꧁ POPPY ꧂
Philippines,
Lucio Herald's Birthday Party.
UMUWI kami sa bansa nang hindi ako nagsasabi kay Faith dahil sa matinding sama ng loob ko sa kaniya. Hindi na rin kami nag-usap mula nang matanggap ko ang email. May mga pagkakataong tumatawag siya sa 'kin at nangungumusta, pero hindi ko siya ine-entertain at palagi kong dinadahilan na busy ako.
At aaminin ko, sa isang buong buwan na dumistansya ako sa kaniya bago kami bumalik sa bansa, sobrang lungkot ng naging buhay ko. Sobra ko siyang namimiss at hinahanap-hanap lagi, pero hindi ko alam kung paano siya haharapin dahil masakit pa rin kaya tiniis ko.
Pero ngayong gabi sa birthday party ni Daddy ay alam kong muli ko na siyang makakaharap. Ang masakit pa, sa kabila ng sakit na dinulot niya sa 'kin ay itong araw na 'to ang hinihintay ko. Gusto ko na siyang makita. Gusto ko nang marinig ang boses niya. Sana lang kayanin ko kapag narito na siya.
Lumipas pa ang oras, sa bawat pagsulyap ko sa screen ng phone ko para tingnan kung ilang minuto ang tumatakbo, kasabay nito ang pamamawis ng mga palad ko. Alam kong papunta na rito si Faith ngayon dahil nag-text sa 'kin si Ate Summer, sinabi niyang maagang umalis si Faith sa kanila, gayong dapat ay sabay-sabay sila mamaya.
Pero habang wala pa siya, inabala ko muna ang sarili ko na harapin ang mga bisita ni Daddy. Sa totoo lang, hindi pa rin gano'n kataas ang confidence ko sa sarili at nahihiya pa akong makipag-interact sa mga tao—lalo na at alam kong mga kilala sa business industry. Buhay pa rin sa akin ang mga insecurities ko at takot akong mapahiya kapag may nasabi akong mali.
Hindi pa kasi ako gano'n katatas pagdating sa English. Oo, medyo nakakaintindi na ako dahil halos puro English ang naririnig kong lenggwahe sa Australia. Bukod sa pag-aaral ko roon ay kinuhanan pa ako ni Daddy ng private tutor na nagtuturo sa 'kin, kaya kahit papaano ay nakatulong 'yon para makapag-construct na rin ako ng English, pero mga simpleng salita lang at hindi pa gano'n kalalim. At kapag hindi ako sigurado sa kino-construct kong sentence ay ita-TagLish ko na lamang.
"Hi, Poppy. It's good to finally meet you. How are you?" malapad ang ngiting bati sa 'kin ni Mrs. Reyes, isa sa mga business partners ni Dad. Kasama nito ang asawa niyang si Mr. Reyes.
"I'm good. Thank you, Mrs. Reyes. Your dress looks wonderful on you," kalmado kong sabi kahit na ninenerbyos ako. Malapad ang ngiti ko sa kaniya dahil isa ito sa turo sa 'kin ng best friend kong si Nathan. Siya ang nagturo sa 'kin kung gaano kahalaga ang self-confidence. Dahil kapag mayroon daw ako no'n, magiging mataas ang tingin sa akin ng ibang tao at maiiwasan na hamakin ako.
Ang totoo, siya rin ang nag-ayos sa akin ngayong gabi at siya ang namili ng dress ko. Simpleng sundress lang kasi dapat ang isusuot ko kanina, pero nang pumunta siya rito nang maaga—mga bandang alas quatro ng hapon at nakita niya 'yon—pinagkrus niya ang mga braso niya sa harap ko. Ekis daw 'yon para sa kaniya dahil party ang ganap ngayon at hindi pagsisimba. Kaya siya pa ang naabala para lumabas at bilhan ako ng isusuot. Pagbalik niya, may dala na rin siyang mga gamit na pang-ayos sa mukha since hindi ko alam kung paano mag-apply ng make-up.
Siya kasi'y alam niya ang gano'ng bagay dahil 'yon ang trabaho niya. He's a professional makeup artist at nagkakilala kami sa Australia dahil doon naman talaga siya nagtatrabaho. Nagkataon na nakabakasyon siya ngayon sa bansa—two weeks na—kaya habang narito siya ay inimbita ko siya sa birthday ni Daddy.
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Romance•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...