Chapter 4

79 1 0
                                    

CHAPTER 4

Paper


"Hi, Phoebe!" Hyper na bati sa akin ni Kat nang mabungaran ko silang apat na nakakumpol sa labas ng classroom umagang umaga. 

"Hi," ginantihan ko ang malapad niyang ngiti, tiningnan din sila Gavin, Donovan, at Karim. 

"Have you had your breakfast already?" Tanong ni Karim bago sumubo sa sandwich na hawak niya, kaparahes ng hawak din ni Kat. 

"Hindi pa, eh. Maaga kaming umalis ni mama sa bahay para hindi kami ma-traffic. Pero nagbaon naman ako ng Cheepee!" Hinubad ko yung isang strap ng bag ko para madali kong maabot yung limang pakete ng chichiryang dinala ko. 

"Cheepee? Pahingi ulit, ha?" Excited na sabi ni Gavin at lumapit pa sa akin. 

"Nagdala talaga ako para sa ating lahat!" Isa isa ko silang inabutan. 

Para sa akin, masakit na sa bulsa ang twenty five pesos, pero kulang pa 'to sa kabutihan na binigay nila sa akin at ang pagkakaibigan. Kaya namang mag ipon ulit para makabili. 

Iaabot ko na kay Karim yung kanya nang may kunin din siya sa bag niya. Ziplock na may lamang sandwich tulad ng sa kanilang magkapatid. Inabot niya sa akin 'yon. 

"I made you a sandwich, too." 

"Ha? Salamat, Karim. Hindi naman kailangan—" 

Nagtaas siya ng kilay. "Remember your utang?" 

Ngumuso ako at nahihiyang tinanggap iyon. Ang gusto nga pala niyang kabayaran sa utang ko ay tanggapin ko ang mga ibibigay niya. 

"Salamat..." 

Ngumisi siya nang maliit at tumango. "Sa'yo na yung Cheepee na ibibigay mo dapat para sa akin. Hihingi na lang ako sa mga gagong 'to," turo niya kina Gavin at Donovan. 

"Are you calling me gago, Karim?" Sinamaan ng tingin ni Kat ang kapatid niya kaya natawa ako. 

"It's bad to say bad words," nagsalubong ang kilay niyang hinarap si Kat. "Sila Donovan ang tinutukoy ko." 

"It's bad to say bad words pero he's saying the bad word," mahinang sabi ni Kat at nag-make face sa kuya niya kaya natawa ang dalawang kaibigan pa nila. 

"Don't mock me!" Kinurot ni Karim ang ilong ni Kat. 

"Ouch! You're mapanakit!" Hinampas niya ang kamay ni Karim, nagtunog ngongo lang dahil nakaipit ang ilong kaya lahat na kami natawa sa kanya. 

Tinago ko yung dalawang Cheepee, yung para sa akin at kay Karim, bago buksan ang Ziplock at kumagat. 

Ganoon pa rin ang palaman, mayonnaise, bacon, at lettuce. 

"May iba ka pa bang gustong palaman para sa sandwich?" Tanong ni Karim kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. "Sabihin mo lang at iyon ang gagawin ko para sa'yo bukas." 

Gusto ko rin ma-try yung may chocolate na palaman. Nakikita ko 'yon minsan pero hindi ko pa nasusubukan. Mukhang masarap. 

"O-Okay na sa akin 'to, masarap naman—" 

Nagtaas ulit siya ng kilay. 

"Okay na talaga sa akin 'to. Sobra pa nga, eh..." mahinang sabi ko. 

"Alright. Ako nang bahala sa ipapalaman ko. Do you have any allergies or any food you don't like?" 

Umiling ako. "Kahit ano naman, kinakain ko." 

Naningkit ang mga mata ni Karim at tumango. 

"Hi, Alceo!" Bati ni Kat nang sumilip siya sa likod ko. 

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon