Chapter 50

17.9K 235 16
                                    

Chapter 50

Natulog ako na nakangiti ng gabing iyon. Pakiramdam ko'y buong taon na akong magiging masaya dahil sa nangyari. Habang nakahiga sa aking kama, pakiramdam ko'y nakahiga ako sa mga ulap! Ganoon ako kasaya!

Nang magising ako kinaumagahan ay kaagad akong naghanda para sa trabaho. Pagkalabas ko sa aking kwarto ay naroon na siya, nag-aantay sa akin. Nakaputing dress shirt siya ay itim na slacks. Handa na para sa kaniyang trabaho.

"Good morning," lumapit siya at pinatakan ng halik ang aking noo.

Gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ko.

"Good morning!"

Marahan siyang tumawa at hinalikan muli ang noo ko.

"Breakfast," aniya at iniabot sa'kin ang isang lunchbox na may sticky note na naman sa ibabaw nito.

Eat plenty. I love you.

— Your Rafael

Napatalon ang puso ko sa nabasa. Hindi pa rin ako sanay na nanggagaling ang mga salitang iyon sa kaniya. Kung binabanggit niya man ang salitang "love", para lang iyon papurihan ako. Pero ngayon, sinasabi niya iyon... dahil mahal niya ako.

"Hindi ko pa pala nabibigay 'yong origami na ginawa ko para sa'yo," sambit ko at bahagyang napanguso.

"Hm... I thought you got tired of making me one," aniya na bahagyang malungkot ang boses.

"Huh?! Hindi ah! Meron talaga akong ginawa! Nakalimutan ko lang ibigay!" Depensa ko dahil nalulungkot ang mukha niya.

"Maybe my baby's hug will cheer me up?" Aniya na nagpaliwanag naman sa mga mata ko.

Ilang minuto pa kaming nag-usap doon ni Rafael habang yakap-yakap niya ako. Ang dami niyang gustong sabihin, wala lang talaga kaming oras lalo pa't may trabaho siya at ako. Kaya kahit na gusto niya pa akong yakapin, at kahit na gusto ko rin na niyayakap niya ako ay bumitaw kami sa isat-isa upang tunguhin ang kaniya-kaniyang trabaho. Pero bago ako umalis ay sinabi niyang magkita kami mamaya sa library.

Iyon naman ang tinanaw ko buong umaga.

"Kayo na ni Sir Rafael?" Bulong ni Nat habang abala kami sa muling pagluluto para sa breakfast ng mga may hang over na bisita ni Leon kagabi. Dito na kasi sila nakatulog dahil sa sobrang kalasingan kaya nagpahanda si madame ng kanilang breakfast.

"Meona, someone's looking for you," putol ni Ms. Ariella sa pag-uusap namin ni Nat.

Nagkatinginan kami, parehong nagtataka kung sino ang naghahanap sa akin.

"Sino raw po?" Tanong ko habang tinatanggal ang gloves sa kamay.

"She said she's your mother."

Nayanig ang mundo ko. Bagama't natigilan ako sa paglalakad, pakiramdam ko'y ang paligid ko'y patuloy sa paggalaw—unti-unting gumuguho.

Binalot ng lamig ang buong katawan ko. Tila ang lamig sa loob ng aking katawan ay unti-unting nagpanginig sa mga kamay ko. I held my hands together, pilit na pinipigilan ang panginginig nun.

Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon