꧁ POPPY ꧂
Kinabukasan,
After Lucio Herald's party.
TIRIK na tirik na ang araw nang magising ako. Kahit hindi pa naghihilamos at nagsusuklay, agad akong lumabas sa kuwarto at dumiretso sa kusina. Naabutan ko ro'n si Ate Elena, naglilinis. Nang maramdaman niya akong dumating, agad siyang lumingon sa 'kin.
"Oh, gising ka na pala, Poppy. Nanggaling dito ang asawa mo."
Agad akong natigilan at napatitig sa kaniya. "Po? Nasaan po siya?"
"Umalis na."
Bumilis ang kabog ng puso ko at agad akong tumalikod para sana tumakbo palabas at habulin si Faith, nang makapag-usap na kami. Pero agad din akong napigilan sa sinabi ni Ate Elena. "Hindi mo na siya aabutan, Poppy. Kanina pa siya umalis. Magtatatlong oras na."
Laglag ang balikat ko siyang hinarap. "Bakit hindi n'yo po ako ginising?"
"Umakyat siya sa kuwarto mo kanina. Akala ko siya na ang manggigising sa 'yo. Hindi mo ba namalayan?"
May panlulumo akong umiling. "Hindi ko po alam. Malalim ang naging tulog ko, dahil na rin siguro sa puyat at pagod kagabi sa party."
"Kaya pala ang lungkot niya kanina nang umalis. Ang tagal n'yang nasa taas. Dalawang oras."
"P-Po?" Parang may kumirot sa dibdib ko sa isipang dalawang oras akong hinintay ni Faith. Bakit hindi ko man lang naramdaman?
Nasapo ko ang noo ko nang maalalang hatinggabi na ako uminom ng vitamins kagabi, kaya siguro lalong nagpasarap sa tulog ko at hindi man lang namalayan na nasa kuwarto siya. Bakit hindi niya sinikap na gisingin ako? Sana niyugyog niya na lang nang malakas ang katawan ko.
"Saan ka pupunta, Poppy? Hindi ka pa ba kakain?" tanong ni Ate Elena sa 'kin nang makita niyang pabalik ako sa taas.
"Kukuhanin ko lang po ang cell phone ko."
Pagbalik ko sa kuwarto, hinagilap ko agad ang phone ko at nagpadala ng message kay Faith. "Good afternoon, Faith. Kagigising ko lang. Nabanggit sa 'kin ni Ate Elena na galing ka rito. Pasensya na hindi ko namalayan. I was very tired. Are you free tonight? I'd like to invite you to dinner so we can talk."
-ˋˏ✄┈┈┈┈
Pagdating ko sa restaurant kung saan kami magkikita, imbes na dumiretso agad sa loob ay nanatili muna ako sa sasakyan. Hinanap ko sa cell phone ko ang video nila ni Ate Chloe, maging ang picture at screenshot ng conversation nila na ipakikita ko sa kaniya mamaya.
Nang masigurong naka-save pa 'yon sa 'kin, tumungo na ako sa loob. May staff na lumapit sa 'kin para tanungin kung may reservation ako. I said yes. Binanggit niyang dumating na ang kasama ko at tinuro nito sa 'kin ang puwesto namin kaya lakas-loob ko 'yon tinungo.
Noong natanaw ko na si Faith na mesa, kahit hindi pa ako tuluyang nakakalapit ay tumindi na ang kabog ng dibdib ko. Natatakot ako sa magiging paghaharap namin, lalo na sa maaring kahinatnan ng gabing 'to.
"Hi," mahina kong bati sa kaniya nang makalapit ako at makaupo sa harap niya.
Nanatili ang titig niya sa 'kin. "H-Hi," nauutal niyang bati na parang nahihiya.
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Romance•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...