CHAPTER 1 (DUTCH MILL AND COOKIES)

42 1 0
                                    

"Mommy, please huwag nyo po akong iwan kay Mamang.." umiiyak kong sabi at lumapit kay Mommy

"Anak, kailangan kitang iwan kay Mama. Para naman makapag trabaho si Mommy, para sa kinabukasan mo" humarap sakin si Mommy

"Pero Mommy, ayoko dito" umiling iling ako

"Anak, alam mo naman ang trabaho ni Mommy diba? Bawal ka don, ibang bansa yon." Hinawi ni Mommy ang buhok ko

"Mommy naman e, please? Pano kung di ka na babalik? Paano po ako?" Tumingin ako kay Mommy

Lumakas ang pag iyak ko nang tuluyan ng umalis si Mommy..

"Mommy!" Sigaw ko habang umiiyak

Ganon ba talaga ka importante ang trabaho nya? Bakit hindi nya ko kayang isama?

"Apo, dito ka matutulog okay? Sabi din ng amo ko na sila na ang mag papa aral sayo" sabi ni Mamang habang inaayos ang mga gamit ko

Hanggang ngayon hindi pa din ako tumitigil sa pag iyak

"Mamang, si Mommy babalik pa po ba sya?" Tumingin ako kay Mamang


Nakita kong tumayo si Mamang, at lumapit sakin.

"Apo, babalik ang Mommy mo. Ewan ko ba sa Mommy mo at kailangang umalis ng bansa, eh sakto naman ang kinikita nya sa pagiging dancer sa bar" sabi ni Mamang at pinunasan ang mukha ko

"Asan po ba ang daddy ko? Gusto ko pong makita at makilala ang daddy ko" sabi ko

"Ann, Apo ko huwag munang hanapin ang Daddy mo okay? Andito naman si Mamang, aalagaan kita. Kaya huwag ka nang umiyak dyan" sabi ni Mamang at niyakap ako

Iniwan ako ni Mamang sa may kwarto nya, dahil mag aasikaso pa sya dun sa mga amo nya.

Lumabas ako ng kwarto ni Mamang at pumunta sa may garden, umupo ako sa damuhan at pinag lalaruan ang mga damo.

"Hi!" Napatingin ako sa likod ko nang may marinig akong boses

Nakita ko syang umupo sa harap ko

"I have a Cookies and Two dutch mill, gusto mo?" Alok nya sakin

Pinunasan ko yung mukha ko gamit ang damit ko at kinuha yung isang dutch mill sa bata at yung cookies

"Why are you crying pala? I heard you kasi na umiiyak" tanong nya sakin

"Iniwan ako ng nanay ko, Mamang ko si Analyn Rey Romero" tumingin ako sa bata

"Ahhh, ikaw pala yung batang kinukwento sakin ni Yaya Analyn" nakangiti nitong sabi sakin "Ano pala ang pangalan mo?"

"Daming tanong ha" sabi ko sakanya

"Friendly ako eh" hagikgik nya

"Ako si Jhoanna Aubrey Romero, Ann is my Nickname" pag papakilala ko

"My Name is Janna Mae Yves De Jesus, Mae-mae for short" wow, shala English

Pero ang ganda ng name nya, kaso ang haba. Hirap siguro isulat non

"So, can we be friends?" Inilapit nya sakin yung hawak nyang dutch mill

"Friends" nakangiting sabi ko at idinikit ko yung hawak kong dutch mill sa hawak din nyang dutch mill

At simula nung araw na yon ay naging mag kaibigan kami ni Mae-mae, hindi lang si Mae-mae ang naging kaibigan ko. Kundi may lima pa kong naging kaibigan.

Pero may iba akong nararamdaman kay Mae-mae, na ni-niyerbos ako kapag nakikita ko sya. Minsan naman ay hindi ako makatulog dahil nasa isip ko sya ganon. Tapos bumibilis ang pag tibok ng puso ko kapag nag kakatinginan kami...

