CHAPTER 33 (GOOD BYE)

8 1 0
                                    

Pinipilit kong ngumiti sakanya dahil ang sabi nya ay ang mga ngiti ko lang ang medisina nya sa nakakapagod na mundo...

Pero parang hindi naman yata?

"Kaya ko ang sarili ko, hindi kita kailangan" seryosong sabi ni Mae-mae at tuluyan na nga nyang isinara ang pinto ng Condo nya

Malungkot akong umalis ng Condo nya at umuwi na sa may Mansion

"So wala na kayo?" Tanong sakin ni Nadine

"Hindi ko alam" kabit balikat ko "Di naman sya pumayag" dagdag ko

"Hay nako, Mae-mae is really changed a lot" lumungkot din ang boses ni Nadine

"Totoo" pag sang ayon ko

Lumipas ang dalawang linggo na hindi kami nag kikita ni Mae-mae, kahit sa text or chats ay hindi kami nag uusap

"Hindi ko alam kung may kami pa ba o wala na?" Tumingin ako kay Aerish habang inaayos ko yung mga ipapasa ko

"Hindi pa ba kayo nag uusap?" Tanong sakin ni Madeline

Andito kami ngayon sa dating shop nila Aerish para tumambay, madami din kaming memories dito...

"Hindi pa" umiling ako

"Feel ko, Ann. May something na sakanila ni RM" sabi ni Aerish

"Ay weh?" Sabi ko

"Oo, di mo ba nakita yung current issue nila?" Tumingin sakin si Aerish

Umiling naman ako

Kinuha ni Aerish ang selpon nya para sana ipakita saakin ang issue nila Mae-mae at ni Riley pero may isang article ang lumabas sa twitter feed ni Aerish

Celebrity Talks
Janna Mae Yves De Jesus are pregnant? Who's the father?

"Tangina buntis si Mae-mae?" Lumakas ang boses ni Madeline

Napatakip ako sa bibig ko nang mabasa ko ang article na yon....

"A-Aerish, Madeline" humagulgol ako sa pag iyak, naramdaman ko naman ang pag kaka yakap saakin ni Aerish

"Tawagan mo nga si Mae-mae" utos ni Aerish kay Madeline

"To-totoo ba yon?" Tanong ko kay Aerish

"Maybe, may picture. Ann...." Sabi ni Aerish habang hinahagod ang likod ko

"Bakit..... Bakit?..." Mas nilakasan ko pa ang pag iyak ko "Bakit hinahayaan nalang ako ni Mae-mae na masaktan ngayon?..."

Tangina...

Ang sakit sakit sa damdamin.....

"Dutch Mill ko!" Humiwalay ako sa pag kakayakap kay Aerish at nakita ko si Mae-mae

Nakita ko namang umalis muna si Aerish at si Madeline, siguro para mag karoon kami ng Privacy ni Mae-mae

"I'm sorry, Let me Explain first" niyakap ako ni Mae-mae

"Ano pa ang ipapaliwanag mo?" Tanong ko sakanya

"I'm not pregnant okay? Fake news lang lahat ng yon.." sabi nya

"Kase part lang yon ng pag panggap nyo ganon ba?"

"No, hindi rin" umiling sya sakin

"Eh ano?" Tumaas ang tono ng boses ko

"Si Darlene ang buntis, sumama lang ako para pag takpan namin ni Riley si Darlene. Ayaw ni Riley na malaman ng publiko na mag kaka anak ma sila" pag papaliwanag ni Mae-mae

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now