Chapter 67. Honeymoon

7.7K 182 20
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

SINCE Poppy left for Australia, I've been overwhelmed by a deep sadness and intense longing. Umalis na rin ako sa mansyon at umuwi na lang muna sa 'min sa pag-aakalang malilibang ako. Pero hindi. Because every corner of the house felt emptier without her presence, and each day seemed to stretch endlessly. I threw myself into work, hoping to distract myself from the void she left behind, but nothing seemed to fill the space she occupied in my heart.

Sobrang hirap pala kapag nasanay ka nang kasama ang isang taong naging sobrang halaga at malapit na sa puso mo tapos biglang malalayo sa 'yo. Nights were the hardest. Kahit papa'no kasi kapag araw, nagagawa ko pang libangin ang sarili ko sa trabaho. Pero kapag gabi na, doon ko mas lalong nararamdaman ang pangungulila kay Poppy. The bed felt cold and vast without her beside me. I often found myself staring at the ceiling, memories of our time together replaying in my mind. Her laughter, her smile, the way she would curl up next to me—all of it haunted me in the quiet hours.

Pero sa kabila ng kirot at lungkot sa dibdib ko, pinipilit kong maging matatag para sa kaniya. She was embarking on a new journey, and I didn't want my sorrow to burden her. So, whenever we spoke through video calls, I forced a cheerful demeanor, hiding my true feelings behind a mask of encouragement and positivity.

Tulad ngayon, hinahanda ko na ang sarili ko dahil alam kong maya-maya lang ay tatawag na siya sa 'kin dahil patapos na ang oras ng klase niya. Isang linggo nang ganito ang routine namin, na palaging siya ang unang tumatawag. Napagkasunduan namin 'yon dahil noong minsan na ako ang naunang tumawag sa kaniya ay hindi niya nasagot dahil may klase pa siya. Ayokong makaistorbo sa kung anuman ang ginagawa niya, kaya para sure sinabihan ko siya na siya na lang ang maunang tumawag kapag free na siya. Ako kasi, may ginagawa man o wala, kaya kong itigil ang ginagawa ko para sa kaniya.

Isang oras na 'kong nakauwi sa bahay at nakahiga sa kama nang sa wakas ay tumunog ang cell phone ko. She was video calling me, and I answered it immediately. Her face appeared on the screen, radiant with the excitement of her new experiences.

"Hi, Faith! May kuwento ako sa 'yo. May mga bagong kaibigan na 'ko! Pero Pilipino rin sila kaya nagkakaintindihan kami. Ang babait nila. Maagang natapos ang klase ko kaya namasyal kami kanina. Grabe, ang babait din pala ng mga tao rito, tapos ang ganda ng mga lugar na pinuntahan namin," she gushed, her eyes sparkling with enthusiasm.

Pinilit kong ngumiti, doing my best to match her energy. "Mabuti naman, Poppy. I'm so happy you're enjoying it. Ano pa'ng nangyari? Kuwento ka pa, makikinig ako."

As she talked, I listened intently, my heart aching with every word. I missed her more than words could express, but I couldn't let her see that. She needed to focus on her studies and new life without worrying about me.

"Ikaw? Kumusta ka na pala?" she asked, her voice tinged with concern.

"Okay lang ako, lalo at nakausap na ulit kita," I replied, keeping my tone light. Pinanatili ko rin ang ngiti sa labi ko.

Tumango siya, her smile softening. "I miss you, Faith. Kung alam mo lang."

I felt a pang in my heart but maintained my composure. "I miss you too, deeply, baby. Pansamantala lang naman 'to. Magkakasama ulit tayo soon. Pero habang hindi pa 'yon dumarating, we have these calls to keep us connected."

Patuloy pa kaming nagkuwentuhan ni Poppy. Kinumusta niya rin sa 'kin ang family ko. Halos hindi kami nauubusan ng topic kaya 'yong pag-uusap namin ay umabot ng apat na oras. Ayoko pa nga sanang matapos ang pag-uusap namin, pero no'ng nagsunud-sunod na ang paghihikab niya, napilitan na akong magpaalam para makapagpahinga na siya.

After the call ended, ibinaba ko ang cell phone ko sa gilid ng kama at matagal akong tumitig sa kisame. The house seemed to close in around me again, the loneliness almost suffocating. But I knew I had to endure it, for Poppy's sake. She deserved to chase her dreams without any shadows of my sorrow.

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon