Chapter 35
Nagising ako kinaumagahan sa aking kama. May mainit na pagkain na nakahanda sa mini table. Binasa ko ang note na nakasulat doon.
Good morning, Meona. I cooked breakfast for you. I hope you enjoy them.
- Rafael
Ang nangyari matapos akong makatulog sa mga braso ni Rafael, ang panaginip ko, ang kaniyang pilit na paggising sa akin... ang kaniyang pagbulong ng mga salitang nagpapakalma sa akin... napakalinaw pa rin ng mga memoryang iyon sa akin. Lalong-lalo na ang panaginip ko tungkol kay tatay.
Limang taong gulang pa lamang ako nang mangyari iyon kaya napakalabo sa t'wing sinusubukan kong balikan. Ang ibang parte lamang ang naaalala ko ngunit hindi ang kabuuan. Ngunit ngayon, napakalinaw ng mga alaala ko sa araw na 'yon na ang maisip lamang ang salitang "tatay" ay kumikirot na ang dibdib ko.
Niyakap ko ang unan at humagulhol doon. Ang sakit-sakit na ng mga mata ko. Ang akala ko'y naubos ko na kagabi ang mga luha ko ngunit napakarami pa pala nila.
Matapos ang halos isang oras na pag-iyak ay pilit ako bumangon nang mag vibrate ang aking cellphone.
Summer:
Hi, Meona! Good morning! Ngayong 8AM daw tayo lumabas sabi nila Jack. Susunduin ka raw namin.Namilog ang mga mata ko.
Ako:
'wag na kayong pumunta rito! sabihin niyo na lang ang location at susunod na lang ako!Summer:
Huli na eh. Andito na kami sa labas ng mansyon. Si Jack kasi ang nagpupumilit na sunduin ka raw namin.Bumuntong hininga ako.
Ako:
hindi pa ako naliligo. okay lang ba na riyan lang kayo? hindi kasi kami pwedeng magpapasok ng bisita.Summer:
Oo naman! Dito lang muna kami. Tsaka enjoy na enjoy naman si Jack kasi panay ang pa-picture niya.Nanghihina akong napangiti at umiling.
Ako:
sige, bibilisan ko na lang.Summer:
May problema ba, Meona?Kinagat ko ang aking ibabang labi nang mabasa iyon. May problema nga ba?
Ako:
wala, summer. bakit mo naman maiisip 'yan? hahaSummer:
'Wag kang magsinungaling, Meona. Tsaka kapag maayos ka, may emoji ang bawat message mo. Bagay na hindi mo ginagawa kapag malungkot ka.Natigilan ako roon. Hindi... ko naisip iyon. Pero tama siya... hindi nga ako gumagamit ng emojis kapag malungkot ako. Wala na kasi akong... lakas pa para maghanap pa ng emojis na babagay sa mensahe na ipapadala ko.
Ako:
ayos lang ako, summer. 'wag kang mag-alala ☺️Sinadiya kong lagyan iyon ng emoji.
Summer:
Mag-uusap tayo mamaya.Napangiti ako sa pagiging seryoso ni Summer. Ang bilis magbago ng ugali niya kapag ganito ang usapan. O siguro, kumportable lang talaga kami sa isat-isa para maging mga sarili namin nang hindi natatakot na mahusgahan.
Ako:
sige. kakain at maliligo na muna ako. bibilisan ko lang, promise.Matapos kumain ng hinanda ni Rafael ay kaagad akong nagbihis sa isang kulay puting dress na hanggang sa itaas ng aking tuhod. Bigay iyon sa akin ni Summer noong 18th birthday ko.
Bago pa ako makalabas ay nakatanggap ako ng panibagong mensahe. Nag message ata ulit si Summer. Siguro ay pinagmamadali na ako?
Nanay:
Ang sweldo mo. Kailangan ko ngayong alas nuwebe. Hatid mo na lang sa bahay. Bilisan mo.
BINABASA MO ANG
Strings In An Angel's Wings (Chains of Puppetry Series #1)
Ficción GeneralSTATUS : COMPLETE Meona's life is defined by her mother's manipulative and abusive behavior. From a young age, she's been entangled in a web of rules and emotional turmoil, constantly striving to follow her mother's orders so she can please her. How...