CHAPTER 46
Leave
"Sorry, medyo magulo yung apartment. Wala rin akong time maglinis, eh," Sabi ko pagkapasok sa unit at ika ikang pinulot ang mga kalat.
"Mikki, you don't have to do that! Ayos lang sa akin!" Humawak siya sa braso ko nang marahan para pigilan ako. "It's okay."
Napanguso ako at tumango. "Ipapakita ko sa'yo yung kwarto mo. Halika!"
Mabagal lang ang paglakad ko dahil sa sakit ng pagitan ko pero humawak na sa baywang ko si Sabina para alalayan ako.
"Salamat..." Nginitian ko siya.
Pagbukas ko ng kwarto, ang bungad sa akin noon ay alaala ni mama. May mga picture pa kami roon, pati yung mga gamot niyang hindi pa nauubos.
"Kwarto ito ni mama... bago siya namatay. Pero nalinisan ko naman na 'yan, huwag kang mag-alala."
"P-Patay na yung... I'm sorry..."
"Magda-dalawang taon na rin. Brain tumor." Bumuntong hininga ako at ngumiti nang maliit bago naglakad sa may cabinet para kumuha ng mga punda. "Sandali, lalagyan ko lang ng bed sheet."
"Hey, it's okay. I know you need to rest. You're tired. You've had a long day. I can manage. Promise..." Humawak siya sa pulsuhan ko nang marahan.
"Sure ka?" Paninigurado ko.
Gusto ko siyang pagsilbihan dahil bisita rin siya at mahaba rin ang araw niya pero tama rin naman siya nang sabihing kailangan ko yung pahinga. Baka halatang halata na rin ang pagod sa akin. Inaabuso na ng iba yung katawan ko, ayaw ko namang pati ako, abusuhin din ang sariling katawan.
Tumango siya, "Kaya ko na 'to. Maraming salamat, Mikki."
"Phoebe. 'Yon ang pangalan ko sa labas ng den."
"Phoebe..." Banggit niya.
Magaang kasama si Sabina sa araw-araw. Nag-enroll din siya sa school ko at parehas kami ng course, business. Lahat ng subjects ay magkaklase kami at nababanggit din niya sa akin yung mga nagiging crush niya kaya iyon ang napag-uusapan minsan.
Hindi ko maitatangging sumasaya na muli ako. May kasama akong manood, kumain, ka-kwentuhan, tawanan, at sa mga na-establish niyang friendship sa ilang subjects niya, naipakilala niya ako. Pero sa tuwing gigimik sila na may inuman, hindi na ako sumasama.
Yung bank account ko simula noong na-raid yung sex den, nadagdagan ng dalawang milyon. Hindi ko lang alam kung saan nanggaling iyon dahil imposibleng yung mga boss ang nagbigay. Inactive ang sindikato ngayon dahil nahuli ang iba nilang tauhan. The six bosses are still on the loose. Hindi ko alam kung kasama si Tito Rubio sa nahuli. Wanted na ang sindikatong iyon kaya wala na ring booking.
Pero dahil hindi pa nahuhuli yung anim na boss, nakakatakot pa ring bumalik ng Pilipinas. Baka kung saan saan lang sila nagtatago at natunugan na aalis ako, baka mapatay pa rin ako. Lalo na't mainit ako sa mata ng mga boss dahil ako ang pinaka-mabenta.
Probably they'd form another syndicate, I don't know. Mayayaman naman sila, eh. Marami silang koneksyon, kahit sa pulitika at sa mas malalaki pang organized crimes. They would get away with this. Ganoon naman talaga.
"Ito, si Elton..." Humahagikhik na lumapit si Sabina at tumabi sa akin sa couch, pinapakita ang phone. "Bagong crush ko!"
"Elton?" Napangiwi ako. "Gusto mo talaga yung kapangalan ni boss?"
"Boss?" Kumunot ang noo niya.
"Si... boss. Sa sex den."
Namilog ang mga mata niya at naiilang na binaba ang phone. "Ahh..."
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomanceWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...