Chapter 22 & 23

7.1K 128 12
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO: A GLIMPSE TO POPPY'S LIFE

✧FAITH ZEICAN LEE✧

"It's okay, Poppy. Hindi ka naman namin pipilitin magkuwent—"

"Mahal na mahal po ako ni daddy dati," mahinang sabi ni Poppy, dahilan ng pagtahimik ni Mommy.

Nakayuko na muli si Poppy sa mga kamay niya at 'yong daliri niya ang nilalaro niya. "Noong bata ako... s'ya palagi 'yong kasama ko. Sabay kaming kumakain palagi. Kapag may sakit ako, hindi s'ya napapakali. Kapag malungkot ako dahil nami-miss ko si mommy, gagawin n'ya lahat para lang mapasaya ako. P-Pero... simula po noong dinala ni Mommy Jody si Ate Chloe sa mansyon," napahikbi si Poppy, "—hindi na n'ya ako pinapansin. Lagi na lang s'yang galit sa 'kin. Lagi n'ya akong pinagagalitan kahit wala naman akong... g-ginagawang masama. Tapos... simula noon, h-hindi na rin n'ya ako tinatawag na anak. Laging si Ate Chloe na lang. H-Hindi na rin n'ya ako gustong makasabay sa pagkain kaya lagi akong huling kumakain kapag tapos na sila. Tapos 'yong pagkain ko... h-hindi katulad ng sa kanila. 'Yong sa kanila... palaging masasarap. 'Yong sa 'kin.. de-lata lang. N-Nagagalit po sa 'kin si daddy kapag ginagalaw ko 'yong mga pagkain sa kusina at sa fridge. At... k-kapag lumalabas po sila nila Ate Chloe at mommy, h-hindi nila ako isinasama. Iniiwan nila akong mag-isa sa bahay. Wala pa po kaming katulong noon kaya natatakot po akong mag-isa. Tapos iniiwan po nila ako na walang pagkain. Kaya dati, natatandaan ko po na... napilitan akong kainin... 'yong dog food ng aso naming si Juana noong five pa lang ako."

Dog food?

Kasabay ng paghikbi ni Mommy at Summer ay ang pag-iwas ko ng tingin kay Poppy. Sunud-sunod na pumapatak ang luha niya sa mga kamay niya at hindi ko 'yon matagalan, idagdag pa ang paghikbi niya at paggaralgal ng boses. It was like a stab in my heart, a peculiar ache I'd never felt before.

Bigla kong naalala 'yong gabi ng engagement namin ni Chloe na nakita kong nag-aalinlangan si Poppy na lumapit sa buffet. Was she neglected even when it came to food? Is that why she seemed so eager the first time we ate together, like she was starving for something delicious, as if it was her first taste of it?

"Bakit ginawa 'yon sa 'yo ng daddy mo?" naiiyak na tanong ni Mommy.

Ngunit hindi pa man nakasasagot si Poppy ay nagtanong din si Love. "Ano'ng ibig mong sabihin sa... kapag malungkot ka at nami-miss mo ang mommy mo?"

Nagpunas ng luha si Poppy at nag-angat ng tingin kay Love. "Wala na po kasi 'yong totoo kong mommy, Kuya Hope."

"No, no. Hindi ako si Hope. Mukha ba akong sintu-sinto? Ako si Kuya Love."

Nahihiyang tumango si Poppy. "Pasensya na, kasi magkakamukha kayo. Ah. Ang ibig kong sabihin, nawala po kasi si mommy—'yong totoo kong mommy—noong two pa lang daw ako dahil sa atake. Tapos kami na lang ni daddy ang naging magkasama."

"Ibig sabihin, hindi mo biological mother si Jody?" tanong ni mom.

Tumango si Poppy. "Opo. S'ya 'yong naging sumunod na asawa po ni daddy. Tapos po... ang natatandaan ko, pagkagaling po ni daddy sa ibang bansa—five years old na po ako noon—doon po sumulpot si Mommy Jody sa mansyon. Dala po n'ya si Ate Chloe at ipinakilala n'yang anak daw po nila ni daddy. Noong nakilala n'ya po si Ate Chloe, doon na po nagsimula 'yong pagbabago n'ya sa 'kin. Parang hindi na po anak ang turing n'ya sa 'kin. Si Ate Chloe na po ang naging paborito n'ya. Si Ate Chloe lang din po ang pinag-aral n'ya."

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon