✧FAITH ZEICAN LEE✧
NAGISING ako na mag-isa na lang sa kama. Hindi ko alam kung bakit wala na si Poppy sa tabi ko gayong maaga pa. Napilitan na rin akong bumangon at inayos muna ang sarili ko bago lumabas sa kuwarto.
No'ng nasa paanan na 'ko ng hagdan, nasalubong ko si Elena, may bitbit siyang tray kung saan may nakalagay na carton ng fresh milk, pancakes, honey at dalawang baso.
"Nasaan ho si Poppy?" tanong ko sa matandang kasambahay.
"Nasa labas. Halika, sumunod ka na para masabayan mo na siyang kumain." Ngumiti pa ito sa 'kin bago naunang maglakad. Paglabas namin, agad kong natanaw si Poppy at ang daddy niya roon sa driveway. Suot pa rin ni Poppy ang pantulog niya, nakapunggos ang buhok niya pataas, halatang hindi pa sinuklay. May bagong sasakyan sa tabi nila at masaya si Poppy na pinagmamasdan 'yon.
Nang matanaw ako ni Poppy, agad niya 'kong kinawayan. Lumapit ako, habang si Elena naman ay doon sa garden dumiretso para ilapag sa coffee table na naroon ang hawak niyang tray.
"Faith! Tingnan mo! Binilhan ako ni Daddy ng sasakyan!" tuwang-tuwa niyang sabi at ipinakita sa 'kin ang hawak niyang wireless car keys na katulad ng sa 'kin. "Kaya lang sabi ko kay daddy hindi naman ako marunong mag-drive. Tapos sabi niya, tuturuan mo raw ako." She giggles.
Napangiti rin ako, sabay hakbang palapit sa kaniya. Umakbay ako sa balikat niya at humalik sa ibabaw ng ulo niya bago ko balingan si Mr. Herald at ngitian. Nakakatuwa lang na talagang ipinagkakatiwala sa 'kin ni Mr. Herald ang anak niya. Maging sa dalawang bank cards nito, at ngayon sa pagmamaneho.
"Sure, Poppy."
-ˋˏ✄┈┈┈┈
A month later.
The clock on the wall ticked steadily towards the end of the workday, but I was still buried in paperwork, trying to wrap up the last few tasks. Naging busy ako these past few weeks dahil sobrang daming trabaho ang natengga simula nang bumalik si Mr. Herald. Lagi kasi silang lumalabas ni Poppy, lalo kapag may importanteng inaasikaso, at gusto ni Poppy na kasama rin ako, kaya may mga pagkakataon na kailangan kong mag-day off, hanggang sa naipon nang naipon ang trabaho ko. But it was worth it dahil masaya naman akong kasama si Poppy.
My office was quiet except for the soft hum of the air conditioner. I glanced at my watch, noting that it was nearly time to leave.
A knock on the door broke the silence. It was Colleen, my ever-efficient secretary. Sumilip siya sa pinto, nakangiti. "Sir Faith, may bisita ka."
I looked up, curious, and felt a grin spread across my face when I saw who it was. Poppy stood in the doorway, looking absolutely radiant in a cute sundress that perfectly complemented her figure. She carried a luxurious sling bag over one shoulder and held two Starbucks cups in her hands.
"Hey there," I said, sabay tayo sa kinauupuan ko at lumapit sa kanila sa pinto. Colleen gave us a knowing smile before closing the door to give us some privacy. Noong kami na lang dalawa ni Poppy ang naiwan sa loob, saglit ko siyang niyakap at dinampian ng halik ang ibabaw ng ulo niya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" I asked.
Poppy smiled back at me, her eyes sparkling with affection. "Medyo maaga kasing natapos 'yong pagtuturo sa 'kin ni Ma'am Nicole kaya nagpasama ako sa driver ko na puntahan ka rito. Siyempre, bumili na ako ng kape natin."
Smiling, I took one of the cups. "You're the best. Thanks, baby."
Inakay ko siya papunta sa couch na nasa gitna ng office ko at doon kami magkaharap na naupo. Kinumusta ko ang araw niya kaya nagkuwento siya sa 'kin kung ano ang naging lesson nila kanina ng tutor niyang si Nicole.
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Romance•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...