Chapter 82. Outing Part I

5.7K 242 19
                                    

꧁ POPPY ꧂

“F-Faith…”

Pareho kaming natulala. Bakas din sa mukha niya ang gulat. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman siya sasama. ‘Yon ang sab isa ‘kin ni Ate Summer at ang dahilan pa nga nito ay busy siya sa trabaho, kaya hindi na ako nag-expect. Lalo pa at lasing na lasing siya kagabi nang ihatid ko siya sa Villasis Park.

Teka? ‘Yong suot niya… ‘yon pa ‘yong suot niya kagabi nang ihatid ko siya.

“Poppy…” mahina niyang sambit, sabay talikod. Ngayon ko lang napansin na may hila siyang suitcase. “I’m sorry. Dito ako pinapunta ni Summer. Dito raw ang kuwarto ko. I… I didn't know you were here.”

Si Ate Summer?’

“O-Okay lang. H-Hindi ko rin alam na ikaw ang darating. Tinawagan ko kasi si Ate Summer para humingi ng tulong. Ang sabi niya papunta na siya kaya akala ko siya ang... d-dumating,” nahihiya kong sagot.

“You… need help?” Nakatalikod pa rin siya sa ‘kin at base sa boses niya, halatang nahihiya rin siya.

“O-Oo. Pero—” Naputol ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang cell phone ko. Nang magbaba ako ng tingin do’n at nakitang si Ate Summer ang tumatawag ay agad ko ‘yon sinagot, habang ang isang kamay ko ay nanatiling mahigpit na nakakapit sa kapirasong tela na tumatakip sa dibdib ko. “Hello, Ate Summer? Patulong muna saglit,” bungad ko sa kaniya. Ngunit bumilis ang tibok ng puso ko sa pag-aalala nang sabihin niyang nakalabas na sila ni Tita Baby sa hotel. Kasama na rin daw nila si Meng at Sunny.

“Kay Kuya Faith ka na magpatulong, Pops. Mag-asawa naman kayo,” pahabol niya pa bago niya ako natatawang binabaan ng telepono.

“Uhm, I… I’ll just leave, Poppy.” Hila ang suitcase niya ay nagsimula na siyang humakbang palayo.

“S-Sandali, Faith.” Tatlong hakbang pa lang ang nagagawa niya nang bigla siyang natigilan dahil sa pagtawag ko.

Nahihiya niya akong nilingon, pero agad din siyang nag-iwas ng tingin.

“Ano kasi… k-kailangan ko ng tulong… d-dito.” Dahan-dahan akong tumalikod sa kaniya para makita niya ang problema ko.

I heard him cleared his throat. “Gusto mong ako ang… magsara?” May pag-aalinlangan sa boses niya.

“Si Ate Summer sana. Kaya ko siya tinatawagan. Pero ang sabi niya, nakalabas na raw sila ng hotel, kasama niya sila Tita Baby, Sunny at Meng. N-Nahihiya naman ako na abalahin si Mommy Keycee. Pero kung… kung hindi mo kaya—”

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang paghakbang niya palapit. Napalunok ako nang maramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko, nakatayo na siya roon ngayon.

“W-What am I supposed to do?”

“Paki… paki-zipper.”

Ilang sandali kaming natahimik pareho bago ko naramdaman ang kamay niya sa buhok ko. Hinawi niya ‘yon papunta sa balikat ko, sa harap—dahilan para lalo kong maramdaman ang lamig ng air-condition sa kuwarto nang tuluyang lumantad ang hubad kong likod, na kanina’y natatakpan ng mahaba kong buhok.

Ramdam ko ang pagtama ng mainit niyang hininga sa bandang likuran ko nang magbuga siya ng hangin. Ilang sandali pa, maingat na umangat ang kamay niya at kinuha ‘yong magkabilang dulo ng swim bra ko na kailangan niyang pag-abutin sa likod para i-zip.

Napalunok ako nang sumalat sa balat ko ang mainit niyang kamay at ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan dahil sa salat niya na alam kong hindi niya naman sinadya dahil agad niya rin iniwas ang kamay niya sa balat ko.

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon