CHAPTER 49 (UNFAIR)

6 1 0
                                    

"Jrose is right" sabi ni Aerish

"Pag nanganak ka na, sasabihin ko kay Mae-mae ang tungkol dito" seryosong sabi ni Jrose

Hindi na ko umimik at alam kong mag kakagulo lang kami, hindi umuwi ang mga kaibigan ko at sinamahan lang ako dito sa Condo.

"Huy buntis, ako na dyan!" Inagaw ni Aerish ang hawak kong walis at dustpan

"Ang Oa naman, di pa naman malaki ang tyan ko" sabi ko kay Aerish

"Kahit na, masama sa mga buntis ang matagtag" sabi ni Aerish at tinuloy na nga yung pag wawalis ko

Pumunta ako sa kusina para sana mag handa na ng breakfast pero naabutan ko don si Louise at tsaka si Liyan.

"Tita buntit, upo ka po muna dito." Nagulat ako kay Haraiah nang bigyan nya ko ng upuan

"Wow, salamat" ngumiti ako kay Haraiah, humagikgik lang sya sakin at nilapitan sila Louise 

Alagang alaga ako ng mga kaibigan ko ngayong araw, dahil si Louise ay pinag luto ako ng pork steak at ng pinakbet.

Habang kumakain naman ako ay inihatid muna ni Madeline at ni Marie ang mga bata

"Mag papa check up tayo after mo dyan" sabi ni Aerish habang may hawak hawak na isang tasa ng kape

"May balita na ba kay Mae-mae?" tanong ko sakanila

"Parang nag iba na ng number, hindi na nag re-reply sa mga text namin" sabi ni Jrose kaya naman ay nalungkot ako

"Totoo, nag aalala na din sila tito at tita sakanya" sabi ni Louise

Hayss kamusta na kaya sya?

Okay lang ba sya?

May trabaho na kaya sya?

"Huwag mo munang isipin yun, si Marie na ang bahala para tignan sya" mahinahon na sabi ni Aerish

"Tama, masamang ma stress ang buntit" ngumiti sakin si Jrose

After naming kumain ng breakfast ay nag ayos na ko para maka alis na kami agad

"Bakit lahat ata tayo pupuntang ospital?" tanong ko sakanila pag ka sakay ko sa sasakyan

"Ganon talaga kaya huwag ka ng umangal pa" sabi ni Marie at tumingin sakin

Tumahimik alang ako at hindi na ko nag salita dahil masyadong masama ang pakiramdam ko

Nakatulog ako habang papunta kami sa ospital, kaya pag gising ko ay nasa ospital na pala kami

"Oh alalayan ang buntit" malakas na sabi ni Madeline, habang pababa ako ng sasakyan. Inalalayan naman ako ni Jrose

"Ang ingay mo!" irita kong sabi kay Madeline at nag peace sign naman sya sakin

Pumasok na din kami sa ospital, mabuti nalang talaga ay walang pila at nakapasok agad kami

"Congrats, Ms. Romero you are three weeks pregnant" sabi ng doctora sakin habang tinitignan ang loob ng tiyan ko sa monitoring nya.

Shockss buntis nga talaga ako...

Omg I'm happy!!

"But you need to be careful, dahil hindi pa masyadong makapit ang bata na nasa sinapupunan mo" dagdag pa ng doctora

After kong I-ultrasound ay pumunta ako sa mga kaibigan ko at pinag aagawan nila yung picture ng tiyan ko.

Binigyan din ako ng Doctora ng mga gamot na kailangan kong inumin para maging healthy ang anak ko.

"Our bunso is comingg" kinikilig na sabi ni Madeline

"Oh, Ann. Bawal kang ma stress, at mapagod okay?" pag papa alala sakin ni Jrose

"Oo" tumango ako

Si Aerish nalang ang kasamahan kong umuwi ng condo, dahil may mya gagawin sila at may pupuntahan din yung iba.

"Ano ang gusto mong kainin?" tanong sakin ni Aerish, habang nag ti-tingin ng pwedeng malutosa ref

"Gusto ko ng chopsuey" tumingin ako kay Aerish

Tumango lang si Aerish sakin at sinara na yung ref. Pumasok muna ko sa kwarto  habang hinihintay ko ang niluluto ni Aerish.

"Mommy bakit po?" bumangon ako at sinagot ko ang tawag ni Mommy

[Mag bo-book ako ng flight mo, bumalik ka sa france. Sayang ang oppurtunity] sabi ni Mommy

Paano ko sasabihin kay Mommy na buntis ako?

"Mommy, hindi na po pwede" sabi ko

[Anong hindi pwede ha? Ano na naman ba ang dahilan mo?] napapikit akong sigawan na naman ako ni Mommy sa tawag

"Buntis po ako" deretsang sabi ko at hinawakan ko ang tyan ko

[Ano? Kanino ka na naman nag pa buntis? Jusko naman Ann!] sunod sunod na sabi ni Mommy sakin

"Anak po namin toh ni Mae-mae..." humina ang boses ko

[Ano? tangina naman Ann, paano? Paanong may nabuo?] ramdam ko sa boses ni Mommy na hindi sya makapaniwala

"IVF po..."

[Ipamigay mo yan! Ayokong makikita na inaalagaan mo yang pinag bu-buntis mo!] galit na galit na sabi ni Mommy

"Mommy, anak ko po toh. Ayoko po.." bakit ba ganon si Mommy? Apo nya naman tong dinadala ko...

[Pero yung nauna mong anak, nakayanan mong ipamigay! You're so unfair!] matigas na sabi ni Mommy

Natahimik ako nang sabihin ni Mommy yon...

Ang Unfair ko nga...

"Hey, lunch is ready na" napatingin ako sa may pinto at nakita kong sumilip si Aerish

"Okay" ngumiti ako ng tipid sakanya, at ibinaba ko na ang tawag

Lumabas na ko ng kwarto ko, at nakita kong nandito pala ang mga bata.

"Ano ang plano mo? Narinig ko ang pag uusap nyo ng Mommy mo" sabi ni Aerish kaya naman ay napatingin ako sakanya

"Hindi ko, ipapamigay ang anak ko. Tulad ng ginawa ko noon" sabi ko

"Mabuti kung ganon, dahil magagalit si Mae-mae pag nalaman nyang ipapamigay mo ang anak nyo" sabi ni Aerish at kumain na

Nalulungkot lang ako sa naging reaksyon ni Mommy, hindi talaga sya suportado sa relasyon namin ni Mae-mae.

Hayss, sana pag nakilala ko ang tatay ko. Suportado nya ko sa lahat...

"Hindi naman ganto yung lasa ng gawa na Cookies ni Mae-mae" ibinaba ko ang kinagatan kong cookies na gawa ni Marie at Louise

"Ubos na ang baking soda beh" rinig kong reklamo ni Louise

"Paano pinag buhusan mo, panong hindi mauubos" nakita kong inambahan ng suntok ni Marie si Louise

"Gusto ko talaga ng Cookies, yung gawa ni Mae-mae" lumungkot ang mukha ko

Grabe talaga ang mga cravings ko nitong buwan. Halos lahat ng cravings ko ay gusto ko luto ni Mae-mae. Lalo na sa Cookies, kaso hindi ma perfect ng mga kaibigan ko.

Naging maselan din ang pag bubuntis ko, madalas akong sumuka sa umaga pag gising ko. Madalas ding sumasakit ang ulo ko. Hindi rin ako makatulog sa gabi.

"Mommy, bakit po kayo umuwi?" tanong ko kay Mommy nang makita ko sya dito sa condo ko

"Nahihiya na ko sa mga kaibigan mo, at sila ang nag aalaga sayo. Kaya ako umuwi, para alagaan ka" ngumiti sakin si Mommy

"Salamat, Mommy" lumapit ako kay Mommy at niyakap sya

"Dadalhin kita sa probinsya, para doon mo ipag patuloy ang pag bu-buntis mo" sabi ni Mommy

Pumayag naman ako, at pina alam ko sa mga kaibigan ko ang pag punta ko sa probinsya.

"Gusto pa naman naming makita kang manganak, at makita din namin syempre ang anak nyo ni Mae-mae" sabi ni Jrose

"Well wala naman tayong magagawa dahil Mommy yon ni Ann" sabi din ni Marie

Follow me on IG: sulatni_sunny

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now