CHAPTER 42 (DAYDREAM)

10 2 0
                                    

"Ayokong maging pabigat sayo" malungkot na sabi nya

"Bumalik ka nalang ng Pilipinas please? Mas maayos pa ang career mo don. Kesa dito sa France" tumingin ako kay Mae-mae

Dahil kanina pa kami nag tatalo, madalas na naming pag talunan toh

"Ayoko" nakita ko syang umiling

"Cookies ko... Wala kang magandang kinabukasan dito sa France kung mananatili ka pa... Mas maganda pa ang Career mo sa Pinas kesa dito" inis akong tumingin sakanya napaka kulit talaga ni Mae-mae

"Bukas, pupuntahan ko yung last na sinabi ni Aerish. Baka doon ay matanggap na ko" lumapit sakin si Mae-mae at niyakap ako

"Last na yan, pag hindi ka talaga tinanggap. Uuwi ka ng Pinas" huminahon ang boses ko

Ewan ko ba kay Mae-mae at nag titiis na manatili dito...

Mas okay pa ang career nya sa Pinas kesa dito sa France

Napaka hirap humanap ng trabaho...

"Ewan ko ba Reign, sa kaibigan mo. Mas gusto pang manatili dito sa France, kesa doon sa Pilipinas" sabi ko kay Reign, katawagan ko sya ngayon dahil ako ang nahihirapan para kay Mae-mae

[Ganyan talaga si Mae-mae, pag gusto nya gusto nya. Wala nang makakapigil don]

"Kamusta ka pala dyan? Kelan ka ba uuwi ng pinas?" Tanong ko sakanya

[I don't know yet, sobra akong napapagod sa araw araw na training namin dito]

"Baka naman napapabayaan mo na yung sarili mo dyan ah?" Sabi ko sakanya

[Hindi noh, don't worry]

Nag paalam ako saglit kay Reign and sakto namang start na ng training nila kaya pinatay nya muna yung tawag.

Lumabas ako ng kwarto ko dahil naririnig ko si Mae-mae na sumisigaw

"Huy! Bakit ka ba sumisigaw?" Tanong ko sakanya

Nairita ako nang yakapin nya ko ng mahigpit at tumatalon talon pa

"Tanggap ako, Dutch Mill ko!" Masayang sabi ni Mae-mae at niyakap ulit ako

"Hala! Congrats Cookies ko!" Niyakap ko din sya ng mahigpit

"Hindi na ko magiging pabigat sayo" sabi nya

Hindi ka naman pabigat sakin...

Mas gumagaan pa ang loob ko pag nariyan ka...

Dahil natanggap si Mae-mae sa trabaho ay nag decide akong mag celebrate kami, kaya yung dinner namin ay kakain kami sa isang Restaurant.

"Excited na kong ibahagi ang mga design na meron ako" nakangiting sabi ni Mae-mae sakin

"Basta sipagan palagi ah? Proud ako sayo" ngumiti ako sakanya

"Thank you, Dutch Mill ko. Dahil andyan ka pa din"

Sa loob ng apat na buwan ay naging masaya naman ang pag sasama namin ni Mae-mae, hindi na din kami madalas na mag away tulad noon.

Nag hahati na din kami sa mga gastusin dito sa apartment, like grocery, bayad sa tubig at kuryente etc...

"Hi Tita Ann" nag salubong ang mga kilay ko nang makita ko si Rose na nasa harap ko

Bakit sya andito?

Paano sya nakapunta sa France?

Panaginip ba toh?

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now