PROLOGUE

126 4 3
                                    

“De quel genre de travail s'agit-il ? donc nul ! tellement moche!" Ibinalibag sa mukha ko yung mga design na gawa ko, na ilang buwan kong pinag paguran

Hindi matatapos ang isang araw na hindi ako napapagalitan o pinapahiya ng boss ko. Gustuhin ko mang mag resign kaso hindi pwede, ayokong umuwi ng pinas na hindi ko parin naaabot ang pangarap ko.

Maswerte pa nga ako dahil nakuha ako sa kompanyang toh.

“Hays, nakaka pagod” umupo ako sa may couch at hinubad ang suot kong sapatos, dito parin ako sa Apartment namin ni Ann tumutuloy. Wala naman akong ibang matutuluyan dito sa France.

“Mae-mae nag papahinga ka pa ba?” Napalingon ako sa likod ko ng may marinig akong pamilyar na boses

Ako lang naman ang mag isa dito sa bahay

Wala naman akong kasama…

“Marie, Aerish? Anong ginagawa nyo dito?” Tanong ko sakanila

Nakita ko si Aerish na payapang kumakain ng niluto kong pakbet kanina, bago ako umalis ng bahay

“May pag uusapan tayo” lumapit sakin si Marie

“Ano na naman ba ang pag uusapan natin? May mga pending design pa kong kailangan tapusin” usisa ko kay Marie

“About Ann and her son’s” sabi ni Aerish

“May anak si Ann?” Humarurot kong sigaw

Nakita kong marahan na tumango si Aerish na naka ngisi

“Pero ano ang kinalaman ko sa mga anak nya?” Sabi ko

Naka moved on na pala sya….
Sana all naka usad na, ako kase nahihirapan pa kong umusad sakanya.

“Mag pahinga ka muna, mamaya nalang tayo mag usap” sabi ni Marie at tumalikod sakin

“Marie, sabihin mo na” tumayo ako at sinundan si Marie

Bakit naman ako na cu-curious? Wala naman akong pake kung may anak na si Ann. De joke lang masakit kaya.

“Diba nag IVF kayo ni Ann?” Sambit ni Aerish

Dahan dahan naman akong tumango

“Pero hindi nag success yon” sabi ko

“Well nag success ang IVF nyo, pag ka uwi nya ng Pinas” saad ni Marie

Ano?

Hindi ko get’s

“She have a Three son's, halos lahat sila ay kamukhang kamukha mo” mahinhin na sabi ni Marie

“Weh di nga?” Tumingin ako kay Marie, naguguluhan pa din ako. Baka mamaya ay trippings lang ako ng dalawang toh

“Aba ayaw pang maniwala!” Binatukan ako ng mahina ni Aerish “4 years naman na ang nakalipas kaya nag decide ang tropa na sabihin sayo ang totoo. Ayaw na din naming nakikitang nahihirapan si Ann sa pag papalaki sa mga anak nyo. Lalo na ngayon, si Jhohann ang panganay nyo may malubhang sakit.” Pagsasalaysay ni Aerish

“Tangina, totoo ba?” hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala

“Oo nga! Napaka kulit ng batang toh!” Naiinis na sabi ni Marie

Shutangina, may anak ako! May anak kami ni Ann!

Pero bakit hindi nya sinabi sakin?

Bakit nya inilihim yon?
Mas lalo kong sinipagan sa pag ta-trabaho para sa mga anak ko at tsaka kay Ann. Gusto ko maging proud sakin ang Dutch Mill ko, at ang mga anak namin.

[Hindi mo pa din sila nakikita?] Tanong sakin ni Madeline habang katawagan ko sya

“Mag iisang linggo na ko dito sa La Union, hindi parin talaga” sabi ko

Saan ba nakatira ang mag i-ina ko?

