Chapter 89. The Proposal

8K 201 24
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

"BASED on my source, sugar lolo ni Chloe ang nagpalaya sa kaniya at ginamit lang ang pangalan mo para saktan si Sugarpop," ani Hope. Kaharap ko sila ni Love, habang nakaupo ako sa paanan ng kama ko.

Sumaglit ako ngayon dito sa bahay namin, kasama ko si Poppy para kuhanin ang iba ko pang gamit. Pero si Poppy ay nasa baba, kasama si Mom dahil wala si Summer ngayon, may lakad kasama ang mga kaibigan niya. At tiyempo ang pagdating namin dahil may balita na raw sila kung sino ang nag-send ng email kay Poppy.

"Sino'ng source mo?" tanong ko sa kaniya, naninigurado.

Natawa siya. "Si Detective Conan." Ngunit agad din siyang sumeryoso nang samaan ko siya ng tingin. "'De joke lang. 'Yong detective na pinahawak nila Mommyla sa kaso, of course! Hindi pa ba binanggit sa 'yo ni Mommyla?"

"Hindi pa."

"Hina mo talaga. Lagi kitang nauunahan sa balita." He laughed.

Wala pang nabanggit sa 'kin si Mommyla, pero ang daddy ni Poppy ay mayro'n na. Hindi nga lang tungkol sa sugar lolo nito, kundi tungkol sa location ni Chloe. Sinabi ni Mr. Herald kagabi nang tumawag ito sa 'kin na natunton na raw ang kinaroroonang hotel ni Chloe at hinihintay na lang ang warrant of arrest bago nila ito sugurin doon para ibalik sa kulungan.

Alam na rin ni Poppy ang tungkol doon. Pero sa halip na maging masaya na mahuhuli na ulit si Chloe, nalungkot pa siya. Hindi niya raw gusto na umabot pa sa gano'n ang sitwasyon, dahil kahit papa'no ay may nagawa naman itong ilang mabubuting bagay noon sa kaniya. Pero para sa ikapapanatag namin, ipinaliwanag ko sa kaniya na kailangan talagang mangyari na makulong si Chloe, dahil kung hindi, siguradong gagawa pa ulit ito ng kalokohan.

"But Hope, do you know the latest news?" tanong ni Love sa kaniya.

I saw Hope frown, clearly puzzled. Whatever Love knew, it was bound to be something big. Hope shook his head, looking lost. "Ano'ng balita?" taka nitong tanong.

Love's grin grew, like he was holding back a secret, and I couldn't help but be curious. "Mommyla already set the meeting with your fiancée. Ikaw na ang susunod na magmamartsa sa altar."

Hope's eyes widened, clearly caught off guard. "Kailan daw? G*go. Totoo ba? Huwag mo nga akong ine-eme, Andreng!" Natatawa siya, pero halatang may kaunting kaba.

"Looks like you're the one behind on the news now, Hopia," pang-aasar ko rin dito. Alam ko na rin kasi ang tungkol do'n, nabanggit na sa 'kin ni Tita Baby. Hindi ko lang binanggit kay Hope dahil akala ko ay alam na niya.

"Next month," sagot ni Love, kasabay nang mabilis na paghakbang ni Hopia patungo sa pinto.

"Where are you going?" maagap na tanong ni Love.

He pauses at the door, a grin spreading across his face as he glances back at us. Kung kanina'y medyo gulat siya, ngayon ay parang excited ang loko. "Gonna go shave my head without a brain down south, bro. Mukhang malapit na 'kong mapalaban. Gotta look sharp for that meeting with my soon-to-fiancée! Rawr!"

He bursts out laughing as he walks out, leaving me and Love Andrei shaking our heads and laughing too. Pero saglit lang ang naging pagtawa ko dahil may bigla akong naalala sa sinabi ni Love tungkol sa pagmamartsa sa altar. Hindi namin 'yon naranasan ni Poppy dahil attorney ang nagkasal sa amin.

What if...

Love Andrei's laugh drew my attention, and when I turned to him, he had that trademark grin. Mas madaldal si Hope sa kaniya, pero kapag ngumisi na siya nang gano'n, it's a signal that he was about to drop something big.

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon