✧FAITH ZEICAN LEE✧
WE RUSHED to the hospital, my mind racing with every possible scenario dahil hindi binanggit ng police officer kay daddy kanina kung ano'ng nangyari kay Poppy, kaya sobra ang pag-o-overthink ko.
The drive felt interminable, each minute dragging as we anxiously awaited news. When we finally arrived, we were met by a police officer in the hospital lobby.
"You're here for Poppy Lee?" tanong ng officer sa amin, his tone reassuring. Si mommy ang sumagot at tumango rito. "Nasa emergency room siya ngayon. She's been stabilized and is resting now."
I let out a shaky breath, my heart still pounding as we followed the officer to the ER. Kasama ko si Dad, si Mom, Hope, Love at Summer.
As we approached, I saw Poppy lying on a bed, looking fragile and pale, surrounded by medical equipment that beeped and hummed softly. Despite the medical equipment, she looked peaceful, her chest rising and falling with each breath. Pero hindi lang 'yon ang napansin ko. May mga mapupula siyang marka sa braso. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko habang nakatanaw sa kaniya, while my family rushed to her side, their voices hushed and filled with concern, nag-iingat sila na hindi nila magising si Poppy.
I wanted to move, to go to her, but my legs felt like lead, and a storm of emotions churned within me. Bukod tanging ako at ang police officer na lang ang naiwan malapit sa pinto.
Ano'ng nangyari kay Poppy? Bakit pati sa binti meron siyang mapupulang marka? Ano'ng ginawa sa kaniya ng ama niya?
As I took a deep breath, summoning the strength to walk towards Poppy, the door behind me swung open. I turned to see a man enter, and my blood began to boil.
Si Lucio—na nasisiguro kong siyang may kagagawan nito sa sarili niyang anak dahil sa kasakiman niya.
The anger surged within me, a hot, uncontrollable fury. Without thinking, I lunged at him, my fist connecting with his jaw in a powerful punch. The impact sent him staggering back, and a gasp echoed through the room. Nagulat ang pamilya ko sa naging aksyon ko.
"Ikaw ang may gawa nito kay Poppy!" I shouted, my voice shaking with rage. "Tapos ang lakas ng loob mong pumunta rito?!"
The man stumbled but regained his footing, his eyes wide with shock and confusion habang pinagmamasdan ako na para bang ngayon lang kami nagkita. Nice game, Lucio!
Akmang susugurin ko ulit siya, mabilis akong napigil ni daddy at ng police officer, kasabay rin ng pagsigaw ni Poppy dahil nagising na siya.
"Faith!" she cried out. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya nang makita niya ang sugat sa gilid ng labi ng hinayupak niyang ama.
Huwag niyang sabihing concern pa siya rito ngayon?
"F-Faith, bakit mo sinaktan si daddy?" Her lips trembled, para na siyang maiiyak.
Agad akong lumapit sa kaniya, pumuwesto ako sa gilid niya at hinawakan ang kamay niya. "Ano'ng nararamdaman mo? May masakit ba sa 'yo? Ano'ng nangyari sa mga 'to?" nag-aalala kong tanong nang hawakan ko ang braso niya at inspeksyunin ang mga mapupulang marka ro'n.
Pero imbes na sagutin ako, binalingan niya muli si Lucio at kinawayan niya palapit. Lalong uminit ang ulo ko dahil sa biglang pagbabago niya, na para bang mas mahalaga sa kaniya ang h*yop na 'to kaysa sa akin. Samantalang wala naman 'tong ibang ginawa kundi ang pahirapan siya simula pa noon.
Noong nakatayo na si Lucio sa kabilang side ng kama, inabot niya ang kamay nito, kasunod ang muling pag-angat ng tingin sa akin ni Poppy.
"Faith, n-nagkakamali ka ng akala. Si daddy itong kaharap natin. 'Yong tunay kong daddy. Hindi ang peke na laging nananakit sa 'kin." Nagluha ang mga mata niya pero may nabakas ako ro'ng saya, habang kunot naman ang noo ko sa pagtataka. "Bumalik na ang daddy ko, Faith. Siya ang nagligtas sa 'kin kay Ate Chloe at sa pekeng Lucio na nagpanggap lang na daddy ko."
"W-What? Totoong daddy?" mahina at naguguluhan kong tanong. Alam kong hindi lang ako ang naguguluhan, maging ang pamilya ko.
Lucio nodded, wincing as he touched his bruised jaw. "Yes, that's true. I'm Poppy's real father. Ninakaw ni Rodolfo Samonte ang pagkatao ko matapos kong maaksidente noon at mawalan ng alaala pagkatapos ng business trip ko sa ibang bansa. Doon ako sa ibang bansa naaksidente and that accident was Jody's plan. Inakala nila na patay na 'ko dahil 'yon naman talaga ang plano niya. Hindi niya kasi matanggap na ni-reject ko siya. Dati siyang maid sa mansyon no'ng panahon na buhay pa ang asawa ko—ang biological mother ni Poppy. When my wife passed away, she tried to seduce me, pero hindi siya nagtagumpay. At si Rodolfo Samonte ang asawa niya. They orchestrated my accident, and when they believed I was dead, Rodolfo Samonte underwent plastic surgery to replicate my face and assume my identity. And Chloe? She's not truly a Herald. She's the daughter of Rodolfo and Jody—a Samonte. I have no other children or any secret offspring. Poppy is my one and only child."
I took a step back, the anger draining from me, replaced by a crushing sense of guilt and confusion. My family turned to look at me, their expressions a mix of shock and concern. Hinawakan ni mommy ang braso ko at bahagya akong pinisil doon dahil sa pagkatulala ko.
Then Lucio continued, "Grabe ang impact sa 'kin ng aksidente. I've lost my memory. Naparalisa pa ang buong katawan ko at ang tagal kong naratay. Ilang taon. I had no family abroad and no one knew me there, so I stayed in a government facility."
Saglit siyang tumigil bago muling nagpatuloy. "Two years ago, bumalik ang alaala ko. Pero kahit gusto kong umuwi para balikan ang anak kong si Poppy, hindi ko magawa. Malaki ang utang ko sa ospital at kailangan ko 'yon bayaran. Hindi rin ako basta-basta makapag-ayos ng mga papeles pabalik sa bansa dahil ang laki ng gastos. Pati kasi passport ko at iba pang mga importanteng dokumento na kailangan ko sa pag-uwi, nawala sa 'kin. Sinubukan kong kontakin ang Herald Enterprise, nagpadala ako ng mga emails sa kanila para ipaalam na buhay ako at kailangan ko ng assistance para makauwi rito. Pero walang nag-r-reply sa 'kin. Pakiramdam ko, hinaharang ng mag-asawang Samonte ang mga messages ko para hindi malaman ng lahat na buhay ako. No'ng wala na 'kong maisip na ibang paraan, nagsikap na lang ako. Nagtrabaho ako araw at gabi sa kagustuhan kong makaipon agad at makauwi sa anak ko."
Saglit siyang tumigil, nilingon niya si Poppy na umiiyak na dahil sa kuwento niya. Then he continued, "Umuwi ako sa bansa, isang linggo bago ang eighteenth birthday ni Poppy. Pagtapat ng sinasakyan kong taxi sa mansyon, doon ko nakita si Jody at ang lalaking kasama niya na kamukha ko. No'ng una, hindi ko alam kung ano'ng nangyayari at kung sino ang lalaking 'yon kaya hindi ako tumuloy na bumaba. Tatlong araw akong nagpabalik-balik doon at nagmatyag sa kanila. Isang araw, napansin kong may lumabas na katulong at sumakay sa isang sasakyan. Doon ko siya naisipang sundan para alamin kung ano ang sitwasyon sa mansyon at kung sino 'yong lalaking kamukha ko na kasama ni Jody. Elena ang pangalan ng kasambahay na nakausap ko."
"Elena?" takang tanong ni dad. "'Yon ang umakay kay Poppy palabas sa university bago siya nawala."
Tumango si Lucio. "Noong araw na sinundan ko siya at palihim na kinausap, nakumbinsi ko siya na ako ang totoong Lucio Herald. Ipinaliwanag ko sa kaniya ang nangyari sa 'kin, pati kung ilang taon ko nang hindi nakakasama ang anak kong si Poppy. Binanggit ko rin sa kaniya na wala akong ibang anak maliban kay Poppy at hindi ko kilala ang Chloe na sinasabi niyang nakatira sa mansyon na kasama nila Jody. Doon niya napagtagpi-tagpi lahat. Kaya raw pala masyadong malupit ang mag-asawa sa anak kong si Poppy."
Saglit siyang tumigil dahil nag-iiba ang timbre ng boses niya, halatang nagpipigil ng iyak. "Pero no'ng araw na 'yon, nalaman ko sa kaniya na wala si Poppy sa mansyon. Nagtanan daw kasama ang isa sa triplets ng mag-asawang Lee."
Sunud-sunod niya kaming tiningnan nila Hope at Love bago siya muling nagpatuloy.
"Kilala ko si Don Adolfo at alam kong hindi mapapahamak ang anak ko kung isang Lee ang kasama niya, kaya kahit papa'no napanatag ako at hindi muna inisip si Poppy. Mas kinailangan kong pagtuunan ng atensyon si Jody at 'yong lalaking nagpapanggap na ako kaya 'yon ang inasikaso ko. Nakipagtulungan sa 'kin si Elena kaya nagkaroon kami ng contact. Palihim niya 'kong ina-update sa mga kilos ng mag-asawa at ng anak nilang si Chloe. At para mas mapabilis ang imbestigasyon at makasama ko na ang anak ko, naisipan kong palihim na lumapit sa isa sa mga board of directors sa Herald Enterprise. Kay Mr. Trevena. Minsan ko siyang inabangan sa bahay nila dahil siya ang pinakamalapit sa 'kin noon na alam kong makakatulong sa sitwasyon. Noong una, nahirapan akong kumbinsihin siya na ako ang totong Lucio. Pero dahil malapit kami noon at para na kaming magkapatid, may mga bagay siyang itinanong sa 'kin na kami lang dalawa ang nakakaalam. No'ng nasagot ko 'yon, nakumbinsi ko siya at tinulungan ako sa imbestigasyon. Matagal lumakad ang imbestigasyon—ilang buwan din—kaya kahit gusto ko nang lumantad at harapin ang anak ko—lalo noong nabalitaan ko na kinasal na siya—hindi ko magawa dahil baka magkaroon ng komplikasyon. Isa pa, payo sa 'kin ni Mr. Trevena at ng abogado ko na 'tsaka na lang ako lumantad kapag hawak na namin ang mga dokumento na magpapatunay na impostor ang Lucio Herald na nakatira sa mansyon. Nag-alala sila na baka kapag lumantad agad ako, makagawa pa ng hakbang ang pekeng Lucio at baligtarin ako at palabasing ako ang impostor. Kaya nagtiis muna 'ko at nagtago."
Nagbaba siya ng tingin kay Poppy at inabot ang kamay nito. Ngumiti sila sa isa't-isa habang nagluluha na rin ang mga mata ni Lucio.
"Kaninang umaga, no'ng nalaman ko kay Elena ang plano ng mga Samonte na kukuhanin nila si Poppy, natakot ako. Hindi ko kaya at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Poppy kaya hindi na 'ko nakatiis at tinawagan ko si Mr. Trevena." Nag-angat ng tingin sa amin si Lucio. "Sinabi ko sa kaniya na kailangan ako ng anak ko at hindi ko na kayang hintayin ang mga dokumentong kailangan namin. Pero sakto ang naging pagtawag ko dahil ngayong araw daw i-re-released ang mga documents ukol sa imbestigasyon. Pinasamahan niya 'ko sa driver niya para sundan ang mag-amang Samonte sa apartment na tinuro sa 'kin ni Elena. May dalawang pulis din kaming kasama, just in case. Pero pagdating namin sa apartment, marami na kaming naabutan na pulis doon at nalaman kong nag-report din pala kayo para ipahanap ang anak ko. Salamat sa inyo."
Muli siyang nagbaba ng tingin kay Poppy at bahagyang ngumiti. Pero mukhang hindi pa tapos ang kuwento niya dahil muli niya kaming nilingon makalipas lang ang ilang sandali.
"Sakto rin ang pagdating ni Jared, assistant ni Mr. Trevena. Dahil sa mga dokumentong dala niya, nakakulong na ngayon ang impostor na Lucio at si Chloe. Si Jody naman, pinuntahan na rin ng mga pulis sa mansyon para arestuhin din. Mapagbabayaran na nila ang lahat ng ginawa nila, hindi lang sa 'kin, kundi lalo sa anak ko."
Swallowing hard, I turned back to Poppy, my heart still aching at the sight of red marks on her skin. Noong bahagya niya akong nginitian, na parang sinasabi niyang okay lang siya, muli kong ibinalik ang tingin ko sa daddy niya.
I nodded numbly, my eyes still locked on the man I had just struck. "I... I'm so sorry, Mr. Herald. I, I didn't know that you are—"
Naputol ang sasabihin ko nang bahagya siyang matawa, sabay hawak sa sugat na nasa gilid ng labi niya. 'Tsaka ito bumaling sa 'kin, sunod kay Hope at Love, at sa akin ulit."Well, judging by how you attacked me and your concern for my princess, you must be Faith Zeican. My daughter's husband, am I correct?"
Napasinghap si Hope sa bandang likuran ko, sabay biro. "P@tay ka diha. Sinuntok mo ang real father. I now pronounce you, Poppy. You may now divorce your husband."
To be continued...
Don't forget to vote po. Thank you.
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Romance•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...