Gustong gusto ko na silang makita

“Mag cookies ka muna, Ms. Janna” inilapag ni Mayor ang isang pinggan na puno ng cookies

“Thank you po” ngumiti ako sakanya at tinikman ko na ang cookies na bigay ni Mayor

Unang kagat palang ay nalasan ko na agad ang lasa ng luto ni Ann noon. Gantong cookies ang kinakain namin tuwing monthsarry o anniversary namin noon… Nang dahil din sa Cookies at Dutch Mill kung kung bakit kami naging mag kaibigan.

Omg! Andito si Ann! Andito ang Dutch Mill ko!

Kailangang malaman toh nila Madeline!

To: Madeline
Hey girl

From: Madeline
Ka aga-aga ha!

To: Madeline
Andito si Ann, sa isang event omg!

From: Madeline
Ay weh, edi chance mo na yan para maka usap mo sya

To: Madeline
Hindi ako mapakali, shet

From: Madeline
Mae-mae kalma, si Ann lang yan

From: Madeline
Balitaan mo nalang ako latur, mag be-bebe time lang kami ni Hans my baby

To: Madeline
Corny mo, gago! HAHAHAHA

From: Madeline
Excuse me, at least ako hindi tinaguan ng anak😝

To: Madeline
Excuse me too🤨?

To: Madeline
Pareho lang tayong tinaguan ng anak, gago

Hindi na ko mapakali dito sa may office ng Mayor, kaya lumabas ako para sana tignan kung nasan si Ann

Grabe ang mukha nya kanina, mahahalata mo na pagod na pagod na sya.

“Hello po!” Isang batang lalaki ang lumapit sakin na may ngiti sa mga labi

“Oh hello, baby boy” kumaway ako sakanya

“I like you hair, and your outfit today” nakangiting sabi nya at tinuro ang buhok ko pati na rin ang suot kong damit ngayon

“Oh, thank you” ngumiti ako sakanya

Habang tinitignan ko ang batang nasa harapan ko ay nakikita ko ang boy version ko sakanya, pero mahahalata rin na parang beki sya dahil sa pananalita nya.

Nabuhayan ang puso ko ng lapitan kami ni Ann, isa sya sa mga anak ko..

Gusto kong lapitan at yakapin ang mga anak ko, pero andon si Ann. Hindi nya alam na alam ko na may anak kami.

Tapos itatanggi nya pa sakin? Bakit ganon? Bakit nya tinatanggi na anak ko rin ang mga anak nya? Dahil ba sa sinabi ko na kukunin ko sila?

Gusto ko silang alagaan para mabigyan ko sila ng magandang buhay.

[Sign na daw yan para umusad ka sakanya] humalkahak sa pag tawa si Aerish

Tapos na ang event at nasa dressing room na ko ngayon, katawagan ko si Aerish

“Na bangga ako, baks” biro ko sakanya

Anong uusad? Walang uusad sa pamilyang toh! Sama sama tayong mag dusa!

[Bakit kasi si Ann pa? I mean bakit sya at sya parin ang hinahanap hanap mo? Bakit ayaw mong kumilala ng bago?]

“Aerish greatest love ko'yon e kahit sinong tao ang mag mahal sakin, wala pa ding makakatumbas sa pag mamahal na ginawa nya sakin. Naabot nya yung standard kong kung hindi sya wag nalang, yung tipong gusto ko kasama ko sya sa pag abot ng lahat ng mga pangarap ko.” Sabi ko sakanya

[Eh ngayong naabot muna ang mga pangarap mo? Asan sya? Diba wala]

“Basta sii Ann lang ang tanging iibigin ko habang buhay. Sobra ko siyang mahal, kaya ganoon kalaki ang naging impluwensya niya sa buhay ko.” Nakangiting sabi ko

[Paano kung sya pala ay may iba na? Paano ka?]

“Oh edi aagawin ko” pag mamayabang ko

[Bonak!] Narinig ko ang pag tawa ni Aerish

I promised to my self na si Ann lang ang iibigin ko, kahit na may mahal na syang iba mamahalin ko pa din sya. Ganon naman ang tunay na pag ibig hindi ba? Kahit na napaka sakit na, kahit napaka gulo na, kahit hindi na sya worth it mamahalin mo pa din sya at hindi susukuan.

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now