Chapter 62. Sumbongerong Hopia

6.8K 172 15
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

INUWI na namin si Poppy sa bahay matapos sabihin sa amin ng doktor na okay na siya. Maliban sa mga latay niya sa balat na nalaman naming kagagawan nga ng impostor na Lucio, wala na siyang ibang natamong sugat. Thanks, God.

Pero sinabihan kami ng doktor na asahan naming magpapasa ang mga latay na 'yon ni Poppy kaya nagbilin ito sa amin na i-ice therapy ang mga parteng 'yon at pahiran ng aloe vera.

Ang totoong Mr. Herald naman ay hindi muna sumama sa amin kahit gustuhin niya, dahil marami raw siyang kailangan asikasuhin ngayon. Isa na ro'n ang kaso ng mga Samonte at ang mga sigalot sa kompanya dahil nalaman na rin ng lahat ang tungkol sa impostor na Lucio. Uuwi rin daw siya sa mansyon para iayos ang sitwasyon doon bago niya pabalikin doon si Poppy.

Nangako na lamang siya kay Poppy na papasyal siya sa bahay sa tuwing may bakanteng oras siya para magkaroon sila ng quality time at para rin daw makakuwentuhan sina mommy at daddy, maging ako, dahil gusto niya raw kaming makilala nang mas maayos bilang in-laws ni Poppy.

"Poppy, I'm so sorry..." Umiiyak na yumakap si Summer kay Poppy pag-uwi namin sa bahay. Halos kapapasok pa lang namin sa pinto. "Hindi na lang sana kita iniwan sa restroom."

Yumakap pabalik sa kaniya si Poppy. "Okay lang, Ate Summer. Ligtas naman na 'ko."

"Ikaw yata ang nabaril sa puwet no'ng past life mo, bunso," biro ni Hope nang magbitaw ang dalawa. "Nawawala kasi si Sugarpops tuwing kayo ang magkasama. Sa susunod nga huwag na kayong lalabas."

Nagpunas si Summer ng luha at taas-noong binalingan si Hope. "Huwag lalabas? Ngayon pa bang wala na'ng mga dipunggol ang hahadlang kay Poppy? Nakakulong na 'yong peke niyang pamilya kaya malaya na siya at puwede nang magwalwal. But don't worry. Next time, sukdulang itali ko siya sa baywang ko para lang hindi siya mahiwalay sa 'kin!"

"Walwal?" Tinaasan siya ng kilay ni Mommy. "Naku, Summer, ha? Hindi ko itinuro sa 'yo ang salitang walwal kaya huwag mo rin ituro kay Poppy. Sige na. Magsiakyat na kayo sa taas para makapagpahinga na, tutal naman nakakain na tayo sa labas. Masyadong nakakahapo ang maghapong 'to."

Mom was right. Alam kong hindi lang ako ang nakaramdam ng hapo, pati na rin sila. Dahil simula pa kaninang umaga na nawala si Poppy ay halos wala na kaming pahinga.

Naunang umakyat si Summer sa taas, sunod si Love. No'ng medyo nakalayo na ang dalawa, 'tsaka humakbang si Hope. No'ng medyo nakalayo na si Hope, binalingan ko naman si Mommy at Daddy, 'tsaka ko inabot ang isang kamay ni Poppy. I intertwined our fingers.

"Mom, Dad, can Poppy sleep in my room?" maayos kong paalam sa kanila, dahilan nang pagkatulala ni mommy.

"Oh, my goodness!" Napalingon kami kay Hope na ngayon ay pabalik sa direksyon namin, malapad ang ngiti ng loko, tila nanunukso.

Iba talaga ang pandinig ng mga tsismoso. Malapit na siya sa hagdan kanina, bakit narinig niya pa 'ko? Samantalang sinadya ko pang hinaan ang boses ko.

"I'm so proud of you, Faithfully." Tinapik niya ang braso ko dahil nasa tabi ko na siya. "Alam mo kung hindi mo 'yan sinabi, ako na sana ang magpapaalam sa 'yo kila mom at dad, eh. Masyado na 'kong nahahabag sa 'yo sa pagpuslit-puslit mo sa hatinggabi at sa umaga." Natatawa niyang binalingan ang magulang namin na bakas ang pagkagulat sa mukha—lalo na si mommy—dahil sa mga sinabi niya. "Mom, Dad, yes, you heard it right. This sneaky child of yours creeps into Sugarpops' room at night like a ninja and then tiptoes back to his own room at the crack of dawn. So, if I were you, I'd just let them share a room and save him the trouble of his nightly ninja escapades!"

"Faith, son? Is that true?" salubong ang kilay na tanong ni Dad sa 'kin, may pag-aalala sa mukha niya, gano'n din kay Mommy.

I sighed. Pero hindi muna 'ko sumagot. Imbes, binalingan ko si Hope para palayasin siya. Natatawa siyang lumayo at umakyat sa taas. Noong kami na lang nila Mommy, Daddy at Poppy ang naiwan, 'tsaka ko sinagot si Dad.

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon