Chapter 66

18.2K 219 27
                                    

Chapter 66

Wala akong pinagsabihan tungkol sa sulat na natanggap ko. Maging ang nakakakilabot na lalaking palaging nakasunod sa'kin ay wala akong pinagsabihan.

Sigurado ako, kapag nalaman nila ay mag-aalala sila lalo, lalong-lalo na si Rafael. Ayokong dagdagan pa ang mga alalahanin niya. Sapat na na araw-araw ay nakikipagsapalaran siya para sa sarili niyang mga memorya.

"What's wrong?" Tanong ni Rafael nang makapasok kami sa aming kwarto sa hotel.

Hindi pa tapos ang after party ng kasal nang magpaalam si Rafael kila Summer na babalik na kami sa aming kuwarto dahil hindi raw maganda ang pakiramdam ko.

Kahit anong pagsisinungaling kasi ang ginawa ko kay Rafael at kahit ilang beses ko ng sinabi na ayos lang ako ay hindi siya naniwala. Para bang kabisadong-kabisado niya na ako kaya alam niya kung totoo bang ayos lang ang lahat o hindi.

"Come here," marahan niyang ipinalibot ang kaniyang mga braso sa'kin nang hindi ako magsalita.

Ang kaninang nanlalamig sa takot kong katawan ay unti-unting binalot ng init ng seguridad.

Kasama ko si Rafael... Ligtas ako... Kasama ko siya...

Ipinalibot ko ang mga braso ko sa kaniyang baywang. Ibinaon ko sa kaniyang dibdib ang aking nanlalamig at namamanhid na mukha.

"What's going on, baby? Hmm?" He gently kissed the top of my head, his eyes covered with worry.

Kinagat ko ang aking ibabang labi at hindi na nagsalita pa.

Ayokong... magsinungaling na naman sa kaniya. Malalaman niya rin naman kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.

"Tulog na tayo..." Aya ko sa kaniya, dahil pakiramdam ko'y hindi matatahimik ang utak ko kung mananatili akong gising.

Naintindihan niya kaagad na ayaw kong pag-usapan ang paksa... na hindi pa ako handang makipag-usap. Marahan niyang hinawakan ang magkabilang likuran ng mga hita ko bago ako marahang inangat. Ipinalibot ko sa kaniyang baywang ang mga paa ko, ang mga kamay ko ay nakakapit sa kaniyang leeg, habang nakabaon roon ang aking mukha.

"It's going to be okay..." Marahan niyang bulong habang unti-unti kaming lumalapit sa kama.

Wala naman kaming masyadong ginawa pero ramdam na ramdam ko ang panghihina at pagod sa buong katawan ko. Para bang ilang oras akong tumakbo na walang pahinga.

"I love you..." Bulong ko habang unti-unti bumibigat ang talukap ng mga mata ko.

"I love you more... So... much... more..." He whispered as his arms tightened around me.

Naikunot ko ang aking noo nang mapagtanto ang pamilyar na nangyayari sa aking kapaligiran.

Sigawan. Ambulansya. Dugo. Hospital. Si Rafael. Nakahandusay. Walang malay. Duguan. Hospital. Bangkay.

"Rafael, g-gumising ka... Please... 'W-'wag mo 'kong iwan..."

Hagulhol. Pagsisisi. Bangkay.

Si Rafael... Hindi...

Napabalikwas ako ng bangon.

Hingal na hingal ako.

Namumuo ang mga pawis sa aking noo at leeg.

Nanunuyo ang lalamunan at mga labi ko.

Basang-basa ang mukha ko dahil sa mga luhang sunod-sunod na tumutulo.

Nanlalamig ako.

Nanginginig ang buong katawan ko.

"I'm here, baby... I'm here... It wasn't true, I'm here... It was just a bad dream... I'm here... It wasn't true... I will never leave you..."

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon