CHAPTER 17 (SORRY)

6 1 0
                                    

Kaya naman ay tumayo ako at lumabas ng kwarto namin ni Mamang, pumunta ako sa Dirty Kitchen para makapag painit ng tubig.

Mabuti nalang ay abala ang mga kasambahay sa pag lilinis ng buong Mansion.

"Anong ginagawa mo dito?" Maldita kong sabi nang maramdaman ko ang presensya ni Mae-mae

"Hindi mo ni re-replayan ang mga text ko, kaya pumunta ako dito para tignan ka" malungkot na sabi ni Mae-mae

"Alam mo namang busy kaming lahat hindi ba? Hindi ko magawang hawakan ang selpon ko ngayon" sabi ko habang dinadampi sa leeg ko yung bimpo na nilagyan ko ng maligamgam na tubig

"What happened to your neck?" Tanong nya sakin at tinuro ang leeg ko

"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?" Tinarayan ko sya

"Oh, I'm so sorry Dutch Mill ko" Lumapit sya sakin at niyakap ako

Napaka lambing talaga ni Mae-mae, pero yung halikan ako ng walong oras? Wala akong masabi

Hindi ko alam na may ganon pala syang talento

"Omg, Welcome Back Marie!" Masaya kong sabi at niyakap si Marie

Ako at si Mae-mae ang sumundo sakanya ngayon sa Airport, dahil si Reign ay busy sa Pamilya nya at si Madeline naman ay busy sa pag aaral.

"Hey bro, what's up" masayang sabi ni Mae-mae at niyakap din si Marie

"Blooming na blooming ka ngayon ah" mapang asar akong tinignan ni Marie

"Ganto talaga pag may jowa" kinindatan ko siya

"Uy si Jp oh!" Napatingin ako sa tinuro ni Mae-mae at nakita ko nga si John Paul

"Let's go na" nagulat ako nang mag aya agad na umuwi si Marie

Sumakay na nga kami sa Van, at inihatid lang namin si Marie sa may Condo nya.

Before finals ay nag karoon kami ng get together, dahil itong si Jrose ay nag chat kay Mae-mae na sumunod kami dahil malapit na din pala ang birthday ni Reign.

Nalaman na din nila yung tungkol sa relasyon namin ni Mae-mae, pano ba naman si Mae-mae ay nadulas at natawag akong bebe.

Pero naramdaman din namin ang biglang pag ka tahimik ni Reign.

"Ayan kase tago pa" sabi ni Marie

I felt guilty, malapit ang loob namin kay Reign. Dapat pinaalam na namin sakanila.

"Pahirapan yang suyuin tamo" sabi pa ni Madeline

Okay naman kay Madeline, and si Jrose naman ay natuwa pa nung nalaman.

"Kakausapin ko nalang" sabi ko

"Bonak, hindi yun mag sasalita o aamin sainyo" sabi ni Marie

"Ano ba ang dapat naming gawin?" Tanong ni Mae-mae kay Madeline

"Apologize Mae-mae, kakausapin ko si Reign" sabi ni Madeline

Habang kausap ni Madeline si Reign ay inayos na din namin yung mga preparation para sa birthday ni Reign.

"Yung blue lemonade okay na ba?" Tanong ni Jrose samin

"Yes, nakapag timpla na ko" tumango ako kay Jrose

Pina text na ni Mae-mae si Marie kay Madeline na okay na yung hapunan, sa sobrang hardworking ni Reign ay hindi na nya namalayan yung araw.

Habang nag iinom sila ay nilapitan ko si Reign sa may dagat, mababaw lang naman dahil gabi na.

"Reign, alam kong nag tatampo ka" sabi ko kaya naman ay lumingon sya sakin

"No it's okay" ngumiti sya

"No, that's not okay. Parang pinamukha namin sainyong dalawa ni Madeline at kila Aerish na wala kaming tiwala sainyo kaya di namin sinabi" saad ko

"Ann, I understand. Malalaki na tayo at hindi na tayo mga bata para sabihin nyo ni Mae-mae sakin lahat. May mga bagay talaga na kailangan nyong sarilihin." Mahinahong sabi nya

"Thank you for understanding, Reign" lumapit ako sakanya at niyakap ko sya

Napaka swerte talaga ng circle of friends namin dahil meron kaming Reign na napaka understandable.

After ng outing namin ay nag pa baba ako sa may bahay nila Mommy, sabi kasi nya ay may mga pinamili syang mga damit para kay Mamang.

"Sa sunday nak? May gagawin ka?" Tanong sakin ni Mommy habang pinag lalagay nya ko ng niluto nyang maja

"Bakit po? Ano pong meron sa linggo?" Tanong ko kay Mommy

"Diba gusto mong makilala ang tunay mong tatay?" Napangiti ako dahil sa sinabi ni Mommy

"Yes Mommy" agad naman akong tumango "Pero okay lang po ba yon kay Tito Daddy?"

"Of course" ngumiti sakin si Mommy

Kaya naman ay masaya akong umalis sa bahay nila Mommy

"Excited na kong makilala ang Daddy ko, Cookies" masaya kong sabi, katawagan ko kasi sya ngayon habang nag hihintay ng masasakyan

[Oh good to know, makikilala mo na sya]

"Gusto ko nang mag linggo agad, hays ano kaya istura non? Kamukha ko ba sya?"

[Siguro yung ilong mo nakuha mo sakanya. Kase yung ilong ni Tita Jhonna pango e. Yung ilong mo naman matangos]

"Grabe ka sa ilong ng Mommy ko" tumawa ako

[I'm telling the truth, Dutch Mill] natawa din sya

"Uhm, cookies ko mamaya nalang okay? Pasakay na ko"

[Sige po, mag iingat ka]

"I love you, Cookies ko"

[I love you too, Dutch Mill ko]

Pinatay ko na nga yung tawag at sumakay na sa Taxi, habang pauwi ako ay nakatanggap ako ng text mula kay Marvin.

From: Marvin
Boy?

To: Marvin
Uy?

From: Marvin
Pwede mo ba alagaan si Charlie?

To: Marvin
Ha? Bakit may sakit ba sya?

From: Marvin
Lasing e, wala akong pag iiwanan. Hinahanap na kasi ako ni Nadine tsaka nila Mommy

To: Marvin
Okay okay

Sinabi ko sa Driver na dalhin ako sa unit ni Charlie, ewan ko ba kay Charlie at nag iinom.

Nang makarating ako sa Unit ni Charlie ay nag door bell agad ako

"Hi Charlie" nakangiti kong sabi at kumaway sakanya

Nagulat ako nang bigla nya kong hilahin papasok ng Condo nya

"Hey, bakit mo ko hinila? Papasok naman ako" sabi ko at inaayos ko yung damit na suot ko

"Take off what you're wearing" seryoso nitong sabi

"Ha?" Napalakas ang boses ko

Sa kalagayan naman ni Charlie ay hindi naman sya lasing ah?

FOLLOW ME ON IG: sulatni_sunny

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now