Chapter 81. Poppy's POV (Last Part Up To Present)

5.7K 158 31
                                    

꧁ POPPY ꧂

NARITO muli ako kina Mommy Keycee kahit na alam kong wala rito si Faith. Nabalitaan kong isang linggo na siyang doon naglalagi sa Villasis Park, and again, nag-o-overthink na naman ako. Paano kung kasama niya ro’n si Ate Chloe?

Mukhang nakahalata na rin ang pamilya ni Faith sa sitwasyon namin dahil pansin kong naging malungkot sila nitong nagdaang linggo, mas lalo na si Mommy Keycee. Ganunpaman, hindi nila binubuksan ang usapang ‘yon kahit pa nasa kanila ako, at ‘yon ang ipinagtataka ko. Napapaisip tuloy ako kung ano ang sinabi ni Faith sa kanila at parang wala silang planong komprontahin ako.

Pero kahit ano pa man ‘yon, ramdam kong hindi naapektuhan ang relasyon ko sa kanila dahil welcome na welcome pa rin ako rito. Ang totoo nga ay nag-set pa kami ng outing at bukas na ‘yon. Sana lang ay sumama si Faith para maituloy na namin ang pag-uusap.

Oo. Kahit ganito ang sitwasyon namin, isinama ko pa rin siya sa bilang noong pinag-book ko si Ate Summer sa hotel dahil mag-b-beach kami. Hindi ko kasi alam mag-book kaya sa kaniya na ako nakisuyo, pero ako ang sasagot sa lahat ng expenses dahil dati naman ay ginagawa rin nila ito sa ‘kin. Ngayon ay ako naman ang babawi sa kanila.

Habang nasa living room ako at nakikipagkuwentuhan kay Mommy Keycee, nilapitan kami ni Ate Ems. “May naghahanap sa ‘yo, Keycee,” ani nito, kay Mommy Keycee nakatingin.

“Sino ho?”

“Colleen. Secretary raw siya ni Faith.”

Biglang bilis ng pintig ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Secretary? Bakit? Ano’ng ginagawa niya rito?

“Sige. Papasukin n’yo po.”

Ilang sandali pa, nakita naming kasunod na ni Ate Ems ang secretary ni Faith. Kahit papa’no ay namukhaan ko siya dahil na-meet ko na rin naman siya noon.

Pinaupo siya ni Mommy Keycee sa tapat namin, habang nanatili naman ako sa tabi ni Mommy Keycee. Pero hindi pa man niya naibubuka ang bibig nang dumating din si Kuya Hope at Kuya Love. Sa sala rin sila dumiretso para bumati sa ina nila.

“Napadalaw ka, Colleen?” panimula ni Mommy Keycee noong humakbang na palayo ang dalawang kakambal ni Faith.

“Si Sir Faith po kasi…”

“Hoy, Hopia. Saan ka pupunta?” sigaw ni Kuya Love. Nang lumingon kami sa direksyon nila na malapit na sa hagdan, nakita naming pabalik si Kuya Hope sa sala.

“Dito kina Mom. Nanghihina atay ko, kailangan ko ng tsismis. Sakto narinig ko pangalan ni Faithfully, mukhang may baon ‘tong si Colleen,” natatawa niyang sabi, palapit na sa amin. Wala na rin nagawa si Kuya Love kundi ang bumalik. Nagtabi sila ni Kuya Hope at bumaling kay Colleen, naghihintay sa sasabihin nito.

“Bakit? Ano’ng problema kay Faith?” may pag-aalalang tanong ni Mommy Keycee.

Bumuntonghininga si Colleen. “Nag-aalala na po ako sa anak n’yo. Hindi po kasi siya kumakain. Sa tuwing dadalhan ko siya ng lunch sa office niya, hindi niya ginagalaw. Lumalamig lang hanggang sa itapon niya. Kape ang palagi niyang hinihingi. Nanibago ako dahil twice a day lang naman siya manghingi ng coffee sa ‘kin kapag nasa office; isa pagdating niya sa umaga at kapag malapit na siyang mag-out. Pero nitong nagdaang araw po, napapadalas. Hindi siya kumakain at halos kape lang ang kinakarga niya sa tiyan niya. Minsan lima, hanggang pitong beses siyang manghingi ng coffee sa maghapon.”

Natahimik kaming lahat. Pinaghawak ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng hita ko, pinisil-pisil ko ‘yon dahil ramdam kong tense ako habang nakatingin at nakikinig kay Colleen.

“Tapos… uh, sa pagkakakilala ko po kay Sir Faith bilang matagal na rin akong secretary niya, ang alam ko po hindi siya mahilig uminom. Pero nitong mga nakakaraang araw po, pansin kong amoy alak siya madalas. Tapos... noong minsan pong naglinis ako sa office niya, may nakita akong bote ng whiskey sa ilalim ng table. Minsan pa po, sa office na siya natutulog kapag lasing at aabutan ko siya roon pagpasok ko sa umaga na tulog pa rin. Kaya naisipan ko na pong pumunta rito para magsabi sa inyo, kasi medyo nakakabahala po ang kinikilos ni Sir Faith. Baka po mapa’no na siya sa mga ginagawa niya.”

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon