Chapter 84. Outing Part III

6.8K 253 32
                                    

꧁ POPPY ꧂

“N-NASAAN si Faith?” naiiyak kong tanong kay Kuya Hope matapos niyang ipaliwanag sa ‘kin na edited ang picture ni Faith at Ate Chloe. Maging ang screenshot na pinakita ko ay sinabi niyang fake rin daw. Ini-orient niya rin ako kung ano ‘yong photoshop dahil hindi ko alam ang tungkol doon nang banggitin niya.

“Nasa hotel,” sabi ni Kuya Hope, sabay inabot niya sa ‘kin ang phone ko. “Hindi siya sumamang lumabas pagkakain. Ililipat niya raw gamit niya sa room namin ni Andreng.”

Pagkasabi niya no’n, hindi na ako nakapagpaalam sa kanila. Ang bilis kong tumakbo palayo, pabalik sa hotel. Natandaan ko naman ang papunta sa room ko at nasa bulsa ko rin naman ang key card kaya tinungo ko agad ang elevator.

Pagdating ko sa palapag na ‘yon, mabilis kong tinakbo ang room ko at binuksan sa pagbabaka sakaling maabutan ko pa si Faith. Pero wala na siya roon, maging ang suitcase niya ay wala na rin. Siguradong nakalipat na siya sa room ni Kuya Hope at Kuya Love. Pero dahil hindi ko alam ang room number nila, ang tanging naisip kong paraan ay tawagan ang cell phone ni Faith.

Lumabas ako sa room ko at nag-abang sa pinto habang hinihintay ko siyang sumagot. Ilang ring pa ang lumipas bago ko narinig ang boses niya. “Poppy?”

“F-Faith… nasaan ka?” Napahikbi ako.

“Poppy? What happened? Bakit ka umiiyak? Nasa room ako nila Hope. Where are you?”

“N-Nasa room ko. Puntahan mo ‘ko. M-May sasabihin ako.” Matapos mamatay ang call, bumalik agad ako sa loob ng kuwarto at kinakabahang naghintay sa kaniya sa loob. Sinadya ko nang hindi i-lock ang pinto, iniwan ko na lang ‘yon nakaawang para mabilis siyang makapasok.

Nakaupo ako sa paanan ng kama noong narinig ko ang pagbukas ng pinto at mabibigat niyang yabag, halatang tumakbo siya papunta rito. “Poppy?”

Agad akong tumayo at sinalubong siya. Yumakap ako sa kaniya at hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Iyak na ako nang iyak habang humihingi ng sorry. Niyakap niya rin ako at marahang hinagod ang likuran ko.

“Poppy, what’s wrong?” Bakas ang pag-aalala sa boses niya. “Bakit ka umiiyak?”

Bumitaw ako sa kaniya. Kahit nanlalabo ang paningin ko sa luha, tiningala ko siya. “Sorry, Faith. Patawarin mo ‘ko. B-Binabawi ko na 'yong sinabi ko.” Umiling ako nang sunud-sunod. “Ayokong makipaghiwalay. G-Gusto pa rin kitang… maging asawa.”

“Poppy…” Kunot ang noo niya, halatang naguguluhan.

Inangat ko ang cell phone ko para ipakita sa kaniya ang pinakita ko rin kina Kuya Hope. “Dahil dito…” I handed my phone to him. “H-Hindi ko kasi alam na hindi pala ‘yan totoo. Ang sabi ni Kuya Hope nang ipakita ko ‘yan sa kanila, edited daw at hindi raw talaga ikaw ‘yan.” Muli akong napahikbi. “Patawarin mo ‘ko kung hindi agad ako nagtanong.”

“Sino’ng nagpadala nito sa ‘yo?” Nag-angat siya ng tingin sa ‘kin matapos niya ‘yon pagmasdan. Halatang pinipilit niyang kalmahin ang sarili, pero bakas ang pamumula ng mukha niya sa saglit.

Umiling ako. “Hindi ko alam, Faith.”

Nag-iwas siya ng tingin sa ‘kin, lumingon siya sa bintana, habang tila malalim ang iniisip. ‘Tsaka siya bumulong. “Si Chloe… siguradong siya ang may kagagawan nito.” Binalik niya ang tingin sa ‘kin. “So, ito ang dahilan kaya ka nakikipaghiwalay sa ‘kin?”

I nodded. “Nasaktan ako. A-Akala ko kasi… totoo.”

“Poppy…” Pinahid niya ang luha sa magkabilang pisngi ko. “Walang totoo rito. Pati itong conversation, hindi totoo. Hindi ako ‘to. Matagal na kaming hindi nag-uusap ni Chloe. Simula pa no’ng bago tayo ikasal pinutol ko na communication namin. Mas lalo no’ng kasal na tayo.”

Napatitig ako sa kaniya. Paano ‘yong video? Hindi rin ba ‘yon totoo? Hindi ko ‘yon ipinakita kina Kuya Hope dahil nakakahiya kaya hindi ko masabi kung pati ba ‘yon ay edited.

Kinuha ko ang phone ko kay Faith at muling kinalkal ang files ko. “Ito… paano ‘to? Edited din ba ‘to?”

