"Tama lang yan! Mabulok sya sa kulungan!" Bulyaw ni Mae-mae at dinuro-duro si Charlie
"Ms. De Jesus ano ba ang problema natin?" Sabay kaming napatingin ni Mae-mae kay Sir Charles
"Sir Charles, yang magaling nyo pong anak ginahasa si Ann!"
"May ibedensya ka ba?" Mayabang na sabi ni Sir Charles
"Sir, kailangan po ba ng ebidensya? Para mapatunayan ang sinasabi ni Mae-mae?" Sabi ko
"Malay ko bang gumagawa lang kayo ng kwento para pabagsakin ang mga Forbes?" Sabi ni Sir Charles
"Ang ta-tanga ng mga taga Laguna, yung Governor nila may Anak na Rapist" sabi ni Mae-mae
Napaawang ang labi ko nang bigla syang sampalin ni Sir Charles ng malakas
"Oh, deserve!" Nakangising sabi ni Charlotte at pumalakpak pa nga
"Tara na Mae-mae" hinila ko na si Mae-mae palabas ng bahay ni Sir Charles
"Tanginang mga Forbes yan!" Nang gi-gigil nyang sabi habang nakahawak sa may pisngi nya
"Atleast makukulong na si Charlie" sabi ko sakanya
"Yu-yung anak mo pala nasan?" Tumingin sya sakin
Umiwas ako ng tingin at hindi sya sinagot
"Ann... Huwag mong sabihin na pina abort mo yung bata?" Dahan dahan nyang sabi
"Hindi ko sya pinalaglag" yumuko ako at pinipigilan kong lumuha
Namimiss ko na ang anak ko.....
"Then nasan sya?"
"Naiwan sya kay Nadine, dahil pinamigay ko na sya" tumingin ako kay Mae-mae
"Ann! Bakit mo pinamigay? Anong akala mo sa bata? Tuta lang?" Ayan na naman sya nagagalit na naman...
"Kung ikaw ang nasa posisyon ko? Kaya mo bang alagaan ang isang sanggol na bunga lamang ng pag kakasala?" Lumakas ang boses ko
"Bawiin mo yung bata, aalagaan natin sya" sabi nya
"Ayoko" umiling ako "Mas mabuti nang wala sya sa puder ko"
"Ann, anak mo yon. Laman at dugo mo ang dumadaloy sa katawan nya!"
"Pero may dugong Forbes pa din sya, Mae-mae" tumingin ako sakanya "Pwede ba kahit ikaw maiparamdam mo sakin na kakampi kita? Alam kong mali ang ginawa ko pero iyon lang ang nakikita kong paraan..."
"Hindi ko kaya na itolorate ka sa pag kakamali mo, pasensya na kung di mo maramdaman na kakampi mo ako" mahinahong sabi nya at niyakap ako
Lord, hanggang kelan po ba toh?
Kelan toh matatapos?
"Mag pretend ka nalang, na parang walang nangyari" sabi ni Marie sakin
Ngayon kasi ang alis namin papuntang Palawan, nakauwi na kasi si Louise and si Madeline ay nag pakita na din samin.
Hindi na ko nagulat nang malaman ko na may relasyon si Jrose at si Reign, halata din naman sa mga kilos nila.
