CHAPTER 26 (1ST & 2ND ANNIVERSARY)

11 2 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sabi ni Mamang ay pupunta si Mommy dito sa Mansion, si Mae-mae ay maagang umalis dahil isinama siya ni Sir Cedric sakanilang Rancho

"Mommy" nag mano ka agad ako kay Mommy

"Nakita ko ang balita, totoo ba na ginahasa ka ni Charlie?" Seryosong tanong ni Mommy sakin

Tumango naman ako at binigyan sya ng upuan para makaupo

"Kinausap ko si Nadine, ipinamigay mo yung anak mo?"

"Opo" tumango ulit ako

"Ann!" Lumakas ang boses ni Mommy at ibinalibag ang basong nasa tabi nya

"Mo-mommy..."

"Ako, Ann. Kahit ayoko sayo nung bata ka hindi kita pinamigay! Kahit na bunga ka lang din sa isang kasalanan hindi kita pinalaglag o ipinamigay! Tapos? Ano? Pinamigay mo lang yung anak mo na parang tuta!" Sunod na sunod na sabi ni Mommy

"I'm sorry" yumuko ako "Hindi ko lang po kaya na alagaan sya o mahalin man lang..."

"Jhoanna Aubrey naman... Bakit mo ginawa yon? Lahat ginawa ko para sayo mabuhay ka lang, tapos ganon lang ang gagawin mo sa anak mo? Pinamigay mo lang?" Galit na galit na sabi ni Mommy sakin

"Ayaw kong manatili ang anak ko sa puder ko... Kase alam ko sa sarili ko na hindi ko maibibigay ang pag mamahal na kailangan nya.. Madami pa po akong pangarap Mommy..." Tumingin ako kay Mommy at pinunasan ang luha ko

"Ako din naman anak, ang dami kong pangarap para sa sarili ko pero anong ginawa ko? Mas pinili kong alagaan ka!"

"Please Mommy, forgive me.." lumapit ako kay Mommy at niyakap sya

"Sana mapatawad ka din ng anak mo balang araw..." Sabi ni Mommy at niyakap din ako

Mukhang pinapamukha talaga sakin na mali ang ginawa ko, pero iyon lang talaga ang nakikita kong paraan para gumanda at umayos ang buhay ng anak ko....

"Dutch Mill ko, you need to watch this" nag taka ako kay Mae-mae nang nag mamadali siyang pumasok sa kwarto namin ni Mamang dala dala ang laptop nya

May pinanood syang video sakin at si Marvin yon

"Gusto ko lang na maging totoo kahit ngayon lang, I'm Ann's Friend since naging jowa ko ang kaibigan nya. First of all I'm very sorry Ann, sa nagawa ko.. Tinakot ako ni Charlie na papatayin nya ang pamilya ko, ilang linggo nya kong kinukulit na ipa kidnap ka pero hindi ko magawa kase naging mabuti kang kaibigan saakin. Hanggang sa umabot sa punto na ang dami na nyang Dead Threats na pinapadala sa bahay namin.... Na tro-trauma na ang pamilya ko... Kaya kahit na ayaw ko sinunod ko ang gusto ni Charlie.. Kaya I'm so sorry Ann, I'm so sorry... Kalalaki kong tao napaka duwag ko..."

Napaiyak ako nang mapanood ko ang video ni Marvin...

Biktima din sya...

Napakasahol mo talaga, Charlie!

"Shush don't cry na Dutch Mill" niyakap ako ni Mae-mae

Ang saya saya ko nang mapatunayan na ginahasa talaga ako ni Charlie, sa wakas makakamtan ko na din ang hustisya...

Na sampahan na talaga ng kaso si Charlie ng halos tatlumpung taon sa kulungan...

"Happy 1st Anniversary, Cookies ko!" Masaya kong sabi nang pumasok si Mae-mae sa kwarto nya

Galing kasi syang photo shoot sa isang brand, kaya habang wala sya nag decorate ako dito sa kwarto nya.

After talaga ng mga pangyayari ay umayos na yung buhay ko, sa anak ko naman ay wala na kong naging balita. Basta ang alam ko ay mabuting tao ang nag ampon sakanya.

"Wow, Happy 1st Anniversary. Dutch Mill ko" niyakap ako ni Mae-mae

"Thank you for everything, pinatunayan mo talaga sakin na mananatili ka sa tabi ko kahit na anong mangyari" hinalikan ko siya sa labi

"Ganon talaga, pag mahal mo. Ang lakas kasi ng tama ko sayo" nakangiting sabi ni Mae-mae at pinisil ang ilong ko

"Nag baked ako ng cookies and brownies, then bumili ako ng isang pack ng Dutch Mill" sabi ko sakanya

Ngumiti naman sakin si Mae-mae at pumunta na sa may terrace ng kwarto nya, doon kasi ako nag set up

"Patagal ng patagal lalong sumasarap yung mga ginagawa mong cookies and brownies" sabi ni Mae-mae habang kumakain

"Sinasarapan ko talaga, para hanap hanapin mo yung lasa" nakangising sabi ko sakanya

"Kamusta na kaya si Louise sa Singapore? Sana maka usad na sya kay Lhianne" tumingin sya sakin

"Sana nga, pero diba nag adopt sya ng baby?" Sambit ko

"Oo" tumango sya

"Well kahit ako yung nasa posisyon ni Louise, hindi ako makaka get over sa taong minahal ko ng sobra tapos first love ko pa"

"Pangako, Dutch Mill ko. Kahit na anong mangyari, kahit na husgahan tayo ng madaming tao mamahalin kita" hinawakan ni Mae-mae ang kamay ko at hinalikan ito

"Sana nga, pero dadating at dadating tayo sa puntong kailangan na nating mag hiwalay" ngumiti ako ng tipid sakanya

"Kahit na mag away pa tayo piliin natin na ayusin palagi" kinindatan ako ni Mae-mae

"Je t'aime mon amour" niyakap ko sya

"Je t'aime aussi" ngumiti sya sakin

"Huh? Alam mo yon?" Nag tatakang sabi ko

"Aba'y malamang, anong akala mo sakin? Hindi ko alam yan?" Humalakhak siya

"Okay, okay. Wala naman akong laban sayo" inirapan ko siya

Nakikita ko na talaga kay Mae-mae na sya ang makakasama ko sa future ko, ang galing lang siguro kung hanggang sa pag tanda namin ay kami parin ni Mae-mae.

Pero hindi naman ganon ang buhay...

Kahit na mahal na mahal nyo ang isa't isa kung hindi naman kayo ang para sa isa't isa wala kayong magagawa...

Just like Louise and Lhianne... Ang sakit ng Love stroy nila...

"Sana balang araw makita ko siya" sabi ko kay Nadine

Nakwento nya kasi sakin na idinala daw sa ibang bansa ang anak ko

"Namimiss mo?" Tanong sakin ni Nadine

"Minsan" tumingin ako sakanya at ningitian sya

"Happy 2nd Anniversary Dutch Mill ko!" Muntik na kong madapa nang biglang lumitaw sa kung saan si Mae-mae

Nag lalakad kasi ako ngayon dahil kagagaling ko lang sa bahay ni Madeline, umalis na kasi si Louise kaya wala nang titingin sakanya. Si Reign naman ay ganoon din pati si Jrose at Aerish. Kaya kaming tatlo nalang ang mag kakasama ngayon.


"Happy 2nd Anniversary din, Cookies ko" ngumiti ako sakanya at niyakap sya ng mahigpit

"Halika may pupuntahan tayo" napakunot ang noo ko nang hawakan ni Mae-mae ang kamay ko

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko sakanya

"Basta" sabi nya at ngumiti sakin

"Okay"

Wala na kong nagawa at pumayag nalang ako, naging okay ang buhay ko ngayon simula nung nakulong na si Charlie.

Ang balita ko naman kay Marvin ay umalis na ng bansa kaya itong si Nadine ay ilang araw nang tulala

"Saan na naman ba tayo pupunta?" Tumingin ako sakanya dahil ang layo na namin

Nakakainis lang dahil hindi man lang sinagot ni Mae-mae ang tanong ko

"Mae-mae!" Sumeryoso ang boses ko

"Chill, Dutch Mill ko. Sa may Olongapo lang po tayo" sabi nya habang mahinahong nag mamaneho

"Pwede naman tayo mag celebrate sa Mansion" sabi ko "Tsaka wala ka bang taping ngayon?"

"Wala po" umiling sya "Gusto ko kasi na makasama kita ngayong araw" hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ito tsaka tumingin sakin

Follow me on IG: sulatni_sunny

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now