“What?” Kinuha niya sa ‘kin ‘yon at tiningnan. Habang nasa screen ang mga mata niya, hindi ko naman inalis ang tingin ko sa mukha niya para malaman kung ano’ng magiging reaksyon niya.

But this time… hindi galit ang nabakas ko sa mukha niya kundi pagkataranta. Ano’ng ibig sabihin ng reaksyon niyang ‘yon?

Napalunok siya nang matapos ‘yon, sabay nag-angat ng tingin sa ‘kin. Napalunok siya. “Poppy, this…”

“H-Hindi rin ba ‘yan totoo?” kabado kong tanong habang nagluluha pa rin ang mga mata.

Marahan siyang umiling at bumuntonghininga. Akala ko ay hindi ang ibig sabihin ng pag-iling niya, pero sinundan niya ‘yon ng salitang, “I’m sorry, Poppy. This… happened a long time ago. Hindi pa tayo kasal no’n. Ito ‘yong gabing nag-overnight si Chloe sa bahay at sa kuwarto ko siya natulog. Pero walang nangyari sa ‘min bukod dito. Hindi rin ‘to matagal, Poppy. I think… just two minutes or baka wala pa. Ako mismo pumigil kay Chloe at iniwan ko siya sa kuwarto. Ito rin ‘yong gabi na pinuntahan kita sa room mo dahil ang sabi mo hindi ka makatulog. Dinalhan kita ng sleeping balm, and then, nagpunta si Chloe sa room mo kaya nagtago ako sa ilalim ng kama. Remember? Noon nangyari ‘to. N-Nangyari ‘to bago ako pumunta sa room mo. But I promise, it meant nothing to me. I didn’t want it, Poppy. Chloe was the one who initiated it.”

Nakatitig ako sa kaniya at ramdam kong nagsasabi siya ng totoo. “Hindi… hindi kayo natulog nang magkatabi?”

Mabilis siyang umiling. “Pagkagaling ko sa room mo, hindi ko na binalikan si Chloe. Nakitulog ako sa kakambal ko. Kay Love.” Bumuntonghininga siya. “I’m deeply sorry if this video caused you pain, Poppy. Hindi ko alam na may ganito. Hindi ko naisip na gagawin ‘to ni Chloe. It seems she orchestrated this to tear us apart. But I promise, she won’t get away with what she’s done. Pagbabayaran niya rin ‘to.” Kinabig niya ‘ko sa katawan niya at mahigpit na niyakap. “I’m really sorry, Poppy. I’m so sorry. I… I missed you.”

“N-Namiss din kita, Faith. Sobra.” Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya. “Sana mapatawad mo rin ako kung nagalit ako sa ‘yo agad.”

“You’re forgiven, baby,” malambing niyang sabi, sabay humalik sa ibabaw ng ulo ko. Bahagya akong napangiti dahil namiss ko ‘yong ganito na pagiging sweet niya. Hindi ko naiwasang maluha ulit, pero sa pagkakataong ‘to ay dahil na sa saya. Ang nakakatuwa pa sa kaniya, ni hindi man lang niya ako sinermonan dahil itinago ko ‘to sa kaniya nang matagal. Wala man lang panunumbat.

Ayoko pa sanang bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya, pero napilitan kaming maghiwalay nang biglang may kumatok sa pinto, medyo malakas ‘yon. Si Faith ang humakbang para pagbuksan ang tao sa labas, pero bahagya akong nakasunod sa kaniya para makita kung sino ‘yon.

Si Kuya Hope. Malapad ang pagngisi nito. Tinulak niya nang maayos ang pinto para luwangan ang pagkakabukas no’n, ‘tsaka niya pinagulong papasok ang suitcase ni Faith.

“Hayan ang gamit mo. Hindi ka welcome sa room namin. Pansamantala ka muna naming itatakwil ni Andreng para naman makabawi kayo sa isa’t-isa ni Sugarpops.” Binalingan ako ni Kuya Hope, nakangisi pa rin siya at kumaway sa ‘kin. “Hi, Popsicle. Huwag ka nang mag-alala, nagpupulong na kami ng pamilyang sakalam para ipahanap ang dapat managot. For now, just enjoy each other, okay?”

Hindi pa man ako nakakasagot ay agad na niyang hinila ang pinto pasara. Dahan-dahan akong binalingan ni Faith, nahihiya siyang napahaplos sa batok niya.

“Uh… hindi naman kailangang mag-stay ako rito.” Inabot niya ‘yong handle ng suitcase niya at inangat ang isang kamay para tumuro sa pinto. “I… I can get my own ro—”

“Ayaw mo ba rito?” Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko sa isipang makakasama ko siya ulit sa isang kuwarto at makakatabi sa pagtulog. “Uhm, ano… para… m-makapag-usap pa tayo.”

Nakita ko ang paggalaw ng adam’s apple niya dahil sa paglunok, sunod ang pagkagat niya sa labi niya to wet his lips. “Okay lang ba sa ‘yo?”

Tumango ako.

Tumango rin siya. “Sige. I’m staying.”

To be continued...

Huuuuuuy! Enebe!!! Matutuloy na ba ang naudlot na honeymoon? HAHAHAHA!

Please vote if you enjoyed this chap ;)

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon