"Uy, Ann bakit di mo ko hinintay?" Sabay nguso ni Mae-mae at umupo sa tabi ni ReignSinadya ko talagang pumasok ng maaga dahil ayoko syang makasabay, dahil hanggang ngayon ay gulong gulo ako sa nararamdaman ko kay Mae-mae.
"Maaga akong pumasok dahil may meeting kami sa Math Club" ngumiti ako kay Mae-mae
"Nag dala pala ako ng cookies" nakita kong inilapag ni Mae-mae yung lunch box sa harap ko
"Uy, sakto di pa ko nag bre-break fast" sabi ni Madeline at kinuha yung lunch box
"Hoy! Para kay Ann lang yan" hinampas ni Mae-mae si Madeline at inagaw yung lunch box
"Kakain ko lang, ibigay mo nalang kay Made" tumingin ako kay Mae-mae pero umiwas din ako ng tingin dahil nag tama ang mga tingin namin ni Mae-mae
Kinakabahan talaga ako kapag nangyayari samin yon
Ewan ko ba
Wala ngang nagawa si Mae-mae at padabog na ibinigay yung lunch box kay Madeline
"Blee" inilabas ni Made yung dila nya para asarin si Mae-mae
"Nga pala, Mae-mae kelan ang start ng shoot nyo para sa isang teleserye?" Tanong ni Reign kay Mae-mae at isinara yung librong binabasa nya
"Di ko pa alam" kabit balikat ni Mae-mae "Wala pa namang announcement"
"Grabe mga bff ko ngayon ah, mga artistahin" sabi ni Made habang kumakain ng cookies
"Manahimik ka na nga lang dyan!" Inambahan ni Mae-mae ng suntok si Madeline
"Wala ka lang pag asa sa crush mo eh!" Pang aasar ni Made kay Mae-mae
"Ikaw nga pinag pustahan" sumeryoso ang boses ni Mae-mae
Napailing nalang ako sakanila habang gumagawa ako ng assignment, parang silang mga bata
"Hindi magagawa ni Axl yan!" Pag gagaya ni Mae-mae sa sinabi ni Madeline noon
"Hoy! Hindi ko yan sinabi!" Napatigil si Madeline sa pag kain ng cookies at sinamaan ng tingin si Mae-mae
"Sakto, may limang libo pa ko sa wallet" tumawa ako pag katapos kong sabihin yon
"Ann!" Rinig kong pag angal ni Madeline
"Kayo naman, iniinis nyo yan sa mokong na yon." Mahinhin na sabi ni Reign
"Mabuti pa si Reig-" Hindi natapos sa pag sasalita si Made nang mag salita ulit si Reign
"Teka 29 ba ngayon?" Nakangising tumingin samin si Reign
"Reign!" Sumigaw na si Madeline
Natatawa nalang talaga ako sa reaksyon ni Madeline, kaya naman ay tuwang tuwa si Mae-mae at si Reign pag naaasar nila si Madeline.
Lumipas ang mga araw na iniiwasan ko talaga si Mae-mae, hindi na din ako pumapayag na tabi kami matulog dahil naiilang ako.
Tsaka hindi ko pa din matukoy kung may crush ba talaga ako kay Mae-mae.
Kase naguguluhan pa ko hanggang ngayon.
After class ay tinakasan ko ulit si Mae-mae, hindi ako sumabay sakanya pauwi. Dahil naiilang lang talaga ako.
Habang nag lalakad ako pauwi ay nag ring ang selpon ko kaya sinagot ko naman yon
"Yes Reign?"
[Bakit hindi mo ko sinabay na umuwi?] Nagulat ako nang marinig ko yung boses ni Mae-mae
"Uhm ano, uhm may pinapautos si Mamang" natataranta kong sabi
[Hindi mo na nga ako sinabay na pumasok pati ba naman sa pag uwi?] Ramdam ko sa boses nya na nag tatampo sya
Mag best friend kami ni Mae-mae bakit ko ba sya hinahayaan na ganto kami?
Pero para naman sa kapakanan ko toh, ayokong mahulog ng tuluyan kay Mae-mae.
Ako lang ang masasaktan sa huli
"I'll make bawi bawi nalang" sabi ko
[Okay, mag iingat ka]
"Ikaw din" binaba ko na nga yung tawag at nag lakad na ko ulit
Pag ka uwi ko sa Mansion ay tinulungan ko agad si Mamang na mag linis sa may sala, ngayon kasi ang uwi ng mga magulang ni Mae-mae.
"Apo, dumating na pala yung packaged na galing sa Mommy mo" sabi ni Mamang habang nag ma-mop ako
"Hindi na po ba talaga uuwi si Mommy?" Tumingin ako kay Mamang
"Uuwi daw sya next Month kasama ang jowa nya" sabi ni Mamang
May bagong jowa na naman sya...
Pag katapos kong linisin yung Sala ay pumunta naman ako sa may Garden para mag walis don.
Nakita ko si Mae-mae na inihatid ng isang lalaki, sino naman kaya yon? Bakit sila sabay ni Mae-mae na umuwi?
Nakita kong ngumiti sakin si Mae-mae pero nag kunwari akong hindi ko sya nakita.
"So nag seselos ka sa nag hatid kay Mae-mae?" Tanong sakin ni Nadine
Andito kami ngayon sa kusina, nag pupunas ng mga pinggan na hugas na.
"Oo" tumango ako
"Edi may crush ka nga kay Mae-mae" medyo napalakas ang boses nya kaya nahampas ko sya ng malakas
"Huwag kang maingay, baka marinig ka nya" inis na sabi ko
"Uy, yung bff ko pumapag ibig na" pang aasar sakin ni Nadine
Pumapag ibig na nga ba ko kay Mae-mae?
Hays....
BAWAL DITO ANG TATLO GC
Aerish: Hoy @Ann bakit ganon ang post mo sa twitter dump mo?
Madeline: HAHAHAHAHA
Marie: Broken yan?
Ann: Mema
Madeline: Si Riley yung nag hatid kay Mae-mae, yung nakasamahan nya dati sa shoot
Ann: Pake ko dyan?
Ann: Bakit magaling ba yan sa Math at Science? Diba hindi!
Aerish: Teka natatamaan kami
Marie: Nag seselos nga
Madeline: Inshort inlove nga talaga sya kay Mae-mae
Ann: Ganon ba yon?
Aerish: Yes
Marie: Hindi ka naman mag seselos kung wala kang nararamdaman sa isang tao e
Ann: Naguguluhan ako
Aerish: Iwasan mo muna si Mae-mae
Madeline: Iniiwasan na nga nya
Aerish: Oh yun naman pala eh
Ann: Basta naguguluhan pa din ako
Ann: Hindi ko alam kung crush lang ba tong nararamdaman ko sakanya o mahal ko na talaga sya?
Marie: So aware ka na may gusto ka kay Mae-mae?
Ann: Oo
"Apo, tama na ang pag gamit ng selpon. Matulog ka na at maaga ka pa bukas" sabi ni Mamang at humiga na sa kama nya
"Opo, Mamang" tumingin ako kay Mamang at natulog na
"Gotcha!" Nagulat ako nang sumulpot sa kung saan si Mae-mae
"Anong ginagawa mo dito? Ang aga pa!" Tumingin ako sakanya
5am palang ng umaga at 7am pa yung pasok namin
"Gusto ko sabay na tayong pumasok, inagahan ko na yung pag gising ko para mag sabay tayo" ngumiti sakin si Mae-mae
Arghh akala ko pa naman makakatakas ako sakanya
Follow me on IG: sulatni_sunny
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...