Chapter 65

20K 232 26
                                    

Chapter 65

"Nat, okay ka lang?" Tanong ko kay Nathaira nang mapansing kanina pa siya tahimik sa gilid.

"Hindi raw makakapunta si Kevin," matamlay niyang sambit saka pilit na ngumiti sa'kin.

Kinagat ko naman ang aking ibabang labi, kumikirot na naman ang dibdib ko. Kahit hindi niya sabihin sa'kin, nararamdaman kong may gusto siya kay Kevin.

Alam kong hindi dapat natin pilitin ang isang tao kung hindi nila tayo gusto. Alam din iyon ni Nathaira. Pero hindi naman porke't alam natin at tanggap natin na ganoon ay hindi na tayo nasasaktan.

"Anong nangyari?" Si Jack habang nakatingin sa nakatulala lang na si Nathaira.

Ang saya-saya niya kanina eh...

"Hindi raw dadating si Kevin. Baka mag-isa siyang maglakad..." Sambit ko dahil si Kevin dapat ang partner ni Nat bilang isa sa mga abay, pero dahil hindi siya dadating, walang partner si Nat.

Nagtiim ang bagang ni Jack. His face... in one snap... became cold... Iyong parang nilalabanan niya ang sariling sumugod sa kung saan.

"Ako nalang," aniya na parang buo na at siguro na siya sa kaniyang desisyon.

Namilog ang mga mata ko.

"H-huh?" Napaawang ang mga labi ko nang bumaling siya sa akin sa seryosong mukha. May galit pa sa kaniyang mga mata.

"Tangina ng lalaking 'yon," aniya na nagtitiim ang panga bago nagma-martsang tumungo kay Nathaira.

Kumunot ang noo ni Nat nang makitang papalapit sa kaniya si Jack.

Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko'y pinapakialaman ko ang privacy nila. Sa huli ay napag-desisyonan kong lumabas sa hotel room at tumungo na lamang sa kwarto namin ni Rafael.

Dalawang oras pa bago magsimula ang kasal. Handa na ang lahat maliban na lamang kay Summer dahil siya ang huling inayusan. Para raw kasi fresh pa ang make-up niya sa kasal.

Naabutan kong nakaupo si Rafael sa kama. His eyes were glued on the polaroid in his hands. Picture namin iyon kanina matapos kaming ayusan.

"Rafael," pagkuha ko sa kaniyang atensyon.

Mula sa polaroid sa kaniyang kamay ay kaagad na lumipat ang kaniyang tingin sa'kin.

Marahan siyang ngumiti habang namumungay ang mga mata. Inilapag niya sa kama ang polaroid. He tapped his legs, telling me to sit there.

Nag-iwas ako ng tingin.

Kanina matapos akong ayusan ay umupo rin ako roon. We cuddled for a few minutes... pero bigla niya akong sinabihan na pumunta raw muna sa kwarto nila Nat. Naguluhan ako saglit kung bakit at nagpumilit pa na ayaw ko. Pero ilang segundo lang bago ko tuluyang napagtanto kung bakit. There's... something growing in his pants.

Namaso ang buong mukha ko nang maalala iyon. Bago ako umupo ay tiningnan ko muna ang kaniyang pantalon. Nang makitang wala namang... ganoon ay saka ako tuluyang naupo.

I sat in a side way.

Marahan siyang tumawa. "I'm sorry about earlier..." He said in a husky voice.

Marahan niyang ipinalibot ang kaniyang mga kamay sa baywang ko. Isinandal ko naman ang aking pisngi sa kaniyang dibdib.

Naramdaman ko ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso niya. Parang kulang na lamang ay lumabas iyon sa dibdib niya!

"A-ayos lang..." Sambit ko at isiniksik lalo sa kaniyang dibdib ang aking pisngi. Gusto kong nararamdaman iyong tibok ng puso niya.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon