"Okay ka lang ba?" Narinig ko ang boses ni Marie
"Oo" tumango ako pag katapos kong mag hilamos
"Ann, mag Pt ka kaya?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Marie
"Marie, hindi ako buntis. Baka di lang ako natunawan sa manok na kinain natin kagabi" humarap ako kay Marie
"Pareho tayo ng kinain, kagabi. Hindi naman ako nag suka" sabi nya
"Basta Marie, hindi ako buntis" sambit ko at lumabas na ng Cr
"Please? For me?" Pag pupumilit niya
"Marie naman! Hindi ako buntis! I'm only 18 year's old" inis akong tumingin sakanya
"Para sa ikakatahimik ko mag test ka ng PT. Kung negative okay lang at least nalaman natin" saad nya
"Sige, basta hindi ako buntis" pag payag ko
Kaya naman ay umalis si Marie para pumunta sa Pharmacy, habang hinihintay ko si Marie ay tinawagan ko naman si Nadine. Hindi kasi ako mapakali, at pinapanalangin ko na sana walang mabuo.
"Girl, Relax. Sabi mo sa kwento mo nag take ka naman ng Pills" sabi ni Nadine
"Naiinis din ako sa Charlie na yan ha! Akala ko pa naman iba sya sa Daddy nya. Pag kapareho lang pala sila ng ugali!" Galit na galit na sabi ni Nadine
"May ginahasa din si Sir Charles?" Tumingin ako kay Nadine
"Oo" tumango sya
"Asan na yung girl at yung anak nya?"
"Walang nakaka alam kung nasan ang mag ina nya, basta ay umalis daw ito ng Laguna at nag tungo sa isang Probinsya. Pero sabi ng Lola ko ay nasa Manila daw nakatira ang babaeng ginahasa ni Sir Charles." Pag kwe-kwento ni Nadine
Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol don?
Gusto ko pa sanang tanungin si Nadine tungkol sa mga Forbes, pero dumating na si Marie kasama si John Paul.
"Bakit kasamahan mo si John Paul?" Iyon agad ang tanong ko kay Marie
"Basta, mag test ka na sa Cr" bulong nya sakin at ibinigay ang apat na Pregnancy Test
Napa buntong hininga nalang ako habang papasok ng Cr
Kasalanan toh ni Charlie pag nag two lines toh, paano nalang kami ni Mae-mae?
Sa unang PT ay malabo yung pangalawang linya kaya nag test ulit ako. Pero malabo pa din hanggang sa pangatlong Pt na ay medyo luminaw ang pangalawang linya.
"Hi-hindi maaari toh!" Natataranta na ko, at binuksan ko yung isa pang PT para ma sure ko kung buntis ba talaga ko
Napahawak ako sa bibig ko nang makita kong two lines ang pang huling PT
"Hindi ako buntis! Hindi ako buntis! Hindi ako buntis!" Pa ulit ulit na sabi ko habang tinititigan ang apat na PT
Naramdaman ko ang pag pasok ni Nadine at ni Marie sa Cr, niyakap agad ako ni Marie.
"Tangina ni Charlie!" Nang gigigil na sabi ni Nadine at itinapon ang apat na PT sa may basurahan
"Marie, ayoko nito" tumingin ako kay Marie "Hindi deserve ng bata na mabuhay sa mundong toh" sabi ko pa
"She deserve alam kong magiging mabuting Ina ka sakanya" mahinahong sabi ni Marie
"Hindi ko kaya... Hindi ko kayang buhayin sya, hindi ko kaya na maging mabuting Ina sakanya" humagulgol ako sa pag iyak
"Pasensya na, Ann. Nang dahil kay Marvin kaya ka nag kakaganyan, kung hindi lang sana natakot si Marvin kay Charlie hindi yan mangyayari sayo" napatingin kami ni Marie kay Nadine nang mag salita ito
"Bakit tinakot ni Charlie si Marvin?" Tanong ni Marie kay Nadine
"Kwento sakin ni Marvin na tinakot sya ni Charlie, kapag hindi nya napa punta si Ann sa condo ni Charlie. Ann matagal ka na nya talagang balak ipa dampot, may mga tauhan sya para sundan ka. Kaso nitong mga nakaraang buwan ay palagi kayong mag kasama ni Mae-mae kaya hindi natutuloy ang plano nila" pag kwe-kwento ni Nadine habang umiiyak sya
"Tangina talaga ang mga Forbes! Wala silang pinipili!" Galit na galit na sabi ni Marie
"Marie, paano nalang pag nalaman toh ni Mae-mae? Ayokong mag hiwalay kami.." I sighed
"Teka, pupunta tayo sa OB ngayon. Para ma confirm talaga natin, baka false alarm lang yan" ngumiti sakin si Marie
Hindi na sumama samin si Nadine dahil kailangan sya sa may Mansion
"Marie, sana false alarm lang. Dahil hindi ko kayang buhayin ang batang toh! Marami pa kong pangarap na gusto kong matupad.." sabi ko habang papunta kami sa isang hospital na malapit lang
"Calm down, Ann. Sana nga False alarm lang, dahil ganyan din ang nangyari sakin nung nasa Florida palang ako" tumingin sakin si Marie
Sana Lord, false alarm lang po toh..
Ayoko pa ng bata
Ayoko pa
Bata pa ko
Madami pa kong pangarap
Ayoko pang bumuo ng isang Pamilya
Hindi ko mahal si Charlie
"I'm so sorry, Ms. Romero hindi sya false alarm. You are 2 weeks pregnant" sabi ng Doctor
"No Doc. Hindi maari toh" my voice broke
"Ann" niyakap agad ako ni Marie
"I'm so sorry" ngumiti samin ng tipid si Doc
"Doc, baka naman nag kakamali po kayo? Baka hindi po talaga ako buntis" tumayo ako at nilapitan ang Doctor
"Ms. Romero, I'm sorry you are really pregnant. Excuse me" sabi ni Doc at umalis na sa harap ko
"Ma-marie.." niyakap ko si Marie at humagulgol ako sa pag iyak
Tangina
Ayoko ng bata
"Tanggapin nalang natin okay? Wala na tayong magagawa andyan na yung bata" naiiyak na din si Ann
"Babalikan kita, matapos ang siyam na buwan. Kukunin ko ang anak ko sayo"
"Ma-Marie, kailangan hindi malaman ni Charlie ang tungkol dito" sabi ko dahil naalala ko yung sinabi nya sakin noon
"Bakit naman?"
"Kukunin nya yung bata, hindi mapapa buti sakanya yung bata" saad ko
"Eh ano ang plano mo?" Tanong sakin ni Marie
"Ipapa laglag ko" umiwas ako ng tingin
Nagulat ako nang bigla akong batukan ni Marie
"Ann, tanga ka ba? Buhay ng bata yan! Hindi nya kasalanan kung nabuo sya! Kasalanan ni Charlie yan!" Madiin na sabi ni Marie
"Eh anong gusto mong gawin ko, Marie? Buhayin ko ang batang toh? Hell no! Ayoko!" Bulalas ko kay Marie
"Basta, bubuhayin mo ang bata. Hindi kita mapapatawad pag pinalaglag mo yan" seryosong sabi ni Marie sakin
Eh Anong magagawa ko?
Madami pa kong pangarap na hindi ko pa natutupad
Ayoko ng ganito
Sa Condo ako ni Marie umuwi dahil natatakot sya na baka ipalaglag ko yung bata
Follow me on IG: sulatni_sunny
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...