Chapter 74. Interrogation

5.4K 217 26
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

ISANG linggo na 'kong nagpapakalunod sa trabaho mula nang banggitin sa 'kin ni Poppy ang annulment para libangin ang sarili ko. Madalang din akong umuwi sa bahay dahil napapadalas siya ro'n.

Matapos ang umaga na naabutan ko siya sa bahay, noong mga sumunod na araw ay naroon ulit siya. Hindi kami nag-uusap, hindi rin siya nagsasabi sa 'kin sa message na pupunta siya sa 'min, pero nalalaman kong naroon siya dahil nagsasabi sa 'kin si Mom, or si Summer sa group chat naming pamilya kapag papunta roon si Poppy. Kaya kapag nalaman kong nasa bahay siya, hindi muna 'ko uuwi ro'n kahit pa tapos na ang trabaho ko.

Nalaman ko rin kay Summer na sandamakmak na pasalubong ang dinala ni Poppy sa bahay para sa kanila galing sa Australia. Halos lahat ng pamilya ko ay mayro'n natanggap sa kaniya, gano'n din ako. Mayroon inilagay na paper bag si Summer sa kuwarto ko five days ago, 'yon daw ang para sa 'kin, pero hanggang ngayon hindi ko pa 'yon binubuklat.

Hindi ko alam kung kaya ko. Nahihirapan ako, dahil imbes na maging masaya sa mga pasalubong niya, nasasaktan lang ako. Hirap din ako sa kasalukuyan naming set up dahil mukhang hindi apektado ng sitwasyon namin ang relationship niya sa pamilya ko, which is good thing naman dapat. 'Yon ang ayokong magbago dahil ramdam kong masaya pa rin siyang kasama ang pamilya ko, lalo na at bukod sa daddy niya ay kami lang ang kinilala niyang pamilya.

Pero ang pamilya ko, wala pang kamalay-malay sa kalagayan namin. Sa tuwing nasa amin si Poppy, pinauuwi ako ni Mommy sa bahay para magkasama raw kami, pero ang lagi kong dahilan ay busy ako sa office at hindi ko puwedeng iwanan ang trabaho ko.

Noong isang gabi naman na naabutan ko si Summer sa living room—ka-video call si Poppy at si Tita Baby—narinig ko silang nag-uusap tungkol sa plano nilang outing. Family outing kaya kasama rin sina Mom, Dad at mga kapatid ko. At base sa pag-uusap nila sa video call, si Poppy ang gagastos this time dahil hindi niya raw 'yon nagagawa noon.

Isa 'yon sa pinoproblema ko. Siguradong mahihirapan akong mag-move forward dahil sobrang lapit pa rin niya sa family ko. Gusto ko nang ipaalam sa kanila ang totoo, pero takot akong ma-interrogate. Sobrang sakit pa rin kasi kaya hangga't kaya kong iwasan na mabuksan ang usapan ay ginagawa ko. Pero alam kong one of these days ay kakailanganin ko rin 'yon ipaalam sa kanila.

Ngayong araw, muli ko na namang nilunod ang sarili ko sa trabaho, determined to drown out the chaos in my mind with the steady hum of productivity. Reports, spreadsheets, and meetings filled every minute, leaving no room for personal thoughts.

Habang tumatakbo ang oras patungo sa pagtatapos ng araw, napatingin ako sa suot kong relo—isang oras pa ang natitira bago ang out ko. Pero ilang sandali lang ang lumipas, biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. I looked up, expecting my secretary, but instead, my mom stood in the doorway. Mag-isa lang siya.

"Mom?" I said, surprise evident in my voice. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

Mom smiled warmly but with a hint of something else—concern, perhaps? "Wala. Namiss lang kita, and... I thought I'd come and steal you away for a date. Ano sa tingin mo?"

My heart skipped a beat. A date? Ngayon niya lang 'to ginawa. Hindi niya ugaling sumadya sa company para lang yayain ang mga anak niyang lumabas dahil may family day naman kami—every Sunday. I couldn't shake the feeling that this was more than just a casual visit. Was she here to talk about me and Poppy?

"Sige, Mom. Saan mo gustong kumain? Para makapag-book na 'ko," I replied, pinilit ko pang ngumiti. Noong nakaupo na siya sa couch na nasa gitna ng opisina ko, naisipan kong magtanong kung paano siya pumunta rito, kung hinatid ba siya ni Dad. Sinabi niyang nag-drive siya mag-isa. "You drove all the way here alone? That's not like you."

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon