CHAPTER 57 (EXPLAIN)

6 1 0
                                    

"Totoo po ba? Mama ka din po namin?" Tanong ni Maerey kay Mae-mae

"Yes" tumango naman si Mae-mae at ngumiti

"Yehey! Kompleto na tayo!" Tumalon talon sa tuwa si Yvonne

"Asan pala si Jhohann?" Tanong ni Mae-mae sa dalawa

"Uhm, akyat lang ako. Kausapin ko muna si Jhohann" sabi ko kay Mae-mae at tumalikod sakanya

Hinayaan ko muna silang tatlo na mag ka usap usap, habang ako ay kakausapin ko ng masinsinan si Jhohann.

"Jhohann... Anak ko" umupo ako sa kama nya at itinanggal ko yung kumot sa katawan nya

"Ayoko sakanya, Mama. Gusto ko po mag karoon ng Daddy!" Tumingin sya sakin at nakita ko ang pamumula ng mukha nya dahil sa pag iyak

"Anak, ang pamilya natin ay hindi tulad ng iba. Na may Mommy at Daddy-" hindi pinatapos ni Jhohann ang pag sasalita ko nang mag salita siya

"Mabuti pa po sila Ate Raya may Mommy at Daddy eh kaming tatlo nila Yvonne? Wala. May pinag manahan pala sa kabadingan si Yvonne, dahil ang mga magulang pala namin ay mga bading" hindi ko alam, hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko sa mga sinabi ni Jhohann tungkol sa mga magulang na meron sya

"Jhohann, bakit ka nag kakaganyan? Kayong tatlo ay hindi ko tinuruan na mang husga sa ibang tao, hindi mo alam kung ano ang mga pinag daanan ng Mommy Mae-mae mo. Kung hindi mo tanggap na kami ang mga magulang mo, mag hanap ka na ng bagong magulang" seryosong sabi ko sakanya

"Pupunta nalang ako kay Lola" umalis siya ng kama nya at pumunta sa durabox nya

"As if naman makakapunta ka sa Lola mo, wala kang plane ticket papuntang dubai" sabi ko kay Jhohann

Oh Lord...

Kanino po ba nag mana ang batang toh?

"Edi mag hahanap nalang po ng bagong magulang, tutal itinataboy nyo na ko!" Pag dadabog nya habang kinukuha nya ang mga damit nya sa kanyang durabox

"Jhohann, bakit ka ba nag kakaganyan? Bakit ayaw mo sa Mommy Mae-mae mo? Bakit ayaw mo samin? Ano ba ang nangyayari sayong bata ka?" Medyo lumakas ang boses ko

"Kase Mama, gusto kong mag ka Daddy! Gusto kong maramdaman ang pag mamahal ng isang Daddy! Hindi sa isa pang Mommy! Kase andyan ka na Mama, ramdam ko na ang pag mamahal mo pero sa isa pa naming Mommy, mararamdaman ko po ba ang pag mamahal na gusto ko?" Napakurap ako nang sigawan ako ni Jhohann

"Anak, bakit mo hinuhusgahan ang Mommy mo? Bakit? Dahil ba babae sya? Anak huwag ka munang mang husga, dahil hindi mo pa kilala ang Mommy mo." Mahinahon kong sabi, pinipilit kong maging mahinahon dahil baka masaktan ko lang si Jhohann sa mga salita ko

"Basta, Mama. Ayoko po sakanya" umiling sya sakin at tumalikod

"Kung alam mo lang, kung alam mo lang Anak. Kung paano ako mahalin ng Mommy Mae-mae mo..." Humina ang boses ko

"Kung ayaw mo sakanya, hindi kita papansinin. Kung mataas ang pride mo? Wala akong pakialam, basta hangga't hindi mo natatanggap ang Mommy mo, hindi kita papansinin" sabi ko kay Jhohann at lumabas na ko ng kwarto nya

Napaupo nalang ako sa may unang palapag ng hagdan dahil hindi ko alam, hindi ko alam kung paano ang gagawin ko kay Jhohann para matanggap nya lang si Mae-mae.

"Mama, handa na po ang tanghalian" nakita ko si Maerey na nasa ibaba na may ngiti sa mga labi

Tumango lang ako sakanya at tumayo ako. Pinuntahan ko yung kwarto nila Jhohann para sabihin na kakain na.

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now