✧FAITH ZEICAN LEE✧
I leaned back on the couch, trying to ignore the knots twisting in my stomach. Kasama ko ang buong pamilya ko sa sala, maging si Poppy. Lahat kami ay nakaupo sa couch at naghihintay ng balita dahil ngayon lalabas sa news ang tungkol sa pekeng Lucio at sa panloloko nila sa mga tao.
Isang buwan na ang lumipas simula nang mahuli ang mga Samonte. Nagsimula na rin ang hearing, pero ngayon lang i-a-announce sa balita ang mga nangyari dahil marami pang kinailangan asikasuhin si Mr. Herald ukol sa mas malalim pang imbestigasyon, sa mansyon at sa kompanya dahil ang dami rin pa lang kalokohan ng pekeng Lucio. Madadagdagan pa ang kaso nila dahil sa mga slush funds.
Our expressions tense as the news broadcast began. The air felt thick with unspoken worries, each of us waiting for the other shoe to drop.
The news anchor's voice cut through the silence, sharp and clear. "Breaking news tonight, as we uncover the truth behind the identity of the so-called 'Lucio Herald.' For years, he has deceived everyone, posing as a member of the illustrious Herald family. But now, the truth has come to light."
Nanatili ang tingin ko sa screen. The familiar yet alien face of the man we thought we knew as Lucio filling the frame. "The man who claimed to be Lucio Herald has been exposed as an imposter. Authorities have revealed that his real name is Rodolfo Samonte, at asawa siya ng dating kasambahay sa mansyon ng mga Herald. Their motive? To seize control of the family fortune and power."
Patuloy kaming nakinig sa balita—sa pagsasalaysay ng new's anchor tungkol sa mga importaneng detalye kung paano nagsimula ang pagpapanggap ni Rodolfo Samonte at kung paano ito nagtapos. Halos 'yon din ang ikinuwento sa amin ng daddy ni Poppy.
The anchor continued, "But in a surprising turn of events, the real Lucio has resurfaced. After being presumed dead, he has returned to reclaim his rightful place in the Herald family. And with this revelation, another shocking truth has been unveiled. The true heiress of the Herald family is none other than Poppy Herald. Ayon pa sa interview ay sinadyang hindi pag-aralin ng mag-asawang Samonte ang batang ito para mas madali nilang magawa ang kanilang plano. Ikinulong nila si Poppy Herald sa annex house na nasa likod ng mansyon simula pa noong limang taon ito hanggang sa siya ay magdalaga, na siyang dahilan ng pagiging sobrang emosyonal ng kaniyang tunay na ama, lalo na nang makita ang kalagayan ng nasabing annex house, na tila isang bodega, tambakan ng mga kung anu-anong gamit panlinis at mga chemical. Narito ang ulat."
Napasinghap si Mommy sa tabi namin ni Poppy nang ipakita sa TV ang mismong loob ng annex house na siyang tinirhan ni Poppy simula bata siya. Maging ako ay nagulat din dahil ngayon ko lamang nakita nang maayos ang loob no'n. Minsan ko na 'yon nasilip noon kapag nagkaklase kami ni Poppy through online, pero hindi ko nakita nang buo.
Ngayon, ipinakita ang bawat sulok no'n sa balita at napahawak na lang ako sa kamay ni Poppy na nakaupo sa tabi ko dahil sa awa ko sa kaniya. Sobrang gulo at marumi ang loob ng annex house. Ipinakita rin ang mga bote at galon ng iba't-ibang chemicals na nakatambak sa maliit na bahay. Wala rin siyang maayos na higaan. Isang mahabang kahoy na upuan lang ang ipinakita na sinabing sinasapinan lang ni Poppy para maging tulugan.
"Grabe pala talaga ang mag-asawang Samonte na 'yon," bulalas ni mommy nang matapos na ang pagbabalita. Patay na ang TV pero nanatili pa rin kami sa sala.
"Buti nga sa kanila at nakakulong na sila, pati 'yong Jody na 'yon. Sobra ang ginawa nila kay Poppy. Hindi makatarungan," inis na komento ni Summer.
Tumango si Dad. "Nakakaawa rin si Mr. Herald. Masakit para sa isang ama na malamang gano'n kapait ang nangyari kay Poppy simula bata pa siya."
Napasulyap kami kay Poppy nang bigla siyang humikbi sa tabi ko. Hindi ko namalayang naiiyak na pala siya kaya agad ko siyang kinabig sa katawan ko. Hindi na ako magtataka kung ano ang dahilan ng pag-iyak niya. Emosyonal si Mr. Herald kanina sa ipinakitang interview sa huli dahil nito lang din niya nalaman ang iba pang pinagdaanan ni Poppy, tulad ng hindi nito pag-aaral at ang pagtira sa maliit na bahay sa likod ng mansyon. No'ng nakita niyang umiiyak ang daddy niya sa screen, nahalata ko na ang pagpipigil niya ng luha at dinig ko ang pagsinghot-singhot niya. Ngayon lang natuloy at bumuhos ang luha niya, siguro ay hindi na niya kayang pigilan.
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Roman d'amour•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...