"Ann, Mae-mae. Kailangan nyong makita toh" nag ka tinginan kaming dalawa ni Mae-mae nang pumasok bigla si Marie sa hotel room namin
@Balitanghali
Usap-usapan ngayon ang panunugod ng sikat na actress na si Janna De Jesus o mas kilalang Mae-mae. Nitong nakaraang araw ay sinugod nya ang bahay ng Governador sa Laguna sa kadahilanang ginahasa "daw" ng panganay na anak ni Gov. Charles ang kaibigan ni Mae-mae See more..."Gago, Mae-mae ang tunog ng pangalan mo ngayon" sabi ni Marie
"Ano na ang gagawin natin?" Tumingin ako kay Mae-mae
"Huwag kang mag alala, aayusin ko toh." Niyakap ako ni Mae-mae "Deserve nilang malaman kung ano ang totoo"
"By the way, Ann. Nakuha na ni Gavin ang anak mo" sabi ni Marie sakin
"Mabuti naman" ngumiti ako ng tipid kay Marie pero nasaktan ako, ewan ko ba
Tatlong araw na kami dito sa Palawan, at nag karoon pa ng problema sa pagitan ni Reign at ni Jrose
"Shocks, Ann. Hindi namin alam ang nangyari sayo..." Napatingin ako sa may pintuan at nakita ko ang mga kaibigan ko na pumasok, niyakap naman agad ako ni Reign
"Bakit hindi mo sinabi samin? Bakit?" Tanong sakin ni Aerish
"I'm sorry for not telling...." Tinignan ko sila
"Kaya pala nawala ka ng ilang buwan, pasensya na kung wala kang karamay sa mga panahon na kailangan mo kami.." nakita ko ang pag iyak ni Madeline
Saaming Pito si Madeline talaga ang may mababaw na luha saamin
"Na kwento samin ni Mae-mae ang nangyari, bakit mo pinamigay ang anak mo?" Tanong sakin ni Louise
"Kung ako ang nasa posisyon ni, Ann. Mahihirapan din akong tanggapin ang magiging bunga ng isang kasalanan" nakatulalang sabi ni Reign
"Kahit na, deserve pa din ng bata na maalagaan ng tunay nyang Ina" sabi ni Jrose
"Tumigil nga kayo" suway ni Aerish sa dalawa
Lahat sila ay nang hihinayang sa ginawa ko, edi sana daw ay may aalagaan silang bata ngayon...
"Nalaman ni Mommy at Daddy ang nangyari, balak nilang mag sampa talaga ng kaso kay Charlie" sabi ni Mae-mae pauwi na kami ngayon galing Palawan
"So alam na din ni Mamang?" Tumingin ako kay Mae-mae
"Oo" tumango siya "Nag wawala daw sabi ni Yaya Beng" dagdag pa nya
Hayss
Baka tumaas na naman ang dugo nya...
Sya lang ang mahihirapan
"Mamang!" Pag pasok ko palang ng Mansion ay si Mamang na agad ang pinuntahan ko
"Apo ko!" Niyakap ako ni Mamang ng mahigpit at naramdaman ko ang pag iyak nya
"Don't cry na po, I'm so sorry..."
"Apo ko... Bakit ginawa sayo yon?... Wala talagang ginawang tama ang mga Forbes sa pamilya natin..." Humagulgol sa pag iyak si Mamang
"Mamang, huwag ka na po umiyak. Nakakulong na po si Charlie" sabi ko
Inihatid ko muna si Mamang sa may kwarto para makapag hinga siya, sabi kasi ni Yaya Beng na nung nakaraan pa daw pana'y iyak si Mamang.
"Nakapag sampa na kami ng kaso kay Charlie at sa susunod na linggo mag sisimula ang hearing" sabi ni Ma'am Keanna
"Maraming maraming salamat po, Ma'am" ngumiti ako kay Ma'am Keanna
"You're welcome, hindi ka na bago sa pamilya namin. At si Mae-mae ang unang lumapit para matulungan ka para makuha mo yung hustisya" ngumiti sakin si Ma'am Keanna
Wala akong masabi sa pamilya ni Mae-mae, napaka bait nila sobra kaya mas lalo silang bini-bless ng Panginoon.
"Cookies, salamat" sabi ko habang nakatingin sa kalangitan
Andito kami ngayon sa may garden kung saan ay palagi kaming tumatambay ni Mae-mae noon
"Wala yon, ang gusto ko lang naman ay makatulong sayo" naramdaman ko ang pag tingin nya sakin
"Bakit mo ginawa yon? Pwede namang huwag nalang" sambit ko
"Dahil mahal na mahal kita, Dutch Mill ko. Gagawin ko ang lahat para maiparamdam ko sayo ang pag mamahal ko"
"Mahal na mahal din kita, hindi ko kayang mabuhay nang wala ka" tumingin ako sakanya at ngumiti
Follow me on IG: sulatni_sunny
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...