"Girl, hindi na yan normal." Sabi ni Madeline sakin

"Baka naman ay may crush ka na kay Mae-mae" sabi ni Reign

Andito kami ngayong tatlo sa rooftop nila Mae-mae, nag re-review kami dahil malapit na yung finals. And nag sisimula na din kaming mag apply sa BUNI University.


"Normal bang mag ka gusto sa kapwa babae?" Tanong ko sakanila

"Oo naman" si Madeline yung sumagot

"Pero masakit mag mahal ng babae" sabi ni Reign at kinuha na nga yung lapis nya at nag simula nang mag review

"Bakit na inlove ka na ba?" Curious na tanong ko kay Reign

Dahil ever since na nakilala ko si Reign ay wala pa kong nababalitaan na nag karoon sya ng BF, puro Talking stage lang.

"Hindi, sinabi lang sakin ni Madeline nung nag break sila ni Eka" sabi ni Reign at tumingin kay Madeline

"Hoy! Di ko sinabi yon! Yuckk" nandidiring sabi ni Madeline

Napailing nalang ako sa reaksyon ni Madeline, masakit ba talagang mainlove sa babae?

Maya maya lang ay dumating na din si Mae-mae dahil tinawagan sya ni Ma'am Keanna.

"Sorry, girls si Mommy kasi" sabi ni Mae-mae at naramdaman ko ang pag upo nya sa tabi ko

"Oo na sige na, mag review ka na dyan" sabi ni Madeline

Nag review na kaming tatlo then after naming mag review ay kumain kami ng cookies na binake namin together ni Mae-mae.

"Mae-mae, may tinatanong kanina si Ann" sabi ni Madeline habang kumakain ng cookies kaya naman ay napatingin ako kay Madeline

"Ano yon?" Sabi ni Mae-mae

"Kung normal daw bang mainlove sa kapwa babae" sabi ni Reign

Napapikit nalang talaga ako sa ginawa nila, at kay Mae-mae pa talaga nila tinanong huh?

"May nagugustuhan ka na?" Tumingin sakin si Mae-mae

"Oo" tumango ako at ngumiti ng tipid sakanya

"Masaya naman mag mahal ng babae pero masakit, tignan nyo ngayon si Louise di pa nakaka moved on kay Lhianne" seryosong sabi ni Mae-mae

Oo nga noh?

Ganon ba yon?

"Oh, Apo ko. Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong sakin ni Mamang nang pumasok sya sa kwarto namin

Kanina pa dapat ako matutulog dahil may pasok pa bukas pero hindi ko magawang matulog dahil sa nararamdaman ko

"Mamang, pwede po bang mag kagusto ang babae sa kapwa babae?" Tanong ko kay Mamang

"Wala namang masama, dahil lahat tayo ay may karapatan na mag mahal ano man ang kasarian nila" lumapit sakin si Mamang at umupo sa tabi ko

"Paano nyo po nalalaman na may gusto po kayo sa isang tao?" Tumingin ako kay Mamang

"Daming tanong ng Apo ko ah? Nag dadalaga ka na talaga" biro ni Mamang at hinawakan ang buhok ko

"I'm curious lang po" ngumiti ako kay Mamang

"Ganto kase yan Apo, pag kinakabahan ka sa taong yon pag nag kikita kayo. Tapos tuwing gabi iniisip mo sya bago ka matulog or di ka makatulog tuwing gabi dahil iniisip mo sya at di sya maalis sa isipan mo. Tapos gusto mo sya lang yung gusto mong makasama. Namumula yang mga pisngi mo pag napapansin ka nya" sa lahat ng sinabi ni Mamang ay nangyari na sakin

So posible ngang may gusto ako kay Mae-mae?

Shocks, ang gulo..

Ang gulo-gulo...

Follow me on IG: sulatni_sunny

Btw, Happy 700 ready "Destiny Series #2" thank y'all to my supporter! Grabe kayuhhh sana dumami pa kayuuhhh para everybody happy hihi!

-SUNNY

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now