CHAPTER 8 (SEA-LOST)

6 1 0
                                    

"Sinong nag sabing pumunta ka ng Laguna?" Seryosong sabi ni Mommy at lumapit sakin

"Sinamahan ko lang po si Mae-mae, dahil nalulungkot po sya-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang maramdaman ko ang pag dapo ng kamay ni Mommy sa pisngi ko

"Huwag na huwag kong malalaman na pumunta kang Laguna, wala akong pake kung anak ng amo mo ang pupuntahan mo don!" Galit na galit na sabi ni Mommy

"Jhonna naman!" Suway ni Mamang kay Mommy

"Hindi ako mag dadalawang isip na dalhin ka sa america pag sinuway mo ko" napa atras ako nang duruin ako ni Mommy

"Jhonna! Ngayon mo na nga lang nakita ang anak mo, ginaganyan mo pa!" Galit na sabi ni Mamang

"Sige, Nay! Pag tanggol nyo yang apo mo!" Sigaw ni Mommy

Bakit ganon si Mommy?

Bakit ayaw nya kong papuntahin sa Laguna?

Ano bang meron sa lugar na yon?

"Apo, pag pasensyahan mo na muna yung mommy mo ha? Baka nabigla lang sya" tumingin sakin si Mamang

"Mamang, bakit? Bakit ayaw nya po akong papuntahin sa Laguna?" Tanong ko kay Mamang

"Apo kasi, ang Mommy mo lang ang may karapatan na sabihin sayo ang dahilan. Wala akong karapatan na sabihin sayo nang walang permiso sa Mommy mo" sabi ni Mamang

Hayss

Ang daming tanong sa isipan ko dumagdag pa toh

Lumipas ang isang buwan na hindi kami nag kikita ni Mae-mae, thru online lang ang communication namin.

"Miss na miss ko na sya" malungkot na sabi ko habang nag didilig ng mga halaman

"May day off tayo sa sunday ah, gusto mo puntahan natin si Mae-mae?" Sabi ni Nadine

"Mapapagalitan ako ni Mommy, pag nalaman nyang pumunta na naman ako sa Laguna" tumingin ako kay Nadine

"Edi i-secret natin" ngumiti sakin si Nadine habang nag pupulot ng mga tuyong dahon

"Sige, mag papa alam ako kay Mamang" sabi ko

After namin sa garden ay nag linis kami sa may bodega

"Sa Sunday mag kita kayo ng Mommy mo" sabi ni Mamang

Napahinto ako sa pag huhugas ng pinggan nang sabihin yon ni Mamang

Pakatapos kasi mangyari ang gabi na yon ay hindi ko na nakita si Mommy, pero nakikita ko ang mga post nya sa social media na kasamahan ang asawa nya sa iba't ibang lugar dito sa Pinas.

"May gagawin po ako sa Sunday Mamang" sabi ko

"Apo, alam kong may tampo ka sa Mommy mo. Gusto nyang bumawi sayo" naramdaman ko ang dalawang kamay ni Mamang sa balikat ko

"Saka nalang po ako makikipag kita sakanya" tumingin ako kay Mamang at ngumiti ng tipid

After kong mag hugas ng pinggan ay pumunta naman ako sa grocery para bumili ng cookies and dutch mill, pumunta din ako sa baked shop para bumili ng brownies.

Habang pauwi ako ay nag vibrate yung selpon ko kaya kinuha ko yung selpon ko at tinignan

From: Mommy
Sabi ng Mamang mo may lakad ka sa linggo?

To: Mommy
Yes po

From: Mommy
I-cancel mo muna yan

To: Mommy
Pero Mommy

From: Mommy
Ipapahiya mo ko sa Daddy mo?

From: Mommy
He wants to see you

To: Mommy
He's not my Dad!

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now