"Ms. Romero, one, two, three. Ire!!!" Sigaw ng doctor
Kaya naman ay lahat ng galit ko kay Charlie ay inilabas ko na
Hawak hawak din ni Marie ang dalawa kong kamay, dahil si Nadine ay nahimatay daw.
"Napaka gandang bata" rinig kong sabi ng Doctor nang mailabas ko na yung bata
Hingal na hingal naman ako after kong iere yung anak ko ng isahang irehan lang
Itatabi pa sana sakin sya pero sabi ko sa doctor ay huwag nang itabi sakin ang anak ko
"Hindi mo man lang ba hahawakan o bubuhatin ang anak mo?" Tanong sakin ni Marie habang buhat buhat nya ang sanggol
Nakalipat na din ako sa isang room kasama ang anak ko
"Ayoko, Marie." Umiwas ako ng tingin
"Ann naman... Please? Iparamdam mo naman sa anak mo na mahal sya ng Nanay nya" sabi ni Marie
"Paki abot nalang ng selpon ko" sabi ko kay Marie
I was shock nang nalaman kong nasa Pilipinas na pala si Louise at nasa airport na din si Aerish.
Umuwi kinakagabihan si Marie at si Nadine ang pumalit para may bantay ako sa hospital
"Ang ganda ng anak mo, namana nya yung matangos mong ilong" nakangiting sabi ni Nadine habang tinititigan ang anak ko "Ang lakas din ng dugo mo, pati mata ay saiyo nakuha"
"Pero dugong Forbes ang dumadaloy sakanya" tumingin ako kay Nadine
"Hay na ko Ann, hindi mo pa din ba tanggap ang anak mo?"
"Hindi" umiling ako "Kahit kelan hindi ko matatanggap"
"Tama din siguro ang desisyon mo, ang ipamigay nalang ang anak mo sa iba. Baka sa kukuha sakanya ay maging maayos ang buhay ng anak mo"
"Sana nga" bulong ko
Napaka swerte talaga sa kukuha sa anak ko
Sana alagaan nila ng mabuti
Dalawang araw lang kami nag stay sa ospital at umuwi na din kami sa Rest House. Si Nadine ang nag aalaga sa anak ko, dahil ako ay hindi ko man lang sya magawang hawakan.
"Ann, sure ka? Iiwan mo ang anak mo dito?" Pagalit na sabi ni Marie
"Marie, nakapanganak na ko. Ano pa ba ang gagawin ko dito sa Cebu?" Inis akong tumingin kay Marie
"Alagaan mo naman ang anak mo! Kahit sa huling pag kakataon! Ann anak mo parin yon!" Bulalas ni Marie sakin
"Hindi ko sya anak!" Sigaw ko "Isa lang syang maling pag kakamali!"
"Hindi ginusto ng anak mo na mabuo! Dapat kay Charlie ka magalit hindi sakanya!" Madiin na sabi ni Marie
"Ganon na din yon, Marie. May dugong Forbes padin sya." Huminahon ang boses ko
"Hindi ka uuwi ng Manila hangga't hindi mo inaalagaan ang anak mo" seryosong sabi ni Marie at umalis sa harap ko
Napasandal nalang ang ulo ko sa pader at hindi na alam ang gagawin
Narinig ko ang lakas ng iyak ng anak ko, kaya lumabas ako ng kwarto.
Nakita ko si Nadine na natataranta at hindi na alam ang gagawin
Lumapit ako kay Nadine at kinuha ko sakanya ang anak ko, tumahan naman agad at napahinga ng maluwag si Nadine.
"Sa Nanay lang pala tatahan" umiling iling si Nadine
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...