Chapter 21. Continuation Ng Tsismis Ni Hopia

6.4K 125 11
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

"Ano 'yon?" nagmamadaling tanong ni Summer, na kay Hope pa rin ang tingin nito. Maging ako ay naiinis na dahil nabibitin ako sa kuwento niya. Para siyang nananadya.

Hope leaned forward slightly, resting his elbows on his spread knees. His hands were clasped together under his chin, fingers intertwined. He paused for a moment, then turned to look at me with a thoughtful expression.

"Faith, ano'ng gagawin mo kapag nalaman mong hindi pala dapat si Chloe ang fiancé mo?" tanong niya, dahilan ng pagkunot ng noo ko.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" I asked. Sa kaniya pa rin ako nakatingin—lahat kami ay nasa sa kaniya ang atensyon, habang siya ay nakabaling naman sa akin.

"Alam mo ba kung bakit napaaga ang engagement mo? Dahil gusto ni Mr. at Mrs. Herald na si Chloe ang mapangasawa mo. Pero kung natatandaan n'yo 'yong sinabi sa atin noon ni Lolo Don A, kapag twenty-five na raw tayo ay 'tsaka natin ma-me-meet ang match n'ya para sa atin. Alam mo bakit? Dahil next year pa mag-e-eighteen si Sugarpops. In short, si Sugarpops ang ini-match sa 'yo ni Lolo Don A na dapat mong pakasalan, hindi si Chloe."

Natahimik kaming lahat, maliban kay Summer na dinig namin ang pagsinghap. "Owemji. It would be better kung si Poppy na lang ang pakakasalan mo, Kuya Faith. That way, kahit araw-araw s'ya rito sa atin ay walang problema. Araw-araw natin s'yang matuturuan."

I turned to look at Poppy, her head slightly bowed. Alam naming narinig niya ang sinabi ni Hope at Summer, pero nakayuko siya roon sa kinakain niyang coleslaw. As I watched her with the thought of her being my fiancé, an unfamiliar yet profound joy stirred deep within my stomach, a sensation I had never felt before.

"Sino ang source mo?" tanong ni Love kay Hope.

"Si Tito Betlog. At ang source naman ni Tito Betlog ay ang number one fan n'yang si Mommyla. Kaya 'wag n'yong isiping nag-iimbento lang ako."

"Si Mama?" takang tanong ni mommy. Nang balingan namin siya, salubong ang kilay niya. "Kung si Poppy pala ang dapat na fiance mo, bakit pumayag si Mama na kay Chloe ka i-engage?" Walang sumagot sa tanong niya kaya agad niyang kinapa ang phone ni daddy sa bulsa nito. "Hubby, where's your phone? Tatawagan ko si Mama. Kailangan ko s'yang makausap. Dahil kung si Poppy ang ini-match sa kan'ya ni Don Adolfo, hindi ako papayag na kay Chloe makasal ang anak natin."

Dinukot ni dad ang phone niya sa likurang bulsa at iniabot kay mommy. Saglit na nag-tap si mommy sa screen bago niya 'yon dalhin sa tainga niya. "Mama? Ako 'to. Si Keycee. Sa tingin ko may kailangan tayong pag-usapan. Kailan tayo p'wedeng magkita?" Lahat kami ay na kay mommy ang atensyon. "Sige, Ma. Pupunta kami ni Ace ngayon." Mom ended the call at muli niyang ibinalik ang phone ni Daddy, kasunod ang pagbaling niya sa amin. "Aalis muna kami ng daddy n'yo. Pupuntahan lang namin si Mama. Dito muna kayo sa bahay."

-ˋˏ✄┈┈┈┈

"Alam mo ba ang tungkol sa bagay na 'yon, Poppy? Na ikaw ang magiging fiancé dapat ni Kuya Faith?" tanong ni Summer kay Poppy. Nakaalis na si Mom at Dad, pero naiwan kami rito sa living room, magkakaharap pa rin. Si Summer na ngayon ang katabi ni Poppy, habang tabi-tabi naman kaming triplets, nakagitna si Hope sa amin ni Love.

Bahagyang umiling si Poppy. "Hindi ako sigurado." Naubos na niya ang coleslaw niya at nakapatong na sa center table ang bowl niya. 'Yong bottled water niya na lang ang hawak niya. "Pero natatandaan ko 'yong pangalan na binanggit mo kanina. 'Yong . . . si Don Adolfo." Nanatili sa kaniya ang atensyon namin kahit na kay Summer siya nakabaling. "Naaalala ko s'ya dahil noong bata pa ako—hindi ko matandaan kung ilang taon ako noon—pero natatandaan kong nagkita na kami dati sa mansyon bata pa lang ako. Tapos nabanggit n'ya sa akin na magpakabait ako at magpatuloy lang na gumawa ng mabuti dahil daw pagdating ng panahon, ipakikilala n'ya ako sa anak ng apo n'ya. 'Yon lang ang natatandaan ko."

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon