ko pinahahalagahan ang mga ginagawa niya para sa'kin... pero ang hirap-hirap pala. Sobrang nanghihina ako na kahit na pagngiti ay kailangan ko pang pilitin.
"Let's eat," marahang sambit sa akin ni Rafael at pinatakan ng halik ang aking noo.
Pilit akong ngumiti at pinulot ang kutsara't tinidor.
"Don't force it," sambit ni ni Rafael sa aking tabi, ang kaniyang kamay ay nasa aking buhok.
Binalingan ko siya ng tingin, walang lakas upang magtanong pa kung ano ang tinutukoy niya.
"Your smiles," inabot niya ang gilid ng aking mga labi, marahan iyong hinahaplos, "you shouldn't force it. We're allowed to be sad, okay? It's okay. You don't have to force yourself to be happy if you're not."
Unti-unting nanubig ang mga mata ko.
"I'm always here," he whispered. "I love you," he said before planting a soft kiss on the top of my head.
Tuluyang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Lagi siyang narito para sa'kin... kaya pati siya nadadamay sa mga problema ko. Lagi siyang nasa tabi ko sa t'wing iiyak ako. Lagi siyang nasa tabi ko para pakalmahin ako, para ipaalala sa akin na magiging maayos din ang lahat. Ginagawa ko na siyang takbuhan sa t'wing may problema ako.
Nanunubig ang mga mata ay tuluyan akong nag-angat ng tingin sa kaniya.
"P-pwede bang... iwan mo muna ako?"
Nanay:
'yong bilin ko anak ha 'wag mong kakalimutan :)
bukas ko kailangan
bilisan mo
Pagod kong inilapag ang cellphone ko. Pinahid ko ang mga luhang kanina pa patuloy ang pagdaloy.
Hindi ko kayang palagi nalang akong nakikita ni Rafael na umiiyak. Gusto ko munang umiyak na mag-isa, kaya pinaalis ko siya.
Akala ko, gagaan ang pakiramdam ko dahil hindi ko na makikita si Rafael na nasasaktan dahil lang sa nasasaktan ako. Pero mali pala ako. Mas masakit pala na wala siya sa tabi ko, hindi dahil sa ayaw niya, kun'di dahil pinaalis ko siya.
Ibinaon ko ang aking mukha sa unan, pilit na tinatago ang mga hikbi.
Nanay:
ang himbing ng tulog ng ate mo :)
bagay sa kaniyang matulog nalang :)
Sa lahat ng mga mensahe ni nanay na hindi ko sinagot, ang huli niyang mensahe ang tuluyang nakapagpabalikwas sa akin na bumangon.
Si ate. Bakit... bakit hindi ko naisip si ate?!
Kailangan kong makita si ate!
Hindi na ako nagbihis pa. Suot ang pink na pajamas ay dali-dali akong bumaba upang tunguhin ang hospital na kinaroroonan ni ate.
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
General FictionSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...